• Sa Ingles, ito ay tinatawag na euphemism. Ang mga ito ay
salita ng badyang pampalubag loob o pampalumay upang ito ay hindi masama pakinggan o basahin. • Ang eufemismong pahayag o habas ay paraan ng pahayag na nagbabawas sa tindi o sidhi ng salita. Nais ng nagsasalita na maipaabot ang isang kahulugan ng kaniyang sinasabi o nais sabihin ngunit isinasaalang-alang niya ang dating nito sa pinagsasabihan. EUPEMISTIKONG PAHAYAG
• Kadalasan ito ay pumapalit sa mga matatalim o masyadong
bulgar o malaswang mga salita Halimbawa ng eupemistikong pahayag tungkol sa pagkamatay; 1. Sumakabilang-buhay 2. Pantay na ang mga paa 3. Kinuha ng Diyos 4. Yumao 5. Pumanaw MGA ILAN PANG HALIMBAWA
• Hikahos sa Buhay – Mahirap
• Lumulusog –Tumataba • Tinatawag ng Kalikasan – Nadudumi • Sumakabilang Bahay- Kabit • Kasambahay- Katulong • Mapili- Maarte o Pihikan • Malikot ang isip- Masyadong maraming imahinasyon MGA ILAN PANG HALIMBAWA
• Ibaon sa Hukay- Kalimtan na
• Balat Siuyas- Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak • Butas ang Bulsa- Wala ng Pera • Halang ang Bituka- Masamang Tao • Makati ang Kamay - Magnanakaw EUPEMISTIKONG PAHAYAG
ANG MGA SALITANG ITO AY GINAGAMIT RIN UPANG
MAPAGAAN ANG MGA MASAKIT NA REALIDAD NG BUHAY NATIN. GINAGAMIT ITO UPANG HINDI LUBOS NA MASAKTAN ANG ISANG TAO.
SANGGUNIAN: PUNALA –MGA PANITIKANG
PAMBANSA AT FLORANTE AT LAURA (PAHINA 54) WEBSITE: https://philnews.ph/2020/02/26/eupemistikong-pahayag-ano-ito-a t-mga-halimbawa/