You are on page 1of 5

Paksa: BAHAGI NG TEKSTO Reporter: BARAQUIEL, Joel Reference (talasanggunian): 1. Maunawang Pagbasa at Akademikong Pagsulat: Introduksyon sa pananaliksik, 2.

Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik, 3.Kritikal na pagbasa at akademikong pag sulat tungo sa pananaliksik

Ang Ulat: Panimula Ang panimula ay napakahalagang bahagi ng isang teksto sapagkat ito ay nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto. Halimbawa: Ito rin ang bahagi ng teksto na nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Bernales: maihahalintulad ito sa display window ng mga tindihan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang mga aveylabol na paninda o haylayt na paninda. Bernales: ang panimula ay nagbibigay-ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala,asersyon o proposisyon ng may-akda sa paksang iyon,bukod pa sa nagsisilbi itong pangakit at panawag-pansin. Mga Paraan ng pagbuo ng simula Isang katanungan: Halimbawa: Turismo Maraming mga bansa ang umaasa sa kita nila pagdating sa turismo. Gaya ng China, Japan, Korea at Pilipinas. Ngunit, ano nga ba ang turismo? Papaano ito labis nakakaapekto sa pag-unlad ng isang bansa? Pangungusap na makatawag pansin o panlahat na pangungusap. Halimbawa: Teenage Pregnancy Ang Pilipinas ay may humigit kumulang 90 milyong kabuuang bilang ng populasyon. Naging isa sa mga dahilan ng mabilis na paglago nito ay ang paglobo ng mga kabataang maaga na nabubuntis o teenage pregnancy. Isa rin ito sa mga nagiging dahilan kung bakit lalong lumalala ang kahirapan sa ating bansa. Isang salaysay o paglalarawan Halimbawa: Mabangis na Lungsod Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalakit maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabiy naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi at ang Quiapo. Isang Salitaan Halimbawa:

Jaguar EXT. GASTON PUBLISHING HAPON. Susunod si POLDO hanggang sa kotse ni SONNY. Bubuksan ni Sonny ang pinto ng kanyang kotse. Hahawakan ni Poldo ang pinto habang pumapasok si Sonny. Saka sasarhan ang pinto matapos makaayos ng upo si Sonny. POLDO: Sir, sa Linggo, ha? Baka nyo makalimutan. SONNY: Ano'ng sa Linggo? POLDO: Yung piyesta sa'min. SONNY: Piyesta..a, oo. Hindi ko makakalimutan 'yan. Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo patungo sa labasan ng driveway. Pasenyas- senyas at pasilba-silbato, pahihintuin niya ang trapik sa kalsada para makalabas ang kotse ni Sonny. Isang makatas na pangungusap ng isang kilalang tao. Halimbawa: Pag-ibig sa Bayan The Filipino is worth dying for-Sen. Benigno Aquino Jr. Ang madamdaming pahayag na ito mula kay dating Senador Benigno Aquino Jr. ang isa sa mga halimbawa ng pagpapatunay ng masidhing pag-ibig sa ating bayang sinilangan. Isang Sipi o Excerpt Halimbawa: Makabagong Eroplano Dahil sa mabilisang pag-unlad ng teknolohiya, nagkaroon ng maraming pagbabago lalo na sa larangan ng transportasyon na panhimpapawid tulad ng eroplano. Sina Wilbur at Orville Wright ay kinilala sa kasaysayan dahil sa imbensyon nilang eroplano noong ika-17 ng Disyembre 1903. Ang kanilang nasimulan ay patuloy na yumayabong at nagdudulot ng malaking tulong sa tao. Isang salawikain, sawikain Halimbawa: Kurapsyon! Nakahihiyan mang sabihin ngunit tila wala na atang ibang alam gawin ang ating mga pinuno kundi punain ang kanilang kapwa. Tila pagpapatunay na Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Hindi lingid sa ating kaalaman ang nangyayari sa ating lipunan. Kabutihan sa Kapwa Kahit ano pa man ang estado ng ating buhay, hindi ito dapat maging hadlang upang ipakita ang pagiging bukas palad natin sa ating kapwa. Katawan: Istraktura,Nilalaman at Order Ang nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto Mahalagang natutukoy ang mahahalagang inpormasyong Ang istraktura at order ay ang pinakakalansay ng isang teksto. Mahalagang piliing mabuti ang wasto at angkop na istraktura ng teksto depende sa paksa at sa mga detalyeng kaugnay nito. Mahalaga ding maisaayos ang nilalaman sa isang lohikal na order. Tandaan: Sa pag-sulat ng katawan ng teksto, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon o detalyeng kailangan ilahad at talakayin sa katawan? Halimbawa: Kung susulat ng isang tekstong argumentativ, mahalaga na makita ng mambabasa sa katawan ang mga patunay tungkol sa kanyang proposisyon o pinapaniwalaan.( Maaring ito ay estadistika, mga pahayag mula sa mga kilalang tao, mga sipi mula sa ibang aklat o babasahin at iba pa. ) 2. Bakit iyon mahalaga at kailangan? Halimbawa: Sa tekstong deskriptiv, mas nagiging maliwanag ang ideya o kaisipan na nais ipabatid ng isang manunulat kung maayos niyang nailarawan ang kanyang mga detalye hinggil sa tekstong kanyang isinusulat. Sapagkat, sa pamamagitan ng maayos na pagdedetalye, mas madaling nauunawaan ng mambabasa ang isang akdang isinulat. 3. Paano dapat ilahad ang mga impormasyon o detalyeng iyon? Halimbawa: Sa isang tekstong narativ, mas magiging madali ang paglalahad ng pangyayari kung ito ay nakaayos sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod. Wakas:Paglalagom at Kongklusyon Ang wakas ay ang panghuling bahagi ng isang teksto. Mahalgang ito ay makatawag-pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo ng nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa. Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mambabasa na maaring makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananw ukol sa paksang tinalakay o impormasyong natutunan. Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan. Halimbawa: (Isang buod sa Nobelang Ang Mag-anak na Cruz ni B.S Liwayway A. Arceo) Ang Mag-anak na Cruz ay naiiba sa ibang koleksiyon ng mga maikiling katha ng awtor. Bagamat sa kaanyuan ay maikling kuwento ang bawat akda,may patuloy na kasaysayan ang bumubuo sa mag-anak nina Tinoy at Remy Cruz.Ngunit hindi ito karaniwang kasaysayan ng mga Cruz at ng mga taong naging bahagi ng kanilang buhay; ang bawat katha ay kasasalaminan ng ating sarilibilang tao, sa kalahatan; at bilang Pilipino, sa partikular. Ito ang kasaysayan ng bawat isa sa atin,at ng ating bayan at mga mamamayan,pati ng ating mga katangian at kapintasan. Mga Paraan ng Pagwawakas ng Isang Teksto Pag-iiwan ng isang tanong Panghuhula ng maaring mangyari na may kaugnayan sa paksa Panghuhula ng maaaring mangyari na may kaugnayan sa paksa Pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula Paggamit ng kasabihan, sawikain na angkop sa akda Tuwirang sabi o sipi Pagbibigay ng pangungusap na nanghahamon

1.

You might also like