You are on page 1of 13

Tekstong

Prosidyural
Tekstong Prosidyural
O Naglalayong alamin ang mga hakbang,
proseso at pagkasunod-sunod na dapat na
isakatuparan sa paggawa ng isang gawain
O Uri ng paglalahad na kadalasang
nagbibigay impormasyon at instruksyon
kung paano isinasagawa ang isang tiyak
na bagay
Layunin ng Tekstong Prusidyural

Ang pangunahing layunin ng tekstong


prosidyural ay ang magbigay ng sunod-sunod
na direksyon o hakbanging sa mga tao upang
matagumpay na maisagawa ang mga gawain ng
ligtas, episyente at angkop sa paraan
Mga Halimbawa:
O Recipe sa pagluluto sa Home Economics
O Paggawa ng isang eksperimento sa agham
at medisina
O Pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga
kagamitan sa teknolohiya
O Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro ng
isang bagay
O Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada
Bahagi ng Tekstong Prosidyural

1. Inaasahan o target na awtput


2. Mga Kagamitan
3. Metodo
4. Ebalwasyon
1. Inaasahan o target na awtput

O Tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o


kahahantungan ng proyekto ng isang
prosidyur
O Maaaring ilarawan ang mga tiyak na
katangian ng isang bagay o kaya ay
katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling
inaasahan sa isang mag-aaral kung susundin
ang gabay
2. Mga Kagamitan
O Tumutukoy sa mga kasangkapan at kagamitan na
kinakailangan upang makumpleto ang isinasagawang
proyekto
O Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod
kung kailan gagamitin. Maaaring hindi makita ang
bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na
hindi gagamit ng anumang kagamitan
3. Metodo

OSerye ng mga hakbang na


isinasagawa upang mabuo ang
isang proyekto
4. Ebalwasyon
O Naglalaman ng mga pamamaraan kung
paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa
O Ito ay sa pamamagitan ng mahusay na
paggana ng isang bagay, kagamitan o
makina o di kaya ay mga pagtataya kung
nakamit ang kaayusan na layunin ng
prosidyur.
Mga Dapat Tandaan sa Paglikha
ng Isang Tekstong Prosidyural
1. Gumamit ng heading , subheading,
numero, dayagram at mga larawan upang
maging mas malinaw ang pagpapahayag ng
instruksyon
2. Alamin at unawain kung sino ang
nakikinig o nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng
wika ang gagamitin
Mga Tiyak na Katangian ng
Wikang Madalas Gamitin sa
Tekstong Prosidyural
Tiyak na Katangian ng Wikang Madalas
Gamitin sa Tekstong Prosidyural

O Nasusulat sa kasalukuyang kapanahunan


O Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at
hindi sa iisang tao lamang
O Gumagamit ng tiyak na pandiwa para sa
instruksyon
O Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at
cohesive device upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga
bahagi ng teksto
O Mahalaga ang detalyado at tiyak na
deskripsyon (hugis, laki, kulay dami atbp.)

You might also like