You are on page 1of 12

Department of Education

REGION _______________________
SCHOOLS DIVISION OF _____________
__________________ ELEMENTARY SCHOOL
____________________________________

Paaralan Baitang/Antas Ikalima

Guro Asignatura AP
GRADE 5
DAILY LESSON PLAN Petsa at Markahan Ikatlong
Oras Markahan
Week 7

I. Layunin

A. Pamantayang Ang mag -aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag -unawa sa mga pagbabago sa lipunan ng sinaunang Pilipino
Pangnilalaman kabilang ang pagpupunyagi ng ilang pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at ang
impluwensya nito sa kasalukuyang panahon.

B. Pamantayan sa Ang mag -aaral ay nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga Pilipino sa panahon ng
Pagganap kolonyalismong Espanyol.

C. Mga Kasanayan sa Napahahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili ang kanilang kasarinlan
Pagkatuto
(Walang Code)
(Isulat ang code sa
bawat kasanayan MELC 16

D. Mga Layunin sa Ang mga mag-aaral ay inaasahang;


Pagkatuto
 natutukoy ang mga katutubong Pilipino na lumaban sa mga Espanyol upang mapanatili ang
kanilang Kalayaan.
 nailalarawan ang iba’t ibang reaksiyon ng mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili
ang kasarinlan.
 napahahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili ang kanilang
kasarinlan.

II. NILALAMAN Mga Katutubong Pilipino na Lumaban sa mga Espanyol

(Subject Matter)

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian Modyul sa EPP 5-Ikalawang Markahan pp. 1-10

B. Iba pang Powerpoint presentation, mga larawan


Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN GAWAIN Indicators

A. Balik –Aral sa Paunang Gawain:


nakaraang Aralin o
pasimula sa bagong A. Panalangin
aralin (Drill/Review/ B. Pagtala ng mga batang nasa klase
Unlocking of C. Maikling kamustahan
difficulties)

Pagtatakda ng mga tuntunin sa klase;


ELICIT

B - Bawat mag-aaral, maging handa at masigla Indicator #5:


(Magandang umaga mga A - Angkop na atensiyon, sa bawat aralin maglaan Established safe and secure learing
bata. environments to enhance learning
Y - Yunit ng kaalaman, tutukan sa bawat oras through the consistent implementation
bago tayo magsimula sa
ating bagong aralin ay nais A - Aktibong pakikilahok, sa bawat gawain ay mahalaga of policies and procedures.
ko munang ipaalala sa
inyong muli ang ating mga N - Naisin ang kaalaman, hangad ng bawat mag-aaral
pamantayan sa
pagsasagawa ng mga I - Igalang ang guro at kapwa mag-aaral
Gawain.

K-Kapag may gustong sabihin, itaas lamang ang kamay

A – At sumagot ng maayos ng hindi sabay-sabay.

Kaya dapat maging BAYANI KA.

Balik-aral:

PANUTO: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin kung ito ba


ay totoo o hindi. Bigkasin ang Fact kung ang pahayag ay totoo at
Bluff kung hindi.

1. Madaling nahikayat ang mga katutubong Muslim ng


maimpluwensiyang Espanyol.

2. May pagsalakay na ginawa ang mga Muslim sa pamayanang


Kristiyano.

3. Nagpakita ng katapangan at kagitingan ang mga Muslim sa


pananakop ng mga Espanyol.

4. Pinamunuan ni Sultan Kudarat ang banal na digmaan o jihad


ng mga Muslim.

5. Umabot sa tatlong daang taon (300 years) ang pakikipaglaban


ng mga Muslim sa Mindanao.

Napakahusay! Sapagkat naaalala pa ninyo ang ating aralin nitong


nakaraan lamang.
B.Paghahabi sa layunin ng Panuto: Tingnan at suriin mo ang larawan sa ibaba.
aralin (Motivation)

Handa na ba kayo sa
panibagong aralin?

Narito ang paksa sa araw na


ito. ________

Pagkatapos ng araling ito, kayo


ay inaasahang:

____________
______

Anong masasabi mo sa larawan?

Anong katangian ang ipinapakita sa larawan?

Sagot: Katapangan

C. Pag- uugnay ng mga Tingnan ang larawan sa ibaba;


halimbawa sa bagong
aralin

(Presentation)

(ENGAGE)

Ano ang nasa larawan?

Sagot: Ginto

Sa inyong English Subject, kung isasalin natin sa salitang Ingles


ang Ginto, ano ito?

Sagot: GOLD
Indicator #4:

Displayed proficient use of Mother


Ilocano: Balitok
Tongue, Filipino and English to
facilitate teaching and learning.

Isa sa dahilan ng mga Espanyol kung bakit nila sinakop ang


Bansang Pilipinas para magpayaman.

Ang Hilagang Luzon at Mindanao ay iilan sa mga lugar na nais


sakupin ng mga Espanyol dahil sa mga likas na yaman na
mayroon ang mga lugar na ito at baguhin ang kanilang
paniniwala na may kinalaman sa relihiyon.

Naging madali kaya ang pagsakop ng mga ito?


Sagot: Hindi naging madali sa mga Espanyol na sakupin ang
Pilipinas. Kinailangan nilang magkaroon ng isang magandang
taktika upang mahimok ang mga katutubong Pilipino na
tanggapin ang kolonyalismo at masupil ang mga ito.

D. Pagtatalakay ng Tingnan ang larawan sa ibaba:


bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan No I
(Modeling)

(EXPLAIN)

Anong grupo kaya ng mga katutubo kabilang ang nasa larawan?

Sagot: Siya ay mula sa tribong IGOROT

Dagdag kaalaman:

Igorot = ang ibig sabihin nito ay Taong Bundok o mga tao na


nakatira sa bundok.

May alam pa ba kayong mga ibang tribo?

Sagot: (Tanggapin ang mga ibang sagot)

Sa loob ng ating classroom, magkakapareho ba tayo ng


kinabibilangan?

Sagot: Hindi po, may mga iba na kabilang sa ibang tribo o grupo
ng mga katutubo.

Nararapat ba na igalang natin ang bawat isa kahit


magkakaiba tayo ng kinagisnan o kultura?

Sagot: Opo, nararapat na igalang natin ang bawat isa.


--------------------------------------------------------------

Mga Katutubong Pilipino na Lumaban sa mga Espanyol Indicator #6:

Maintained learning environments that


promote fairness, respect and care to
Mga Katutubong Igorot sa Cordillera encourage learning.

Ang Bulubundukin ng Cordillera ay tahanan ng mga Igorot, na


nahahati sa iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko: Ibaloi, Isneg,
(Apayao), Kankanaey, Kalinga, Bontoc, at Ifugao. Ang mga
katutubong ito ay nabubuhay sa biyaya ng kalikasan.

Ang ilan sa kanilang mga hanapbuhay ay pagsasaka, paghahabi


ng tela, pagnganganga, pangangayaw o pakikilahok sa digmaan
laban sa ibang katutubo. May sariling paniniwalang panrelihiyon
ang mga katutubong Igorot kung saan pinaniniwalaan nila na ang
kalikasan ay tahanan ng mga espiritu. Napanatili ng mga
katutubong ito ang kanilang pagiging malaya dahil hindi
napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ang kanilang mga
lupain.

Juan de Salcedo = apo ni Miguel Lopez De legazpi na ipinadala


upang alamin ang mga binebentang ginto sa Ilocos.

Lalong pinaigting ang pangangalap ng mga ginto dahil sa pagsiklab ng


Thirty Years War sa Europa dahil na rin sa pangangailangan ng
Espanya upang matutustusan ang kanilang pakikidigma.

Dahil sa walang napatunayan ang mga Espanyol na madaming


ginto ang Cordillera, nagpadala ng mga misyonerong
Dominikano at Agustiniano ang mga Espanyol upang ipalaganap
ang relihiyong Kristiyanismo.

Nasaksihan ng mga ito ang paniniwalang animismo ng mga


Igorot na itinuring nilang isang uri ng pagsamba sa demonyo.

Nabigo ang mga misyonero sa tangkang binyagan ang mga


katutubong Igorot dahil sa mga kadahilanan.

 Nahirapan silang puntahan ng madalas sa kabundukan.


 Hindi sapat ang bilang ng mga misyonero at
 Mahirap sa mga sundalong tunguhin ang lugar upang
lupigin ang mga katutubong Igorot dahil hindi nila
kabisado ang pasikot-sikot ng bundok.

Umusbong ang rebelyon, ang mga katutubong pangkat ay


nakikipaglaban sa pamamagitan ng head hunting o pamumugot
ng ulo sa mga kaaway.

Katutubong Muslim sa Mindanao

Kagaya ng mga Igorot, hindi naging madali sa mga mananakop


na sakupin ang mga Muslim sa Mindanao. Naging aktibo ang
mga sultanato sa pakikipagkalakalan ng bawat isa at sa mga
karatig sultanato sa Timog-silangang Asya Nagkasundo rin ang
mga ito na ipagtatanggol ang bawat isa sa oras ng kagipitan.

Noong 1571, ay sinimulan ng mga Espanyol na sakupin ang


Mindanao.

Nilabanan ng mga Muslim ang puwersa ng mga mananakop na


sumalakay sa Mindanao na tinatawag nilang Digmaang Moro.
Dahil sa ipinakitang katapangan ng mga Muslim, sila ay
nanatiling malaya (maliban sa ilang bahagi ng Mindanao)
hanggang sa matapos ang kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.

Jihad = banal na digmaan ng mga Muslim laban sa mga


Espanyol. Ito ay sa pamumuno ni Sultan Kudarat.
E. Pagtatalakay ng Ang reaksiyon ng ating mga katutubong pangkat ay nagpapaalab
bagong konsepto at sa apoy ng mga mamamayan na lumaban mula sa pananakop ng
paglalahad ng bagong mga dayuhan. Maraming Pilipino ang nagbuwis ng kanilang
kasanayan No. 2. buhay para makamit ang tunay na kalayaan ng ating bansa at
wakasan ang pang-aapi ng mga dayuhan sa atin.
(Guided Practice)

Ang armadong pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong


(EXPLORE) pangkat sa Pilipinas ay hindi nagtagumpay dahil ipinamalas ng
mga katutubong Pilipino ang kanilang katapangan at
pagpapahalaga sa kalayaan.

Sa inyong Aralin sa Matematika:

Kung halimbawa; nakamit ng mga Katutubong Filipino ang


Kalayaan noong taong 1898 sa pamumuno ni Emelio Aguinaldo.
Ilang taon na natin tinatamasa ang kalayaang ito mula sa mga
mananakop.
Indicator #1:

Kasalukuyang taon: 2023 Applied knowledge of content within


and across curriculum teaching areas.
Taon nadeklara ang Kalayaan; 1898

2023 – 1898 = N

Sagot = 125 taon na ang nakalilipas

-------------------------------------------------------------------------------

Pangkatang Gawain:

Unang Pangkat:

Panuto. Basahin ang pawat parirala. Lagyan ng marking tsek ang


mga dahlia kung bakit nais ng mga Espanyol na ang mga Igorot
ay masakop at ekix naman kung hindi.

Pangalawang Pangkat:

Idikit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagsasaad


ng pagpapahalaga sa pakipaglaban ng mga katutubo laban sa mga
Espanyol at malungkot na mukha naman kung hindi.

Pangatlong Pangkat:

Panuto: Sipiin ang puzzle. Bilugan ang mga salita na


inilalarawan ng bawat pangungusap. Maaring patayo, pahilis o
pahiga at at pabilog.
Pang-apat na Pangkat:

Panuto: Ayusin ang mga pagkakaayos ng mga titik upang mabu


ang mga salitang lilinang tungkol sa paksang aralin. Isulat sa
patlang ang sagot.

Mga Tuntunin sa Pangkatang Gawain:

M = Magbahagi ng kaalaman tungkol sa gawain

A = Alamin kung tungkol saan ang gawain

H = Harapin ang mga kapangkat ng may paggalang

A = At huwag hayaang madumi ang lugar kung saan gumagawa,

L = Laging tandan, MAHALin ang ginagawa.

Indicator #5:

Established safe and secure learing


environments to enhance learning
through the consistent implementation
of policies and procedures.

Indicator #6:

Maintained learning environments that


promote fairness, respect and care to
encourage learning.

F. Paglilinang sa Tama o Mali:


Kabihasan

(Tungo sa Formative Suriin ang mga pahayag kung ito ay Tama o Mali. Isulat Tama kung ito
Assessment ay naglalarawan sa pakikibaka/pakikipaglaban ng mga katutubo laban sa
mga Espanyol at Mali kung hindi.
( Independent
Practice )
__________1. Ang mga misyonero ay nagtagumpay sa pagbibigay
binyag sa mga katutubong Igorot.

__________2. Ang mga misyonerong Dominikano at Agustiniano ang


ipinadala ng mga Espanyol upang ipalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo sa Cordillera.

__________3. Ang mga Muslim sa Mindanao ay nanatiling malaya


hanggang matapos ang kolonyalismong Espanyol.

__________4. Ang pangunahing dahilan kung bakit nabigo ang mga


misyonero sa pagbinyag sa mga Igorot ay dahil sa kanilang matinding
paglaban at sa mahirap na bulubunduking lokasyon ng Cordillera.

__________5. Ang reaksiyon ng ating mga katutubong pangkat ay


nagpapaalab sa apoy ng mga mamamayan na lumaban mula sa
pananakop ng mga dayuhan.

Sagot:

1. Mali 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Tama

G. Paglalapat ng aralin Kaya mo bang ipagmalaki ang mga kababayan nating Igorot at
sa pang araw araw na Muslim dahil sa kanilang ginawang pakikipaglaban o pagtutol sa
buhay (Application/ mga Espanyol? Bakit?

Valuing)

Kung sakaling may susupil ulit sa iyong ating kalayaan, ano ang
iyong gagawin?

H. Paglalahat ng Ano ano ang naging reaksyon ng mga katutubo sa pagsakop ng


Aralin mga Espanyol?
(Generalization)

(ELABORATE)
Sagot: Hindi nila pinayagan ang mga Espanyol na masakop sila.
Lumaban sila para sa kanilang kasarinlan.
Indicator #2:

Ano anong pangkat ang mga nakipaglaban sa mga Espanyol Used a range of teaching strategies that
upang mapanatili ang kanilang Kalayaan? encourage learner achievement in
literacy and numeracy.

Anong tawag ng mga Muslim sa banal na pakikipaglaban nila sa


mga mananakop?

Sagot: JIHAD

Sino sa inyo ang gusting ibigay ang tamang baybay ng salitang


JIHAD?

Sagot: J. I. H. A. D

Indicator #3:
Napakahusay! Applied a range of teaching strategies to
develop critical and creative thinking, as
well as other higher-order thinking
Bakit lumaban ang mga katutubo sa mga mananakop? skills.

Sagot: Dahil sa labis na pang-aabuso ng mga Espanyol kaya


sumiklab ang labanan sa pagitan ng Katutubong Pilipino at
Espanyol.

Paano mo pahahalagahan ang mga katutubong lumaban para sa


ating Kalayaan?

(Tanggapin ang ibang sagot)

Sagot:

Sa pamamagitan ng paggalang sa kanilang kultura, kaugalin at


mga nakasanayang gawain.

V. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at tukuyin ang tamang sagot sa mga sumusunod. Isulat
sa kwaderno.

1. Ano ang tawag sa mga katutubo na nanirahan sa Bulubundukin ng


(EVALUATION) Cordillera na lumaban sa mga Espanyol?

A. Aeta

B. Mangyan

C. Igorot

D. Lumad

2. Sa anong paraan napanatili ng mga katutubong igorot ang kanilang


mga kultura?

A. Pagpapasakop sa mga Espanyol

B. Pakikipaglaban sa mga Espanyol

C. Pagbebenta ng kanilang mga ari-arian sa mga Espanyol

D. Pagsusumikap sa industriyalisasyon

3. Ano ang relihiyong ipinalaganap ng mga misyonerong Dominikano at


Agustiniano sa mga Igorot?

A. Animismo

B. Hinduismo

C. Islam

D. Kristiyanismo

4. Ano ang ipinaglalaban ng mga Muslim sa Mindanao laban sa mga


Espanyol?

A. Kalayaan at independensiya

B. Karapatan sa kalakalan at pakikipag-ugnayan

C. Pagsuporta sa kolonyalismong Espanyol

D. Pagsakop sa mga Espanyol

5. Ang mga paraan pagpapahalaga sa mga katutubong nakipaglaban para


sa Kalayaan maliban sa isa?

A. Kinukutya mo ang mga katutubong iba ang relihiyon sa iyo.

B. Iginagalang mo ang mga paniniwala ng mga muslim at mga igorot.

C. Ipinagdidiwang mo ang kakayahan ng mga Pilipino na makibaka


upang makamit ang kalayaan ng bansa.

D. Minamahal mo ang bansang ipinaglaban ng mga katutubo.

Sagot:

1. C

2. B

3. D

4. A

5. A
IV. Karagdagang gawain
para sa takdang aralin

(Assignment)

V. REMARKS

VI. REFLECTIONS

Inihanda ni:

Inobserbahan ni:

Note :
 Ang banghay aralin na ito ay maaring baguhin ng guro na ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Maari ding
baguhin ang mga gawain sa pangkatang gawain kung naisin.
 Ang Indicator 4 ay makakamit sa pamamagitan ng matatas na pagbigkas ng mga salitang madaling maunawaan ng mga
mag-aaral.

Anotasyon: Sa araling ito ipapakita ang pinagsamang Inquiry-Based learning, Content-based learning at Collaborative learning.
Idinadaan sa pagtatanong kapag naipaliwanag na ang mga nilalaman ng aralin. Ipapakita din ang integrasyon ng asignaturang
Matematika at Ingles sa araling ito. Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataon na makilahok at makibahagi sa paggawa
ng mga gawain. Dito ipinapakita ang kawilihan nila sa pagkatuto.

Group 1:

Panuto. Basahin ang pawat parirala. Lagyan ng marking tsek ang mga dahlia kung bakit nais ng mga Espanyol na ang mga Igorot
ay masakop at ekix naman kung hindi.

Group 2:

Panuto: Idikit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagpapahalaga sa pakipaglaban ng mga katutubo
laban sa mga Espanyol at malungkot na mukha naman kung hindi.

_____________1. Kinukutya mo ang mga katutubong iba ang relihyon sa iyo.


_____________ 2. Iginagalang mo ang mga paniniwala ng mga muslim at mga igorot.

_____________ 3. Ipinagdidiwang mo ang kakayahan ng mga Pilipino na makibaka upang makamit ang Kalayaan ng bansa.

_____________ 4. Ikinahihiya mo ang mga kaugaliang kinagisnan ng mga katutubong Igorot.

_____________ 5. MInamahal mo ang bansang ipinaglaban ng mga katutubo.

Group 3.

Panuto: Sipiin ang puzzle. Bilugan ang mga salita na inilalarawan ng bawat pangungusap. Maaring patayo, pahilis o pahiga at at
pabilog.

Group 4;

Panuto: Ayusin ang mga pagkakaayos ng mga titik upang mabu ang mga salitang lilinang tungkol sa paksang aralin.
Isulat sa patlang ang sagot.

You might also like