You are on page 1of 25

WIKA , IDENTIDAD, at

BANSA
• Uri
• Kasarian
• Etnusidad
• Lahi
• Henerasyon
• Relihiyon
• Sikolohiyang Pilipino
Uri
Ang wikang pambansa ng mundo ay
nahahati sa tatlong uri:
Intellectualized Languages Of Wider
Communication (ILWC)
Confined, Independent and
Intellectualized National Language
(CIINL)
Developing National Languages (DNL)
Intellectualized Languages Of Wider Communication (ILWC)

Intelektwalisadong Wika ng Higit na Malawak na


Komunikasyon. Ito ang kadalasang tinatawag na
international language o pandaigdigang wika tulad ng
Ingles, Pranses, Espanyol, Aleman at iba pa. Ang ILWC
bilang pambansang wika ay ginagamit sa larangan ng
edukasyon, syensya at teknolohiya, kalakalan, komersyo,
industriya, mass media, mga literatura at pandaigdigang
pakikipag-ugnayan. Nangangahulugan ito na ang mga tao
ay nagkakaroon ng ganap na edukasyon mula
elementarya hanggang unibersidad sa pamamagitan ng
ILWC. Ito ang lenggwahe ng propesyon.
Confined, Independent and Intellectualized
National Language (CIINL)

Ito ang mg ganap na intelektwalisadong


wika na hindi lumalagpas sa hangganan
ng isang bansa (national borders). Ito ay
sapat na nagagamit sa iba’t ibang domeyn
ng wika maliban sa:
Developing National Languages (DNL)

Ito ang wikang pambansa na patungo sa


intelektwalisasyon. Ang mga bansang
may DNL ay nakadepende rin sa
intelektwalisadong wika
(ILWC).Kadalasan ang wika ang
sumasakop sa isang nasyon na gumagamit
bilang pantulong o di kaya ay
pangunahing wika. Ito ang kasalukuyang
estado ng wikang Filipino.
Kasarian
Wika at Kasarian: Kaibahan ng wika para sa
lalaki at babae
A. Ayon kay Tannen, ang mga lalaki at babae
ay pinapalaki sa magkaibang kultura. Ito ang
dahilan kaya ang komunikasyon sa pagitan nila
ay nagiging cross-cultural na komunikasyon.
Dahil sila ay tumatanda sa magkaibang mundo,
nagbibigay daan ito sa pagkakaroon ng
magkaibang estilo ng pag-uusap sa pagitan nila
at ito ay kilala bilang genderlects.
B. Sa kanyang libro na You Just don’t
Understand, iprinisenta ni Tannen ang
pagkakaiba sa paggamit ng wika ng mga
lalaki at babae sa pamamagitan ng anim na
kaibahan:
Status vs. Support
Ang mga lalaki ay nabubuhay sa isang
mundo na kompetitibo ang kombersasyon.
Sinusubukan nilang makuha ang upper
hand upang mapigilan ang iba na
dominahin sila. Para sa babae naman, ang
pakikipagusap ay paraan para makakuha ng
apirmasyon at suporta sa kanilang mga
ideya.
Independence vs Intimacy
Ang mga babae ay karaniwang nagbibigay
importansya sa kalapitan at pagsuporta upang
mapanatili ang intimacy. Ang lalaki na nag-
aalala tungkol sa kanyang katayuan o istado
ay mas nagbibigay importansya sa hindi pag-
asa sa iba. Ang mga katangian na ito ay
maaaring maging dahilan ng tunay na
magkaibang opinyon ng babae o lalaki sa
parehong sitwasyon.
Advice vs Understanding
Sinasabi ni Tannen na para sa karamihan ng mga
lalaki, ang isang reklamo o daing ay hamon
upang makahanap ng solusyon.

Information vs. Feelings


Ayon daw sa kasaysayan, ang mga alalahanin ng
mga lalaki ay itinuturing mas mahalaga kaysa sa
mga alalahanin ng mga babae. Ngayon ay
maaaring ibaliktad ang sitwasyon na ito.
Orders vs. Proposals
Ang mga babae ay kadalasan
nagpapahiwatig ng payo sa hindi direktong
paraan habang ang mga lalaki naman ay
mas gumagamit ng mga direktong
pahiwatig o mga utos
C. Paniniwala ni Tannen na ang mga babae at lalaki
ay mayroong magkaibang estilo ng komunikasyon.
Ito ay ang “rapport-talk” sa babae at “report-talk”
naman sa mga lalaki.
a. Rapport-talk:Ang mga babae ay gumagamit ng
pakikipag-usap upang mapalapit sa iba.
b. Report-talk:
c. Metamessages: Dahil sa magkakaibang intensyon
sa pag-uusap na mayroong resulta na metamessages
o mga impormasyon tungkol sa relasyon at saloobin
sa mga tao na sangkot sa usapan.
Wika ng mga Bakla
Pasok sa Banga
Ito ang lektura ni Prof. Hernandez noong Sawikaan 2010 sa
UP Diliman.
Ang ibig sabihin ng “pasok sa banga” ay swak, o kaya naman
isang bagay na uso o katanggap-tanggap Bekimon.
Ito ay nanggagaling sa dalawang salita. Ang una ay “beki,"
na gay speak para sa “bakla" at “jejemon," na ang kakaibang
panunulat o linggwahe na ginagamit sa Internet o sa pag-
tetext ng ilang mga Pilipino.
Ayon kay Prof. Hernandez, ito ang bagong tawag sa gay
lingo
Ito ang kakaiba at maaari ring nakalilito (para sa iba na hindi
parte) na wika ng mga bakla dito sa bansa.
Mayroong siyam na paraan ng pagbuo ng
mga bekimon na salita:
1. Paglalapi o paggagamit ng suffixes na walang grammatical function.
Halimbawa: Ang “ano" ay maisasalin sa “anek” at “anekwabum”
Ang “ano ito" ay “anitch ititch."

2. Pagpalit ng tunog ng mga salita.


Halimbawa: Ang “asawa" ay nagiging “jowa," “kyowa," and “nyowa."
Ang “nakakaloka" becomes “nakakalerki."

3. Paggamit ng acronyms.
Halimbawa: Ang ibig sabihin ng “GL" ay “ganda lang," (kapag may nakuha kang libre
dahil sa kagandahan ng itsura)
Ang “OPM" naman ay “oh promise me," which refers to a white lie or a promise that is
not meant to be fulfilled.

4. Pag-uulit ng salita o bahagi ng salita


Halimbawa: “wit" o “wititit" ang bekimon ng salitang “hindi"
“Chika" (mababaw na usapan) ay nagiging “chikachika”
5. Pagkakaltas o pagpapaikli ng salita o parirala.
Halimbawa: Ang paninigarilyo pinaikli mula sa “sunog baga" to “suba."
Ang “ma at pa," ay hindi magulang; ibig sabihin nito ay “malay ko at pakialam ko" (I don’t
know and I don’t care).

6. Katunog o pagkapareho ng tunog.


Halimbawa: Ang “noselift" ay nagiging “alam" dahil katunog ng “nose" (ilong) ang “knows,"
as in “noselift ko ang sagot sa exam."
 
7. Paggamit ng pangalan ng mga sikat na tao o lugar.
Halimbawa: “Carmi Martin” -> karma
“Rita Avila" -> irita
“Luz Valdez" -> loser

8. Paghihiram- panghiram mula sa banyaga o lokal na wika.


Halimbawa: Ang Ingles na salitang “fly" ay may kahulugan na pag-alis
Ang “warla o warlalu" ay mula sa salitang “war"
Ang Hiligaynon na salitang “daku" (malaki) ay may parehong kahulugan sa bekimon.
 
9. Pagbabago sa kahulugan ng mga salitang hiniram Isang halimbawa ang salitang “award" na
nagkakaroon ng negatibong kahulugan tulad ng pagkakamali o kapag napagalitan ang isa
imbes na ang karaniwang kahulugan na pagtanggap ng rekognisyon o parangal dahil sa
mabuting gawain.
Halimbawa: “Award ako sa tatay ko dahil alas-tres ng madaling araw na akong nakauwi (I
was scolded by my father because I came home at three in the morning).
Ayon kay Prof. Hernandez, ang bekimon ay proseso ng
pagkokodigo sa karanasang bakla. “Itinatago (ng
Bekimon) ang tunay na anyo ng salita upang hindi
maintindihan." Para sa kanya, ang bekimon ay pagbabago
sa homophobic na lipunan, lalo na ng simbahan. Idinagdag
niya na binibigyan nito ng kalayaan ang mga tao buhayin
ang bakalang karanasan o bilang “instrumento ng mga
bakla sa pakikitunggali sa mapang-aping lipunan." Ang
bekimon ay nagiging paraan upang mapagusapan ng mga
bakla ang kanilang buhay nang hindi naiintindihan ng mga
hetorosexual sa kanilang paligid. (marami sa kanila na
homophobic) Dahil dito, ang bekimon ay kadalasan at
madaling nag-iiba at nagbabago.
Etnisidad
Sinasabing maaring na kasapi ng isang particular
na grupong etnolinggwistiko ang mga tao kung
sila ay kabilang sa isang kabuuan.

Mga batayan sa paghahati ng pangkat:

 Wika
 Kultura o sistema ng pamumuhay
 Relihiyon (gawi, tradisyon at ritwal)
 Etnisidad
Wika

Ang wika ay kaakibat sa kultura.


Tangay ng mga tao ang kanilang wika saanman sila
magpunta at kaakibat nito ang kanilang kultura.
Ang wika ang susi sa pagkakaisa

Ng iba’t-ibang grupo sa isang bansa. Halimbawa


nalang ang india na ginamit ang Hindi bilang
pambansang wika. Bahasa Indonesia ang
pambansang wika sa Indonesia, at Filipino sa
Pilipinas. Ito’y sapagkat ang mga wikang ito ang
lingua franca o wikang ginagamit o nauunawaan sa
mas malaking bahagi ng archipelago.
Lahi
Ang wika ang pagkakakilanlan ng ating lahi. wika din ang
nagbubuklod sa mga taong bumubuo ng lipunan. para sa akin,
ang wika ay ang nagsisilbing ilaw na gumagabay sa atin upang
makapagtatag tayo ng isang lipunang malaya. maitaguyod ang
ating mga hangarin at maisulong ang ating mga adhikain. nasa
wika nakasalalay ang pag-unlad ng lipunan at ng mga bumubuo
rito.

Wika – pasalita man o pasulat ay isang instrumentong ginagamit


ng mga tao sa loob ng lipunang ito sa pakikipag-ugnayan nila sa
isa’t isa at ang relasyong panlipunan ay hindi iiral kung walang
wika. Lipunan – malaking pangkat ng mga tao na may
karaniwang set ng pag-uugali, ideya at saloobin, namumuhay sa
isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang sarili bilang isang yunit.
Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan,
ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura
at mga tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang hehnerasyon,
subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang
mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o
adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at
sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaringmatuto sa nakalipas
na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di
naman kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali.
Masasabikung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa
mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural. Ganito rin kaya ang
mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng
ating wikang Filipino?

Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang


wikang Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga
pamilyar na salita ang luar na naiintindihan sa kahit saang dako ng
Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin
nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa wika.
Henerasyon
WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON

Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng


mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.
Arkayk – Ay ang Lumang Tagalog na ginamit bago ang paggamit ng 
Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng
tagalog gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na
gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon.
Ekonomiya – binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang
area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang 
pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at 
konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.
Balbal – o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang 
wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang
kanto o salitang kalye.
Relihiyon
Wika - Isang penomenong panlipunan at
tinitingnan bilang ispesipikong instrumento ng
pagkontrol sa isang indibidwal. Tumutukoy hindi
lamang sa pasalita kundi pati na rin sa mga
pasulat na mga pagpapahayag, bahagi ng salitang
ito ang senyas at simbolo. Maituturing din itong
isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng
mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao. -
isang baraybol na umiiral sa loob ng lipunan at
nakakalikha ng mga pangyayaring maaring
tawaging isang konkretong realidad.
Wika ng Relihiyon
Tumutukoy sa mga bagay na hindi nakikita o kaya’y maaari lamang
maramdaman o maranasan.
Wikang abstrako at di-kognitibo o wika ng pananampalataya.
Ginagamit sa pagpapahayag ng mga saloobin at sariling paniniwala.
Ayon kay Langford (1962), nagmumula ang wika ng relihiyon sa
tinatawag na Sakramento.
Nangangailangan ng wika upang maipahayag ang isang paniniwala,
maipaunawa ang relihiyon, at maipatupad ang disiplina.
Wika ng relihiyon bilang isang simbolikong wika
Ang wika ng relihiyon ay pinatutunayan at pinalilinaw sa pamamagitan
ng pananampalataya.
Ginagamit ang wika ng relihiyon upang makakontrol sa kanyang mga
nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga pangungusap na
nagsasaad ng Utos, Moral na Pananaw, Katotohanan, Impormasyon at
Impormatibong mga pangungusap
Sikolohiyang Pilipino
Sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan,
at oryentasyong Pilipino.
Higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang
kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad
niya ang kanyang buhay.
Isang alternatibong perspektibo kung paano
ipapaliwanag nag pag-iisip, pagkilos at
damdaming Pilipino, na malaki ang kaibahan
sa mga pananaw ng iba pang anyo ng
sikolohiya sa Pilipinas.
Anyo ng sikolohiya sa Pilipinas
Sikolohiya sa Pilipinas
 Kabuuang anyo sapagkat bunga ito ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaring may kinalaman sa sikolohiya ng ating bayan

Sikolohiya ng mga Pilipino


 Tumutukoy sa bawat teorya ng sinumang nais mag-aral tungkol sa kalikasang
sikolohiyal ng mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
 
Kahalagahan Sikolohiyang Pilipino
 Dahil marami sa ating napag-aralan ukol sa sikolohiya ang hindi angkop sa mga
karanasan at kultura natin bilang Pilipino. At kadalasan, ang mga kaalamang ito
ay ang siyang ginagamit upang unawain ang mga Pilipino. Nakita ng mga
tagapagtaguyod ng SP na ang sitwasyong ito ay nakakasama sa atin.
 Ang pagkakaiba ng oryentasyon ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan
(bahala na -> fatalism)

You might also like