You are on page 1of 22

PANDIWA

At
PANG-URI
Tagapag-ulat: Marivic D. Rupillo
BSEDFIL 4 (MWF -10:00 – 11:00)
PANDIWA
- ay isang salita o bahagi ng salita na
nagsasaad ng kilos o galaw, pangyayari o
katayuan ng isang tao, hayop o bagay. Ito ay
binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
ASPEKTO NG PANDIWA
Salitang- Pawatas Naganap o Nagaganap o Magaganap o Kakatapos
Ugat Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

basa magbasa nagbasa nagbabasa magbabasa kababasa


sira masira nasira nasisira masisira kasisira
Pawatas
Ito ang tawag sa kombinasyon ng salitang-ugat at ng panlaping
makadiwa. Sa pawatas nabubuo ang mga pandiwa.
Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Pandiwa

tuka + um = tumuka = tumuka,


tumutuka, tutuka
= nagpalit,
palit + mag = magpalit nagpapalit,
magpapalit
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
- ito ay nagsasaad na tapos na o naganap na ang isang
kilos.
Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Naganap

alis + um = umalis = umalis

kain + um = kumain = kumain


Ang panlaping ma, mag at mang sa isang pawatas ay nagiging na, nag at nang sa
aspektong naganap

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Naganap


tuwa + ma = matuwa = natuwa
sulat + mag = magsulat = nagsulat
hingi + mang = manghingi = nanghingi

Ang panlaping in sa isang pawatas ay nagiging unlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa
patinig at nagiging gitlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig. Kapag hin ang
panlapi, ang hin ay nagiging in kapag binanghay.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Naganap


alis + in = alisin = inalis
mahal + in = mahalin = minahal
basa + hin = basahin = binasa
Aspektong Nagaganap o Imperpektibo o Pangkasalukuyan

Nagsasaad ito na ang sinimulang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Kung ang pawatas ay may panlaping um, uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng
g

salitang-ugat.
Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap
iyak + ma = maiyak = naiiyak
linis + mag = maglinis = naglilinis
bunggo + mang = mangbunggo = nangbubunggo

Kapag ang panlapi ng pawatas ay ma, mag at mang, gawing na, nag at nang at


uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap

ulan + um = umulan = umuulan

kanta + um = kumanta = kumakanta


Kung ang pawatas ay may panlaping in o hin at ang salitang ugat ay nagsisimula sa
patinig, ilagay ang panlaping in sa unahan at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik
ng salitang-ugat.
Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap
alis + in = alisin = inaalis
unat + in = unatin = inuunat

Kung ang pawatas ay may panlaping in o hin at ang salitang-ugat ay nagsisimula sa


katinig, gawing gitlapi ang in at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng
salitang-ugat.
Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Nagaganap
mahal + in = mahalin = minamahal
gamot + in = gamutin = ginagamot
Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
Nagsasaad ito ng kilos na hindi pa nasisimulan at gagawin pa
lamang. Kapag ang pawatas ay may panlaping um, alisin ang um at
uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Magaganap


asa + um = umasa = aasa
lakad + um = lumakad = lalakad

Kapag ang pawatas ay may panlaping ma, mag o mang, mananatili


ang ma, mag o mang at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.
Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Magaganap
tanaw + ma = matanaw = matatanaw
suot + mag = magsuot = magsusuot
hingi + mang = manghingi = manghihingi
Kapag ang pawatas ay may panlaping in o hin, mananatili ang panlaping in o hin at
uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat
alitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Magaganap
yakap + in = yakapin = yayakapin
suklay + in = suklayin = susuklayin
bili + hin = bilihin = bibilihin

Aspektong Katatapos
- Nagsasaad ito na katatapos pa lamang ang kilos bago nagsimula ang salita.
Salitang-Ugat + Panlapi = Pawatas = Katatapos
mano + mag = magmano = kamamano
parusa + mag = magparusa = kapaparusa
ligpit + mag = magligpit = kaliligpit
POKUS NG PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa o simuno ng pangungusap. Ito ay


naipapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
May pitong pokus ang pandiwa: ang Aktor-pokus, Pokus sa layon, Lokatibong pokus,
Benepaktibong pokus, Instrumentong pokus, Kosatibong pokus, at Pokus sa direksyon.

1. Aktor-pokus (Pokus sa tagaganap)


Sa aktor-pokus, ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos sa pangungusap.
Sinasagot nito ang tanong na “sino?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-, maki-,
o magpa-.

Mga Halimbawa:
- Maglilinis ng silid-aklatan si Ginang Torres bukas.
- Nagluto ng masarap na kaldereta si Lola Carmen.
- Bumili si Carlo ng bulaklak.
- Nanood ng sine si Carla.
- Maliligo raw sa sapa si Mang Basilio mamaya.
2. Pokus sa Layon
Sa pokus sa layon, ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa
tanong na “ano?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping -in-, -i-, -ipa-, ma-, na-, o -an.
Mga Halimbawa:
 Lutuin mo ang manok na nasa lamesa.
 Kainin mo ang balot.
 Ang ulam ay niluto ni Nanay para sa akin.
 Itago mo ang pera.
 Nakita ni Mel ang nawawalang aso.
3. Lokatibong Pokus (Pokus sa Kaganapan)
Ang paksa o simuno ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap.
Sinasagot nito ang tanong na “saan?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-
an, pinag/an, o in/an.

Mga Halimbawa:
 Pinagdausan ng binyag ang bagong simbahan.
 Pinagtaniman ko ng gulay ang malawak na bukid ni Tatay.
4. Benepaktibong Pokus (Pokus sa 5. Instrumentong Pokus (Pokus sa
Tagatanggap) Gamit)

Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng Ang simuno o paksa ang kasangkapan
pandiwa sa pangungusap. Sinasagot nito ang o bagay na ginagamit upang maisagawa
tanong na “para kanino?” ang kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Sumasagot ito sa tanong na “sa
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, -in, ipang-, pamamagitan ng ano?”
o ipag-.
Ginagamitan ito ng mga
panlaping ipang- o maipang-.
Mga Halimbawa: Mga Halimbawa:
 Ibinili ni Selya ng pasalubong si Lolo.  Ang mahabang stik ang ipinanungkit
 Kami ay ipinagluto ni Tiyo ng lugaw. niya ng bayabas.
 Tinahi niya ang pantalon ni Pablo.  Ipinampunas ni Carla sa mukha ang
relago kong panyo.
Ginagamitan ito ng mga
panlaping -an, -han, -in, o -hin.

7. Pokus sa Direksyon Mga Halimbawa:


Ang simuno o paksa  Sinulatan niya ang kanyang
ang nagsasaad ng direksyon nobyo.
ng kilos ng pandiwa sa  Pinuntahan ni Jerry ang
pangungusap. Sumasagot ito hardware para mamili ng mga
sa tanong na “tungo saan o bato.
kanino?”  
DALAWANG URI NG PANDIWA

1. Palipat 2. Katawanin
Ang uri ng pandiwang ito ay may Ito ang uri ng pandiwa na hindi
tuwirang layon na tumatanggap ng nangangailangan ng tuwirang layon na
kilos. Ang layon ay karaniwang tatanggap ng kilos o galaw dahil ganap
kasunod ng pandiwa at na ang diwang ipinapahayag at
pinangungunahan ng mga nakakatayo na itong mag-isa.
salitang na, ng, mga, sa, sa mga, kay,
o kina. Mga Halimbawa:
Mga Halimbawa:
 Lumilindol!
 Kumain ng saging si Binoy.  Umuulan!
 Nagbilad ng damit sa labas ng bahay  Nabuhay si Hesus.
si Nanay.  Tumatawa ang bata.
 Makikipagkita kina Daniel at Gerald  
sina Maine at Julia.
PANG-URI
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay
deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan,
ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang
pangngalan.
Halimbawa ng Paggamit ng Pang-uri sa
Pangungusap:
 Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may
edad na ito.
 Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga
bata.
 Pulang-pula ang nabili na damit ni Theresa para
sa kaarawan niya.
Kayarian ng Pang-uri
Maylapi – ang kayarian na ito ay
Payak – ang kayarian na ito ay
matutukoy sa pagkakaroon nito ng
matutukoy sa pagkakaroon nito
mga salitang-ugat na
ng salitang-ugat lamang ayon sa
dinudugtungan ng mga panlaping
Wikipedia. Ilan sa mga
ma-, ka-, kasing-, sim-, at marami
halimbawa nito ay bilog, hinog, at
pang iba. Halimbawa ng mga ito
pandak.
ay matapang, simbilis, at malakas.
Halimbawa:
Halimbawa:
1. Bilog ang buwan noong gabing
1. Tinuloy pa rin ni Dante ang
biglang nawala si Monica.
panghaharana sa kabila ng takot
niya sa matapang na ama ni
Consuelo.
Inuulit – ang kayarian na ito ay Tambalan – ang kayarian
matutukoy dahil inuulit nito ang buo o na ito ay matutukoy sa
bahagi ng salita katulad ng pulang-pula, pagkakaroon nito ng
araw-araw, at puting-puti ayon sa dalawang salitang
Wikipedia. pinagtambal katulad ng
ngiting-aso, kapit-tuko, at
Halimbawa: ningas-kugon.
1. Pulang-pula ang damit ng mga mang-
aawit sa entablado. Halimbawa:
2. Araw-araw siyang hinahatid ni Cardo 1. Ngiting aso ang nakita ni
sa trabaho niya. Mario kay Tonyo kaya hindi
agad siya nagtiwala rito.
Tatlong(3) Antas ng Pang-Uri at mga Halimbawa

1. Pahambing – ito ay nasa


1. Lantay – ito ay nasa lantay pahambing na antas kapag
na kaantasan kapag walang may pinaghahambing na
dalawang pangngalan – tao,
ipinaghahambing na dalawa
bagay, hayop, lugar,
o maraming bagay. Ang mga at pangyayari. Ang mga
halimbawa nito halimbawa nito ay mas
ay maganda, mataas, maliit, magkasing-lapad,
mabigat, at mahinahon. at mas kasya.
1. Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan
kapag ito ay nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat.
Ang mga halimbawa nito ay pinakamatalino,
pinakamatapang, at pinakamalaki.
 
Mga Halimbawa:

Lantay: Maganda si Loisa.
Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.
Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang magkakaibigan.

You might also like