Sagutin ang mga sumusunod na katanungan (PAGSUSULIT) (10
PUNTOS)
1. Tungkol saan ang tulang inyong binasa?
2. Anu-ano ang mga pinagkukunang impormasyong nabanggit sa tula? 3. Anu-ano ang mga buting dulot ng mga ito sa atin? Di-mabuting dulot? 4. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo/ telebisyon o nababasa mo sa pahayagan? Ipaliwanag. 5. Itala ang iyong mga napanood sa telebisyon, pelikula at internet. Paano ito nakaaapekto sa iyong kaisipan at damdamin? Ipaliwanag. SUBUKIN NATIN (PAGSASANAY) Lagyan ng salitang NAKABUBUTI ang mga gawaing nagpapakita ng magandang dulot ng paggamit ng media at internet. HINDI NAKABUBUTI naman kung ito ay nakasasama.
_______ 1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa
takdang-aralin at proyekto _______ 2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies. _______ 3. Nakukumpara ko ang tama at mali sa nabasa sa pahayagan at naririnig sa radio _______ 4. Napipili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman at aral sa buhay. _______ 5. Nakakapag-chat ng malalaswang salita a hangouts o messenger.