Professional Documents
Culture Documents
AP COT PLAN 3rd QTR 2023
AP COT PLAN 3rd QTR 2023
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAN JUAN WEST DISTRICT
LIBJO SAPANGAN ELEMENTARY SCHOOL
Sapangan, San Juan, Batangas
Paaralan Baitang/Antas V
DAILY LESSON LOG ARALING
Guro Asignatura
(Pang-araw-araw na PANLIPUNAN
Tala sa Pagtuturo) Petsa/ Markahan IKATLO
Oras Bilang ng Araw 5 araw
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga
Pangnilalaman pagbabago sa lipunan ng sinaunang Pilipino kabilang ang
pagpupunyagi ng ilang pangkat na mapanatili ang kalayaan sa
Kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya nito sa kasalukuyang
panahon.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakakapagpakita ng pagpapahalaga at
Pagganap pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng
kolonyalismong Espanyol.
C. Mga Kasanayan sa Natatalakay ang mga dahilan ng pananakop ng mga Kastila sa mga
Pagkatuto Igorot; ang deposito ng ginto, kristiyanismo, at monopolyo ng tabako;
Isulat ang code ng bawat Nakabubuo ng isang malikhaing presentasyon na nagpapakita ng
kasanayan kabayanihan ng mga Igorot laban sa mga Kastila; at
Napahahalagahan ang katapangan ng mga katutubong Igorot na
lumaban upang mapanatili ang kanilang kasarinlan.
I. NILALAMAN Mga Katutubong Pilipino na Lumaban sa mga Espanyol
Pangkat ng mga Igorot
Kagamitang Panturo
A. References
1. Sanggunian MELC ng Araling Panlipunan V p. 41, Pilipinas Bilang Isang Bansa
Batayang Aklat p. 208-212
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag- Learner’s Packet (LEAP) KS2
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang
larawan, PowerPoint Presentation, LED TV, visual aids
Panturo
II. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang A. Panimulang Gawain
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin 1. Panalangin
2. Balitaan
3. Drill
Bago tayo magsimula, ano-ano ang mga bagay na dapat nating
tandan kapag tayo ay nakikinig sa talakayan o sa klase?
Una, tumahimik.
Pangalawa, makinig ng mabuti.
Pangatlo, umupo ng tuwid at ilagay ang kamay sa hita.
Estratehiya: “PICTO-SURI”
Approach: Inquiry-based
Estratehiya: (E-Games)
Approach: Inquiry-based at Integrative
Panuto: Suriin at piliin ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat
pangungusap.
1. Ito ay isang ideolohiyang politikal na nagmula sa bansang
England noong ika-18 siglo kung saan ay ipinamamalas ang
malalim na pagmamahal para sa bayang sinilangan.
(Nasyonalismo)
2. Tama o Mali. Ang mga mapang-abusong patakaran at mga
kaganapan sa loob ng bansa ay nagpaigting sa kamalayan ng
mga Pilipino na kumawala sa kapangyarihan ng Espanya at
magsagawa ng mga pag-aalsa at pakikipaglaban. (Tama)
3. Ang pag-aalsa ni Francisco Dagohoy ang tinaguriang
pinakamahabang pag-aalsa na naganap sa Pilipinas mula
1744-1829. Ilang taon tumagal ang pag-aalsang ito? (85 taon)
4. Pag-aalsa na dulot ng mga pang-aabuso at pangangamkam ng
mga prayle ng lupa mula sa mga katutubo. (Pag-aalsang
Agraryo)
5. Tama o Mali. Ang pagkilala sa taglay na kapangyarihan at
pagsunod sa mga namumunong Espanyol ay nagpapakita ng
damdaming nasyonalismo. (Mali)
PANGKAT III
“SIMBOLO”
Gumuhit ng isang simbolo na nagpapakita ng isang katangiang
ipinamalas ng mga katutubong Igorot upang mapanatili ang
kanilang kultura at paniniwala laban sa pananamantala ng
mga Espanyol.
PANGKAT IV
“LIHAM”
Sumulat ng isang liham para sa mga kababayan nating Igorot
at batiin sila sa tagumpay ng kanilang mga ninuno na hindi
magpasakop sa mga Espanyol.
RUBRIK SA PAGMAMARKA
Nakuhang
Pamantayan Puntos
Puntos
Angkop at malinaw na nailahad ang 5
ideya o saloobin
Kabuuan 10
Gabay na tanong:
Tanong:
Matagumpay ba ang pagtangkang pananakop ng mga Espanyol
sa ating mga kapatid na Igorot? Bakit?
Sa inyong palagay, alin sa mga katangiang nailahad ninyo ang
ipinamalas ng mga Igorot sa pagtatanggol nang kanilang
pangkat at kultura?
F. Paglinang sa
Kabihasaan Panuto: Isulat ang masayang mukha kung ang mga
(Tungo sa Formative pangungusap ay nagsasaad ng pagpapahalaga ng mga katutubong
Assessment) Pilipino upang mapanatili ang kasarinlan at malungkot na mukha
naman kung hindi.
_____1. Masayang tinanggap ng mga Igorot ang mga patakaran ng
mga Espanyol.
_____2. Hindi tinanggap ng mga Igorot ang relihiyong Kristiyanismo.
_____3. Madaling ibinigay ng mga Igorot ang deposito ng ginto sa mga
Espanyol.
_____4. Matapang na ipinaglaban ng mga Igorot ang kanilang
Kalayaan.
_____5. Hindi pumayag ang mga Igorot na sila ay bininyagan sa
Kristiyanismo.
G. Paglalapat ng aralin sa Bakit mahalagang malaman mo na may mga katutubo tulad
Pang-araw-araw na ng mga Igorot na hindi tuluyang napasailalim sa
buhay kapangyarihan ng mga Espanyol?
Maipagmamalaki mo ba ang tagumpay na ito ng ating mga
kababayang Igorot? Bakit/ bakit hindi?
Bilang isang mag-aaral/anak/miyembro ng barangay, paano
mo ipagtatanggol ang ating kulturang ninanakaw o
nilalapastangan ng ibang tao?
H. Paglalahat ng Aralin Panuto: Tukuyin ang mga DAHILAN at ang naging BUNGA ng
pananakop ng mga Espanyol sa katutubong Pilipino.
Bunga Bunga
Bunga Bunga
Dahilan Dahilan
Bunga
Bunga
Dahilan
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto.
Kung mali, isulat ang salitang MALI at palitan ang salitang may
salungguhit upang maitama ang pangungusap.
_____1. Isa sa mga lugar na hindi nasakop ng Espanyol ay ay ang
mga kabundukan ng Cordillera.
_____2. Isa sa dahilan ng pananakop ang ang deposito ng ginto.
_____3. Nakabatay ang hanapbuhay ng mga Igorot sa pangingisda.
_____4. Hindi nagtagumpay ang comandancia na pasunurin ang
mga
Igorot sa monopolyo sa tabako.
_____5. Tinagurian ang mga Igorot na tribus independientes o
tribong
hindi malaya.