Mahigit 5,000 wika ang sinasalita sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay mayroong di kukulangin sa 180 na wika. Heterogenous ang sitwasyong pangwik sa Pilipinas dahil sa maraming wika ang umiiral dito. Homogenous naman kung iisa lang ang wika na sinasalita Diyalekto - nangngahulugang varayti ng iang wika, hindi naman hiwalay na wika. Hiwalay na wika kapag hindi nagkakaintindihan ang dalawang nag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika MGA KAALAMAN TUNGKOL SA WIKA
Bernakular ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Ito
ay tinatawag ding wikang pangrehiyon. halimbawa: Bisaya Bilingguwalismo ang tawag sa gumagamit ng dalawang wika na may pantay na kahusayan sa pagsasalita. Halimbawa: Filipino at Ingles Multilingguwalismo ang tawag sa higit pa sa dalawa o tatlong wika ang ginagamit sa pagsasalita. Halimbawa: Filipino, Ingles, Tsabakano, Hiligaynon MGA KAALAMAN TUNGKOL SA WIKA Mother Tongue-based (MTB) o Multilinggual Education (MLE) ang tawag sa pagamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar. Halimbawa: Bisaya, Ilonggo, Boholano, Mandaya, Bagobo Unang wika ay tinatawag na “Wikang sinuso” o “Inang wika” dahil ito ang pinakaunang wikang natutuhan ng isang bata. Pangalawang wika naman ang tawag sa iba pang wikang natutuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang unang wika. Halimbawa: Iloilo-Hiligaynon, Cebu-Bisaya WIKANG PAMBANSA Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas na may kontitusyonal na batayan nakasaad sa artikulo XIV, Seksiyon 6 ng konstitusyon ng 1987 (Ang wika Pambansa ng Pilipinas ay Filipino). Ito ang sumisimbolo sa ating pambansang pagkakilanlan, dito masasalamin ang ating kalinangan at kultura. Filipino din bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Filipino at Ingles ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas ngunit ang Filipino ang siyang dapat para magkaroon tayo ng sariling pagkilanlan na di na tayo nanghiram ng salitang banyaga. Ingles ang Lingua Franca ng daigdig sapagkat ito ang wika na ginagamit sa pandaigdigang pangkalakalan.