You are on page 1of 2

PAMPAGKATUTONG BANGHAY

Kabanata: Pag-unawa sa Kapaligiran


Topiko: Larangan ng Heograpiya

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga estudyante ay naipapamalas ang pag-unawa


sa interaksiyon ng mga tao sa kanilang kapaligiran na nagbibigay-daan sa pag-usbong
ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa
pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayang sa Pagganap: Ang mga estudyante ay nakabubuo ng panukalang


proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng mga estudyante na:
1. Mabigyang-kahulugan ang heograpiya bilang isang disiplina;
2. Maipaliwanag at mapag-ugnay ang limang tema ng heograpiya; at
3. Magamit ang kaalaman sa heograpiya sa pang-araw-araw na buhay.

Inaasahang Bunga: Mabibigyang kahulugan ng mga estudyante ang malalim na


konsepto ng heograpiya at mariing makakapaginterak at makakapagpahayag sa
anumang pamamaraan ng diskusyon ukol dito.

Essential Questions:
1. Ano nga ba ang Heograpiya?
2. Ano-ano ang iba’t-ibang tema ng heograpiya?

Enduring Understanding:
1. Ang optimum na pag-aaral sa heograpiya at ang ibat-ibang larangan nito ay
magbubukas ng pinto para sa mas masusing pagkilala ng mga mag-aaral sa
mundong ginagalawan nang mas lalong maintidihan ang likas na nangyayari sa
kapaligiran.
STAGES MGA GAWAIN

 Magpagawa ng pagsusuri sa anyong concept map sa mga


estudyante hinggil sa sarili nilang kaalaman tungkol sa
PAGTUKLAS heograpiya. Ipasulat ito sa papel at ipapaksil sa pisara.
Pumili ng ilang estudyante na magpapaliwanag ng
kanilang nabuong concept map.

 Win-Lose-Draw: Maghanda ng ilang pirasong papel na


may nakasulat na konsepto ng heograpiya. Tupiin ang
mga ito at ilagay sa kahon. Hatiin ang klase sa dalawang
pangkat. Papiliin ang bawat pangkat ng tagaguhit.
PAGLINANG Pabunutin ang bawat tagaguhit ng konseptong nakasulat
sa papel. Bigyan ang tagaguhit ng isang minute para
iguhit sa pisara ang konsepto at isa pang minute para
mahulaan ng kaniyang mga pangkat kung ano ang
nakaguhit.

 Gamitin ang mga konseptong nabanggit sa Gawain sa


PAGLINANG upang masimulan ang malayang talakayan
PAGPAPALALIM tungkol sa aralin.
 Ipabasa ang aralin sa batayang aklat
 Pangkatin ang mga estudyante nang tatluhan at
magpagawa ng tree diagram na nagpapakita ng iba’t-
ibang sangay ng heograpiya at limang tema nito.

PAGLALAPAT  Ipasagot sa mga estudyante ang K1 at K2 ng Lutasin ang


Hamon.
 Gabayan ang mga estudyante sa pagsagawa ng Gawain.

You might also like