You are on page 1of 15

Ang pagsulat ng textong

descriptiv ay maihahalintulad
sa pagpipinta. Ang
mambabasa ay tila direktang
nakasaksi sa mga
pangyayaring inilalahad sa
pamamagitan ng masining na
paglalarawang ginagamit ng
manunulat.
Deskriptiv ang isang teksto
kung ito ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kinalaman
sa pisikal na katangian ng
isang bagay, lugar at
maging ng mga katangiang
taglay ng isang tao o pangkat
ng mga tao, kalimitang
tumutugon ito sa tanong
na Ano. 
Ang tekstong deskriptiv
ay nagtataglay ng mga
impormasyong may
kinalaman sa pisikal na
katangiang taglay ng
isang tao, bagay, lugar,
at pangyayari.
Halimbawa:

1. Paglalarawan ng tao
a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano.
b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto sa teknolohiya.
c. Di pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya.
2. Paglalarawan ng Lugar
a. Dahil sa pinakamaunlad na
bansa ang Hapon, itinuturing
itong “higante” sa Asya.
b. May mga bansa sa Asya na
kahit na mayaman sa mga likas
na yaman ay di – gaanong
maunlad kung ihahambing sa
mga karatig – bansa na may
kakaunting likas na yaman.
3. Paglalarawan ng Bagay
a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga bansang Asyano.
b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang Asyano sa ilang
karatig-bansa sa Asya.
c. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at Hapon.
4. Paglalarawan ng Pangyayari

a. Umunlad ang industriya sa


Asya dahil sa pagtuklas at
pagpapaunlad ng Agham at
teknolohiya.
b. Sa paggamit ng makabagong
teknolohiya, sadyang gumaan
ang mga gawain at higit na
dumami ang produksyon.

You might also like