You are on page 1of 57

Ang Pilipinas sa

Panahon ng Pagsilang
ng Bayani
• Upang lalo pang maunawaan ang buhay
ni Dr. Rizal kailangan munang balikan
ang nakaraang kalagayan ng ating bayan
sa kamay ng mga kanluraning
mananakop. Mga pangyayari sa lipunang
Pilipino na siyang nagpaimbuyo sa
kamalayang makabansa at makabayan
ni Dr. Rizal upang kilalanin siyang
dakilang bayani.
Ang Kinamulatang Pilipinas, 1861
• Sa pagsilang ni Dr. Rizal, ang kapangyarihan ng España
ang naghahari sa Pilipinas.
• Talamak ang katiwalian sa pamahalaan.
• Pinagmamalabisan ang mga Pilipino.
• Marami ang naging biktima ng kawalang katarungan.
• At ang ilan sa mga dahilan ng pagmamalupit at kaguluhan
sa panahong iyon ay ang kawalan ng katatagan sa pulitika
ng España, pagkakaroon ng pagbabago sa mga patakaran
sa pamamahala ng mga kolonya ng España, at ang malimit
na pagpapalit ng mga opisyal.
Mga Governador-Heneral
• Ang Pilipinas ay pinamunuan ng limampung
(50) governador-heneral sa loob lamang ng
mahigit animnapung taon (1835-1897), na
bawat isa’y nanungkulan lamang ng humigit
kumulang isang taon. May mga kaso
namang halos wala pang isang taon ay may
bago na namang governador-heneral.
• Ayon kay Prop. Sonia Zaide, ang mabilis na pagpapalit sa mga opisyal ay
nakahadlang sa kaunlarang pang-ekonomiya at pulitikal ng Pilipinas.
• Marami sa mga pinuno ng pamahalaan ay sangkot sa mga anomalya sa
panahong yaon mula sa governador-heneral, mga huwes, ehekutibong
panlalawigan, pababa sa mga cabeza de barangay, isama pa ang mga
frailes.
• Sila ay malulupit, tiwali, mapagsarili, at walang alam sa pamamahala. At
ang masaklap pa rito, marami pa sa kanila ay nabibili ng salapi at ganid
sa kapangyarihan.
• May mga insidente sa pulitika noon na isang ignoranteng barbero lamang
sa España ang ginawang alcalde mayor ng isang lalawigan sa Pilipinas.
• Ang iba naman ay mga manlalayag lang na binigyang posisyon na
maging hurado ng punong militar.
Don Rafael de Izquierdo (1871-1873)
• Siya ay mayabang at malupit na governador-heneral.
• Sa panahon niya nabitay ang tatlong paring martir
noong Pebrero 17, 1872 na mas kilala sa tawag na
GomBurZa.

Almirante Jose Malcampo (1874-1877)


• Siya ay mahusay sa pakikidigma ngunit walang-alam
sa pamamalakad ng pamahalaan.
Fernando Primo de Rivera (Abril 15, 1880 - Marso 10, 1883 at
Abril 23, 1897 - Abril 11, 1898)
• ay nagpakasasa lamang sa yaman ng bayan
• Tumatanggap siya ng mga suhol at hinayaan niyang magbukas
ang mga pasugalan sa Maynila.
• Siya ang governador-heneral na nilapitan ni Dr. Rizal para sa
kanyang kaso nang hagupitin siya ng isang tiniente ng mga
guardia-civiles ng dahil lamang sa hindi pagbibigay galang ng
`di sinasadya.
• Pinaburan pa ni Primo de Rivera ang nasabing tiniente at hindi
si Dr. Rizal.
• Ito’t nagpapatunay lamang na noon pa man ang hustisya sa
Pilipinas ay bulok.
Valeriano Weyler y Nicolau (1888-1891)
• Isa pang tiwali at malupit na governador-heneral.
• Ang governador-heneral na nilapitan ng 21 kababaihan ng Malolos
noong 1888 upang humingi ng permiso na magkaroon sila ng
panggabing paaralan sa wikang Kastila
• Dumating siya sa Pilipinas na mahirap at bumalik sa España na
isang milyonaryo.
• Tirano ang tawag ng mga Pilipino sa kanya dahil sa kanyang pag-
uusig sa mga magsasaka ng Calamba, kasama ang mga kamag-
anak ni Dr. Rizal.
• Tinawag naman siyang ang mangangatay ng mga Cubano dahil sa
kanyang patakarang reconcentraccion na naging sanhi ng
kamatayan ng libu-libong Cubano noong siya ay nanunungkulan
dito.
Camilo Polavieja (1896-1897)
• Ang governador-heneral na kinilalang buwaya noong
panahon ni Dr. Rizal at siya ang nagpabitay kay Rizal sa
Bagumbayan.
Eulogio Despujol
• ang governador-heneral na nakipagsabwatan sa mga
frailes para makulong at maipatapon si Dr. Rizal sa
Dapitan.

• Karamihan pa sa mga opisyal ay yumaman sa mga


paraang ilegal o sa pamamagitan ng pagpapakasal sa
mga mayayamang Pilipino at negosyanteng Tsino.
Kawalan ng Kinatawan ng Cortes sa Espanya
• Isang dahilan kung bakit nangyari ito noon sa
Pilipinas ay dahil walang kumakatawan sa ating
bansa sa Cortes sa España
• Malimit na ‘di nakakaabot sa Hari ng España ang
mga anomalya at pagmamalabis ng mga opisyal at
maging ng mga frailes sa Pilipinas.
Ventura de los Reyes
• Pilipinong naging kinatawan ng Cortes sa Espanya.
• Siya ay naging aktibo sa pagbalangkas ng unang
konstitusyong demokratiko ng España at isa sa 184
na lumagda rito.
• Ngunit noong 1837 ang representasyon ng mga
kolonya ng España sa Cortes (kasama ng Pilipinas ay
inalis.
• Kaya kahit lumalala ang kalagayan ng Pilipinas ay
hindi ito naidudulog sa España.
Ang Pilipinas sa
Ika-19 Dantaon sa
Konteksto ni Dr.
Rizal
1. Sistemang Pang-Ekonomiya
2. Sistemang Panlipunan
3. Sistemang Pampolitika
1. Sistemang Pang-Ekonomiya
A. Kalakalang Galyon
B. Pagbubukas ng Kanal Suez
C. Pagbubukas ng Pilipinas sa Kalakalang
Pandaigdig
D. Paglakas ng Kalakalang Pagluluwas ng mga Ani
at Monopolyo
• Ang Rebolusyong Industriyal na nagsimula sa
Hilagang Europa ay nagdala ng malaking
pagbabagong sosyo-ekonomiko sa buong mundo.
Ito ang nagbunsod sa mga Kastila na buksan ang
Pilipinas sa kalakalang pandaigdig. Naging resulta
nito ang paglago ng ekonomiya dahil sa pagdagsa
ng mga dayuhang negosyante sa ating bansa.
A. Kalakalang Galyon
• Ang monopolyong kalakalang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa
Maynila at sa Acapulco ay tinawag na Kálakaláng Galeón.
• Noong 1565, si Andres de Urdaneta ay naglayag mula Cebu papuntang
Acapulco at dito niya natuklasan ang ruta mula sa Karagatang Pasipiko
papuntang Mexico.
• Ipinangalan ang kalakalang ito sa malalaking barkong Galeón na karamihan
ay ipinagagawa ng pamahalaang Espanyol sa lalawigan ng Cavite at sa iba
pang bahagi ng Filipinas sa pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho ng
libo-libong katutubong Filipino.
A. Kalakalang Galyon
• Noong 1565 sinimulan ang Kalakalang Galyon sa Maynila pagkatapos
matuklasan ni Andrés de Urdaneta, fraileng Agustino, ang tornaviaje o
daanang pabalik mula sa Filipinas patungong Mexico.
• Nagtagal ang daanan hanggang 1815 noong nagsimula ang Pangkalayaang
Digmaan ng Mexico.
• Nailuluwas ng Galyon sa Maynila ang mga mamahaling bagay tulad ng mga
kasangkapan, porselana bulak at pilak.
• Nagbigay-daan din ang daanan sa pagbabago at pagbabahagi ng kultura na
nakahubog sa pagkakakilanlan ng dalawang bansa.
A. Kalakalang Galyon
• Hindi lamang mga produkto ang paroo’t paritong iniluluwas sa Maynila at
Acapulco. Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa
Pilipinas na tinatawag na Situado Real o tulong na Royal ay dala-dala rin nito.
• Taun-taon, dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng
Pilipinas bilang situado real.
• Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at
kawal na Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran
mula noong 1565 hangggang 1821.
• Ngunit hindi laging nakikinabang ang nangangalakal sa galyon. May
pagkakataong ito’y sinasalakay ng mga mangungulimbat na Olandes o Inggles.
A. Kalakalang Galyon
B. Kanal Suez
• Ito ay isang artipisyal o likha ng tao na daanan ng mga barko at iba’t iba
pang uri ng sasakyang pangdagat. Makikita ito sa bansang Ehipto na
nagkokonekta ng Pulang Dagat (Red Sea) at Dagat Mediterano
(Mediterranean Sea).
• Binuksan ang kanal na ito upang maging daluyan ng pandaigdigang
kalakalan at komersyo, na maaaring gamitin nino man kahit sa panahon ng
giyera o kapayapaan. Naging parte ang kanal na ito sa mga hidwaan sa
Gitnang Silangan tulad ng digmaang Arab-Israeli.
B. Kanal Suez
C. Pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang
Pandaigdig
• Ang pagbubukas nito noong 1869 ay lalo pang nagpabilis sa pagpasok sa
bansa ng mga kaisipang liberal tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay,
kapayapaan, at nagpamulat sa maraming Pilipino sa kanilang karapatan.
• Napadali ang paglabas-masok ng mga mangangalakal at ang sistema ng
komunikasyon sa Pilipinas.
• Nagresulta rin ito ng madaling pagpasok ng mga babasahing aklat na
nagsusulong sa kaisipang liberal at rebolusyonaryo.
• Bagamat ipinagbabawal ang pagbabasa nito, nagsimula namang mamulat
ang ilan sa mga Pilipino sa mga kaisipang liberal na matagal nang
lumalaganap sa Europa at sa iba pang bansa sa dakong kanluranin.
Nagbukas ang Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig. Noong mga huling
bahagi ng ikalabinsiyam na siglo ay binuksan ng mga Espanyol ang
Maynila sa pandaigdigang kalakalan na nakapagdulot ng maraming
pagbabago sa buhay ng mga Pilipino tulad ng mga sumusunod:
a. Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang produkto tulad ng
abaka, tabako, at tubo.
b. Napabilis ang transportasyon para sa maayos na pagdadala ng mga
produkto sa mga iba’t ibang lugar ng bansa.
c. Dumami ang mga bangkong nagpapautang sa mga negosyanteng
Pilipino sa Maynila.
d. Napabilis ang paglalakbay at palitan ng produkto sa ibang bansa .
e. Nakatulong sa pag angat ng pamumuhay ng mga Pilipino.
C. Pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang
Pandaigdig
• Sa ganitong sitwasyon maraming mga Pilipino ang yumaman dahil sa
pagtatanim at pakikipagkalakalan. Sila ang bumuo ng gitnang uri sa
lipunan na umusbong noong huling bahagi ng ika 19 na siglo.
• Ang mga nabibilang sa gitnang uri ay ang mga nakapag aral sa Europa at
tinawag na Ilustrado o “Naliwanagan”. Sa Hanay nila nagmula sina Jose
Rizal, Marcelo H. Del Pilar at iba pang mga Pilipino na nagsulong ng
reporma o pagbabago.
D. Paglakas ng Kalakalang Pagluluwas ng
mga Ani at Monopolyo
• Sa pakikipagkalakan sa ibang bansa, kinokontrol ng mga
Espanyol ang kalakalan. Pinamahalaan nila ang pagbebenta ng
mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Sa ilalim ng
pamamahala ng mga Espanyol kumita sila ng malaki sa
Kalakalang Galyon.
• Monopolyo- ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging
nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto.
• Sa pagsapit ng ika-19 dantaon nanaig ang monopolyo sa kalakalang Galyon
bagaman pinakinabangan ng mga kastilang may karapatan ng mangalakal sa
galyon, ay hindi nakabuti sa Pilipinas.
o Una, nasalanta ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa pagiging pabaya ng mga
pinunong kastila na walang inatupag kundi ang pagpapayaman sa galyon.
o Pangalawa, tanging mga kastila lamang ang nakinabang at kumita sa kalakalang
galyon.
o Ikatlo, napabayaan ang pangangalaga sa mga lalawigan, kaya nang maputol ang
kalakalan nagkaroon ng panahon ang mga kastila na asikasuhin ang kani kaniyang
lalawigan.
2. Sistemang Panlipunan
A. Edukasyong Kontrolado ng mga Prayle
B. Pagdami ng mga Mestizong Tsino
C. Pagdami ng mga Ingkilino
A. Edukasyong Kontrolado ng mga
Prayle
• Sa kasaysayan ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga kastila ay may
sariling kabihasnan na.
• Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas nakarating ang mga misyonerong
prayle at pinalawig ang kristiyanismo kasabay na pinakialaman ang
edukasyon, sinunog ng mga misyonerong prayle ang mga tala na nakasulat
sa mga dahon, banakal at punong kahoy sa paniwalang ang mga ito ay likha
ng masasamang espiritu.
• Bilang bansang mananakop ay naging patakaran ng Espanya ang magturo
sa mga nasasakupang mamamayan ng doktrina Kristiyana at magtatag ng
mga paaralang magtuturo nito.
• Hindi nilayon ng mga kastila na magturo ng naaayon sa mundong ito.
A. Edukasyong Kontrolado ng mga
Prayle
• Relihiyon ang namamayani sa kanilang isipan sapagkat nais nilang maging
mabuting mamamayan sa kabilang buhay.
• Ang mga unang paaralan ay mga paaralang parokya o pinamamahalaan ng kura.
• Tinuruan ang mga bata ng relihiyon, kastila, pagsulat, pagbasa, pagbilang,
musika at paghahanap buhay.
• Nagtatag din sila ng mga paaralang sekundarya upang maihanda ang mga mag-
aaral sa mataas na paralan. Ang mga paring Heswita at Dominikano ang
nagtatag ng mga kolehiyo.
• Tulad ng kauna unahang kolehiyo para sa mga babae, ang kolehiyo ng Santa
Potenciana na naitatag noong 1594.
A. Edukasyong Kontrolado ng mga
Prayle
• Naitatag din ang Paaralang Normal noong 1865 para sa babae’t lalake.
Dahil sa pagdami ng mga estudyante nagtayo rin ang mga prayle ng mga
Paaralang-Bayan, sapilitan at walang bayad ang pagpasok sa mga
paaralang iyan.
• Tinuturuan ang mga batang lalaki ng Kasaysayan ng Espanya, hiyograpiya,
pagsasaka, aritmetika, doktrina kristiyana, pagsulat, pag awit at magandang asal.
• Ang mga babae naman ay nagbuburda, panggagantsilyo at pagluluto na siyang
kapalit ng pagsasaka, hiyograpiya, at kasaysayan ng Espanya.
• Dahil sa atas ni Pope Innocent X naiangat ang antas ng Colegio at naging
Universidad.
A. Edukasyong Kontrolado ng mga
Prayle
• Bukod sa pagtatag ng mga kolehiyo nagtayo rin ang mga prayle ng
unibersidad upang makapagpatuloy sa pagkuha ng karera ang mga
nagsipagtapos sa mga kolehiyo.
• Ang kauna unahang unibersidad sa Pilipinas na naitatag ay ang unibersidad
ng San Ignacio na itinatag ng mga paring Heswita noong 1589 at ang mga
prayleng Dominikano naman ay itinatag ang Colegio de Nuestra Señora del
Santisimo Rosario noong 1611 nang lumaon ay naging Colegio de Santo
Tomas sa alala ng Dominikanong si Thomas Aquainas noong 1645.
A. Edukasyong Kontrolado ng mga
Prayle
• Naging talamak na ang kalupitan ng mga prayle dahil naging bukas lamang
ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga mestisong kastila at pinid
ang pinto para sa mag Pilipino.
• May kautusan ang Hari ng Espanya na ituro sa mga Pilipino ang wikang
kastila, ang nangyari’y hindi sinunod ng mga namamahala sa Pilipinas ang
nasabing mga kautusan sapagkat natatakot silang matututo ang mga
Pilipino dahil ito ang magiging dahilan ng kanilang paglaban sa mga
mananakop.
A. Edukasyong Kontrolado ng mga
Prayle
• Nabuksan na lamang ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga
Pilipino noong ikalawang hati ng 19 dantaon.
• Sa likod ng pagiging madamot ng mga prayle sa mga Pilipino sa
edukasyon nagkaroon ang Pilipinas ng mga Jose Rizal, Graciano Lopez
Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Cayetano Arellano, Apolinario Mabini at
marami pang iba.
B. Pagdami ng mga Mestisong Tsino
• Mestiso. Ang salitang mestíso (mestizo) ay tumutukoy sa mga anak ng mag-
asawang magkaiba ang lahi. Noong panahon ng Espanyol, ito ang naging
taguri sa anak ng Espanyol o Tsino na ama at ng inang Filipina o Indio o ang
kabaligtaran nito.
• Hindi ipinagbabawal ang pagsasama ng magkaibang lahi. Sa katunayan,
kinilala ang mga mestiso bilang isang natatanging sektor ng lipunan simula
pa noong 1750.
• Gayunman, higit na mababa pa rin ang tingin sa kanila kumpara sa mga anak
ng parehong Espanyol o Tsino.
• Dahil dito, mas iniuugnay ang mga mestiso sa grupo ng mga Filipino o Indio
kaysa mga lahing Espanyol o Tsino.
B. Pagdami ng mga Mestisong Tsino
• Karamihan sa mga mestiso bago ang ika-19 na siglo ay mga “Mestizo de
Sangley” o mga produkto ng ugnayang Tsino at Filipino. Di tulad ng mga
mestisong Espanyol, karamihan sa mga mestisong Tsino ay madaling
nakakahalubilo sa mga katutubong Filipino.
• Dumami lamang ang mga mestisong Espanyol pagsapit ng siglo 19 nang
buksan ang Filipinas sa pandaigdigang kalakalan at napadali ang
paglalakbay mula sa Espanya matapos buksan ang Kanal Suez.
• Maraming mga Filipino ang nakapag asawa ng dayuhan dahil sa kanilang
pakikipagkalakalan sa Pilipinas.
B. Pagdami ng mga Mestisong Tsino
• Noong kalagitnaang bahagi ng ika-19 na siglo, marami na sa mga mestiso
ang yumaman, nagmay ari ng lupa, nakapag-aral at nagkaroon ng posisyon
sa pamahalaan.
• Dahil sa hangaring tumaas ang pagkilala sa kanila sa lipunan, at bilang
pakikiisa sa ibang inaaping sektor, naging aktibo ang mga mestiso sa usapin
ng sekularisasyon ng mga parokya, sa Kilusang Propaganda, at sa
Himagsikang 1896. Isang halimbawa si Dr. Jose Rizal na may lahing
mestiso.
C. Pagdami mga Inquilino
• Inquilino. Ang mga inquilino sa Pilipinas ang nagpapaupa o nagbebenta
ng mga lupang ibinenta sa kanila ng mga prayle. Sila rin ang nagsisilbing
tagapamahala ng mga lupaing pagmamay ari ng mga prayle at
mayayaman.
• Ang sistemang inquilino sa Pilipinas ay ang naging batayan sa
pagpapatakbo ng mga lupain.
• Ang sistemang ito ang naging dahilan upang mas malaki ang kita ng
inquilino kesa sa mga magsasaka. At ito rin ang patakang pangkabuhayan
na hindi makatarungan at mapang-api.
• Ang mga inquilino sa Pilipinas ay naging halimbawa ng pagsasamantala
sa kapwa noong panahon ng mga Espanyol at Amerikano.
3. Sistemang Pampolitika
A. Paglaganap ng Ideyang Liberalismo sa Europa
B. Konstitusyong Cadiz sa Espanya
C. Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na
Naranansan ng mga Pilipino
D. Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
A. Paglaganap ng Ideyang Liberalismo sa
Europa
• Liberalismo (Enlightenment). Isang malawak na uri ng pilosopiyang
politikal kung saan binibigyang-diin ang kahalagahan ng kalayaan at
pagkakapantay-pantay.
• Liberal na ideya. Ito ay nagmula sa Europa at umusbong dahil sa hindi
pantay na katayuan ng mga tao sa lipunan.
• Mabilis na lumaganap sa Espanya ang liberal na kaisipan. Nakilala ang
mga pampolitikong manunulat na tulad nina Voltaire, Jean-Jacques
Rousseau at John Locke na ‘di sang-ayon sa umiiral na sistemang
monarkiyal.
A. Paglaganap ng Ideyang Liberalismo sa
Europa
• Ayon sa kanila kung mapapatunayan ng mga mamamayan na hindi na
karapat-dapat ang pinuno sa kanilang pagtitiwala ay kailangang alisin na
ito at palitan.
• Ang kaisipang liberal na ito ay umusbong sa naganap na Himagsikang
Pranses. Ang mga simulain ng mga Pranses na, “Pagkakapantay-pantay,
kalayaan, at pagkakapatiran ay umabot at nakarating sa Pilipinas.
Naging inspirasyon ng mga Pilipino ang mga simulaing ito para sa
kanilang mga minimithing pagbabago o reporma.
B. Konstitusyon ng Cadiz sa Espanya
• Ang Cadiz Constitution ng 1812 ay nilikha bunga ng hangarin ng Espanya
na wakasan ang mga pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong
umiiral sa kanilang bansa.
• Binibigyang halaga sa nasabing konstitusyon ang mga ideyang liberal
gaya ng karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan, pambansang soberanya,
monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa,
at malayang kalakalan.
• Ang sistemang ito ay direktang nakaapekto sa kalagayan ng Pilipinas
bilang kolonya at sa paggising sa hangarin ng mga Filipino na maging
Malaya.
B. Konstitusyon ng Cadiz sa Espanya
Bago naipasa ito, nagkaroon ng halalan sa maynila upang piliin ang
kinatawang Pilipinong ipapadala sa Cadiz. Si Ventura Delos Reyes,
isang mayamang Pilipino ang nahalal bilang kinatawan. Hiniling niya
ang mga sumusunod:
- Pag-alis ng sapilitang paggawa
- Pagkakapantay-pantay ng mamamayan
- Pagtanggal ng mga monopolyo kasama ang kalakalang Galyon
- Pagtatag ng malayang kalakalan
- Kalayaan sa pamamahayag, paglilimbag at relihiyon
B. Konstitusyon ng Cadiz sa Espanya
Hindi man nagtagumpay ang tangkang ipatupad ito sa Pilipinas,
nagkaroon ito ng epekto sa pamamahala ng Espanya sa Pilipinas:
1. Ipinatigil ang kalakalang galyon
2. Napalitan ang merkantilismo ng malayang kalakalan
3. Pagsiklab ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela sa pagpapatupad ng
konstitusyon sa Pilipinas noong 1815.
4. Paglaganap ng mga bagong kamalayang bunga ng kaliwanagan sa Europa
lalo na sa hanay ng mga Pilipinong kabilang sa panggitnang uri na nagkaroon
ng pagkakataong makapag-aral sa Europa pagsapit ng ika-19 siglo.
C. Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na
naranasan ng mga Pilipino
• Noong huling dalawampung taon ng ika-19 na dantaon ay maraming
napagdaanang suliranin ang mga Pilipino sa kamay ng mga kastila.
• Ang suliraning iya’y nauukol sa walang katarungang pamamahala ng mga
kastila sa mga Pilipino.
C. Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na
naranasan ng mga Pilipino
Isa isahin natin ang mga suliraning ito:
1. Nagkaroon ng kapangyarihan ang mga prayle at pamahalaan
• Sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na pamahalaan sa Pilipinas, ang "Pamahalaan ng mga
prayle" o frailocracia.
• Hawak ng mga prayle ang Buhay panrelihiyon at edukasyon ng Pilipinas
• Kontrolado din nila ang pulitika, impluwensiya, at kayamanan
• Pag usbong ng mga prayleng masasama
• Sekularisasyon ng mga parokya
• Katiwalian ng mga Gobernador Heneral
• Nalimitahan ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagpili ng relihiyon at iba pa.
2. Diskriminasyon at Usaping Pang agraryo
• Mga Indio
• Mga kababaihan
• Pag–aari ng mga Lupang pansakahan/Hacienda
C. Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na
naranasan ng mga Pilipino
3. Pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino
• Guardia sibil (Konstabularyo)
4. Ang litigasyon
• Pandaraya sa hukuman
• Pagsasakdal ng mga inosente
• Pag ikot ng pera
• Mabagal na pagproseso
• Ang pagkakasangkot sa isang kaso ay isang "Kalamidad"
5. Ang pagbabawal sa pagtitipon ng mga Pilipino
• Ang lumalaban sa pamahalaan ay pinarurusahan
• Arsenal
D. Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
Nasyonalismo
• Ito ang katawagan sa maalab na pagmamahal at pag-
aalaga sa lupaing sinilangan at pagkakaroon ng adhikain
para sa Inang Bayan.
• Hinangad ng mga Pilipino na makalaya sa kamay ng
mapang abusong Espanyol.
D. Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming Nasyonalismo
1. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
• Isang dikri noong 1789 ang bahagyang nagbukas sa Maynila sa
kalakalang Pandaigdig bilang pagbibigay pahintulot sa Campania Real de
Pilipinas.
• Bunga nito umunlad ang mga produkto ng panluwas at lumaki ang
kapital ng bansa.
• Pinabuti ang teknolohiyang pansakahan at dumami ang ani at mga
produkto.
• Dahil sa pag unlad nagsimulang makakilala ang mga tao at namulat sila
sa sariling kalagayan.
D. Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming Nasyonalismo
2. Pagkakaroon ng pang-gitnang uri ng lipunan
• Tinatawag sila bilang “Class Media” yumaman sila dahil sa pag unlad ng
komersiyo at Agrikultura.
• Sila ang bumubuo sa antas Principalia sa lipunan, na siyang nagpasimula ng
paghiling ng pagbabago at nagtatanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino.
3. Pagsibol ng kaisipang liberal sa Pilipinas
• Dala ng Espanyol ang mga kaisipang liberal na ito buhat sa Europa.
• Ito ay ipinamalas nila sa kanilang malayang pagkilos at pananalita. Ang ganitong
kaisipan, bagamat hindi tuwirang ipinalaganap ay tumimo sa isipan ng mga
katutubong Pilipino.
D. Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming Nasyonalismo
4. Kilusang Sekularisasyon:
• Ang kilusang sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan
ng mga paring sekular sa mga parokya.
• Mayroon dalawang uri ng paring katoliko sa ating bansa noon. Ang
regular at ang sekular.
• Ang paring regular ay may kinakaanibang orden tulad ng Dominikano, Heswita,
Pransiskano at iba pa.
• Ang paring sekular naman ay hindi kabilang sa kahit anong orden.
D. Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming Nasyonalismo
5. Si Gobernador Carlos Maria Dela Torre
• Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga patakaran at
mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino.
• Siya ay may pantay na pagtingin sa mga Espanyol at mga Pilipino.
6. Ang pag aalsa sa Cavite noong 1872
• Noong panahon ng pamamahala ni Gobernador Rafael Izquierdo naging mahigpit at
nagdulot ng pahihirap sa mga Pilipino ang kanyang mga kautusan.
• Ang lahat ng mga manggawang Pilipino sa Cavite na hindi nagbababyad ng taunang buwis
ay inalisan niya ng karapatan at kabuhayan.
• Nagprotesta ang mga mangagawa at ito ay ginawang isyu ng Gobernador at sinabing iyon
ay pag aalsa laban sa Inang Espanya.
D. Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming Nasyonalismo
7. Pagbitay sa tatlong paring martir
• Ang pagbitay sa tatlong Pilipinong pari sa pamamagitan ng garrote
ay isa sa pinakamahalagang salik sa pagbubuklod sa damdamin ng
mga Pilipino.
oPadre Mariano Gomez
oPadre Jose Burgos
oPadre Jacinto Zamora
Ang Panahon ni Dr. Rizal
kumpara sa
Kasalukuyan.
Masasabi mo bang
malaya na tayo sa
kasalukuyan?
Katiwalian sa taas at baba ng pamahalaan
Pananakot
Kawalan ng inisyatibo
Pagpapayaman
Paghihirap
Pang-aabuso
Kaguluhan
Pagkakahati ng simbahan
Noon mga Kastila ang gumagawa sa
atin nito

Pero....

Ngayon, mga kapwa natin Pilipino


ang gumagawa nito.

You might also like