You are on page 1of 3

GRADE 8

(2nd Quarter)

SUBJECT QUARTER PERFORMANCE STANDARD

FILIPINO Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay


tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan

ARPAN Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga


at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko
at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking
impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

ESP/CL Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang


mapamahalaan ang kanyang emosyon.

TLE Understands and create recycled project

SCIENCE Make an emergency plan and prepare an emergency kit for


use at home and in school.

ENGLISH The learner transfers learning by composing and delivering a


brief and creative entertainment speech featuring a variety of
effective paragraphs, appropriate grammatical signals or
expressions in topic development, and appropriate prosodic
features, stance, and behavior.

MATHEMATICS Able to formulate and solve accurately real life problems


involving linear inequalities.

MAPEH Creating artworks showing the elements of the arts of Asia

BIG WORDS

FILIPINO – pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan


ARPAN – adbokasiya

ESP/CL- angkop na kilos

TLE – create recycled project

SCIENCE – emergency plan and prepare an emergency kit

ENGLISH- composing and delivering a brief and creative entertainment speech

MATHEMATICS- formulate and solve accurately real life problems

MAPEH- Creating artworks

OVERARCHING GOAL

Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng isang Symposium na sumasalamin sa


mga natatanging gawa “Handmade/DIY Emergency Kit” na may layuning maipakita ang
adbokasiya tungkol sa kaligtasan ng komunidad sa mga sakuna /kalamidad. Bukod dito,
sila rin ay inaasahang makabuo at makapaghatid ng isang maikli subalit makabuluhang
talumpati na maaaring tumulong sa mga mag-aaral tungo sa angkop na kilos hinggil sa
kahalagahan ng emergency plan.

SCENARIO

Ang ating bansa ay nakararanas ng iba’t ibang klase ng kalamidad o sakuna.


Ito’y maaaring magdulot nang masamang epekto sa ating lipunan, kalikasan maging sa
bansa. Maraming salik ang nakaaapekto sa bansa, ilan sa mga salik na ito ay dahil sa
topograpiya, lokasyon ng bansa, at pabago-bagong klima na ating nararanasan.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na posibilidad na lisanin


ang tirahan dahil sa mga sakuna gaya ng lindol, bagyo, tsunami at baha -ayon sa ulat-
balita ng ABS-CBN News “Pilipinas, kabilang sa mga bansang may mataas na
displacement risk”. Mula naman sa pag-aaral ng Global Disaster Displacement Risk na
isinagawa ng Internal Displacement Monitoring Centre ng Norwegian Refugee Council
at ng United Nations (UN) Office for Disaster Risk Reduction ang Pilipinas ay itinuturing
na panlima sa sampung bansang may pinakamataas na dahilan para mawalan ng
bahay o lisanin ang kanilang tahanan. Binigyang diin din ni Dr. Gemma Narisma,
Associate Director for Research ng Manila Observatory, “karamihan sa mga bansa
tulad ng Pilipinas ay mataas ang bilang ng mamamayan na napipilitang lumikas sa
kanilang mga tahanan dahil sa pagbaha”.

Bilang bahagi ng National Disaster Risk Reduction Management Office


(NDRRMO) ng inyong lugar kayo ay naatasan ng Chairman ng NDRRMO na
maglunsad ng adbokasiya tungkol sa pagiging maalam at handa sa mga sakuna. Kaya
naisip ng inyong grupo na maglunsad ng isang Symposium kung saan ipapakita ng mga
kawani ng NDRRMO ang mga Handmade/DIY Emergency Kit na makatutulong at
magagamit sa panahon ng sakuna.

Ang mga tiyak na gawain mo ay:

1. Ang bawat grupo (6) ay inaasahang makalilikha ng isang Handmade/DIY


Emergency Kit na nakabase sa ibibigay ng guro sa uri ng sakuna/kalamidad.
2. Makapagsagawa ng isang talumpati tungkol sa kahalagahan ng Emergency
Plan. Kinakailangang maisakatuparan ito at kakitaan ng potensyal upang
masolusyonan at makatulong sa lipunan pati na rin sa bansa at kalikasan sa
panahon ng kalamidad/sakuna.
3. Maaaring gumamit ng mga likhang sining ( artworks) na nagpapakita ng mga
elemento ng Sining ng Asya para sa iyong mga halimbawa o napili mong
paksa(emergency plan) upang ipakita ang buong talumpati na isang likhang
sining.
4. Ang bawat grupo ay ilulunsad ang natatanging gawa sa symposium upang
ipakita o idemonstrate ang mga importansya, kahalagahan (emergency plan),
gamit, at katuturan ng mga nabuong DIY Emergency Kit.

a. Ang mga gagawing Handmade/DIY Emergency Kit ay kinakailangan


gawa/yari lamang sa mga bagay na makikita lamang sa bahay o
recycled materials.
b. Kinakailangan na ang bawat miyembro ng grupo ay mayroon tig-isang
mabuo o maipresent na Handmade/DIY Emergency Kit at talumpati.
5. Ang buong detalye ay ilalahad ng mga subject teachers sa pamamagitan ng
pagtalakay nito sa klase.
6. Markahan ayon sa:

Kalidad ng demonstrasyon (Pagsasagawa ng Project Planning/Action Plan,


Team building, Pagtalakay sa nilalaman, Pag-iingat habang sinasagawa ang
gawain) 60%

Organisasyon ng mga Idea (Originality at Creativity ng mga ideya, layunin ng


gawain, kabuluhan ng pagtatalumpati, paggamit ng wasto at angkop na
pananalita) 40%

Talatakdaan ng gagawin sa bawat araw.

15 days IPT
Jan. 10 Pagsusuri sa mga hakbangin sa paggawa ng proyekto
Jan. 11-13 Pangangalap ng ideya at proseso ng paggawa
Jan. 16-18 Paggawa ng Handmade/DIY Emergency Kit
Jan. 19-20 Pagagawa ng piyesa para sa talumpati
Jan. 23-25 Pag-oorganisa sa naturang proyekto
Jan. 27 Araw ng pagpapasa ng pinal na gawa.(symposium)

You might also like