Pananaliksik Aralin 3 Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1.Anong katangian ng tekstong impormatibo ang
pagkuha ng makatotohanang datos o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang batayan? A.Obhetibo B.Subhetibo 2. Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan? A. Obhetibo B. Subhetibo 3. sa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng elemento, ano ang tawag sa elemento na may maayos na daloy o pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyanglinaw ang temang taglay ng akda? A. Tagpuan B. Banghay 4. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t ibang pananaw, saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa kuwento? A. Unang Panauhan B. Ikalawang Panauhan 5. Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisang katangian? A. Tauhang Bilog B. Tauhang Lapad 6. Anong katangian ng tekstong persuweysib ang nagpapakita ng personal na opinyon at paniniwala ng may akda? A. Obhetibo B. Subhetibo 7. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi batay sa datos o impormasyong nakalap. A. Argumentatibo B. Persuweysib 8. Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan? A. Impormatibo B. Deskriptibo 9. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang makatotohanang pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng isports, kasaysayan, siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa. A. Impormatibo B. Deskriptibo 10. Anong uri ng teksto ang maaaring maging subhetibo at obhetibong paglalarawan? A. Naratibo B. Deskriptibo Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto? Bakit? •Kahit hindi ka pintor ay maaari kang makabuo ng larawan gamit ang mga salitang iyong mababasa o mabubuo sa isipan. •Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging SUBHETIBO o OBHETIBO. Masasabing SUBHETIBO ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang imahinasyon at hindi nakabatay sa totoong buhay. Madalas nangyayari sa mga tekstong naratibo. OBHETIBO naman ang paglalarawan kung ito'y mayroong pinagbatayang katotohanan. May dalawang uri ng tauhan. Ito ay ang tauhang lapad at tauhang bilog. Ang tauhang lapad ay tumutukoy sa uri ng tauhan na hindi nagbabago ang pag-uugali at karakter ng isang tao sa buong istorya o kwento. Ang tauhang bilog ang taguri sa isang tauhan kung saan siya ay nakikitaan ng pagbabago sa ugali at kanyang karakter. Ang pagbabagong ito ay tinatawag na isang “Character Development” sa wikang Ingles.