You are on page 1of 10

PAMARAAN AT PROSESO NG

PAGSULAT
FILIPINO SA PILING LARANGAN
GRADE 12
BALIK-ARAL:
Akademikong Sulatin
• Layunin: Magbigay Impormasyon
• Batayan ng datos:
obserbasyons,pananaliksik
• organisayon ng ideya: Planado ang
ideya
Pluma
Pahina 6
PROSESO NG PAGSULAT
1.Bago Sumulat ( Pre-writing)
• Ang mag-aaral ay dumaraan muna sa
brainstorming. Dito ay malaya silang mag-
isip at magtala ng kani-kanilang mga
kaalaman sa paksa. Dito rin
mapapagpasiyahan kung ano ang susulatin
ng mga mag-aaral, ano ang layunin sa
pagsulat at ang estilong kanyang gagamitin.
2. Habang sumusulat
( Actual Writing)
• Sa bahaging ito, naisusulat ang unang borador
na ihaharap ng bawat mag-aaral sa isang
maliit na grupo upang magkaroon ng
interaksiyon kung saan tatalakayin ang
mungkahing pagbabago o mga puna.
Karaniwang tuon ng bahaging ito ang ang
halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral at
lohika sa loob ng sulatin.
3. Pagkatapos sumulat
( Post Writing)
• Sa bahaging ito, ginagawa ang pagbabago sa
pamamagitan ng pagdaragdag,pagkakaltas at
paglilipat ng mga salita,pangungusap o talata.
Pagtutuunan ang mekaniks ng sulatin tulad ng
baybay,bantas at gramatika.

Garcia , F. (2017)-Filipino sa Piling Larang( Akademik): Sibs Publishing


House
https://elcomblus.com/ang-proseso-ng-pagsulat/
BAHAGI NG SULATIN
1. Panimula- bigyan ng kaukulang pansin ang panimula
ng teksto ito ay nararapat maging kawili-wili sa simula
pa lamang.
2. Katawan
• sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong
paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda

3. Wakas
• Pagsulat ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa na
maaaring magbuod sa paksang tinalakay o magiiwan ng
isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon.

Garcia , F. (2017)-Filipino sa Piling Larang( Akademik): Sibs Publishing


House
https://elcomblus.com/ang-proseso-ng-pagsulat/

You might also like