You are on page 1of 15

ARALING

PANLIPUNAN 7
CECILLE T. DIENTE
UNANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
(1914-1918)
Mga Layunin:
Ang mag-aaral ay inaasahan na:
Kaalaman: natutukoy ang mga
pangyayaring nagbibigay daan sa
pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdaig ng mga bansang Asyano.
Kasanayan: nakagagawa ng talahayanan
na nagpapakita ng mga epekto ng Unang
Digmaang Pandaigdig sa mga bansang
Asyano.
Pandamdamin: napahahalagahan ang
bahaging ginagampanan ng mga digmaan
sa pagtamo ng Kalayaan sa ilalim ng mga
mananakop.
BALIK-ARAL
Panuto: Tingnan ang globo, saang
rehiyon ng Asya matatagpuan ang mga
sumusunod na mga bansa at kontinente:
1. Asya
2. India
3. Saudi Arabia
4. Europa
5. Jordan
GAWAIN
#1:HULAAN
MO
Panuto: Paghahatiin ang klase sa tatlong
grupo. Tukuyin kung ano ang nakikita
ninyo sa mga larawang ito. Isulat sa
papel ang inyong obserbasyon at
ipaliwanag sa klase.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang napapansin mo sa larawan?
2. Kaya mo bang hulaan kung anong
ipinapahiwatig nito?
3. Sa iyong sariling pang-unawa, ano
ang dahilan ng kanilang
ipinapahiwatig?
Pagtalakay ng Paksa: Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918)

• Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914. Ang dahilan ay ang pag-aalyansa ng mga
bansang Europeo upang maisakatuparan ang kani-kanilang interes. Ang Unang alyansa ay ang Central Powers
na binubuo ng Germany, at Austria-Hungary, samantalang ang Allies ay binubuo naman ng France, England at
Russia.

• Isa pa sa mga dahilan ay ang pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand , isang tagapagmana sa trono ng Austria-
Hungary. Siya ay binarily ng isang Serb na nangangalang Gavrilo Princip. Nakasentro man ang digmaan sa
Europa ngunit nakaapekto pa rin ito sa Asya.

• Sa India, nagkaisa ang mga kilusang nasyonalista at pangkalayaan na tumulong sa panig ng mga allies.
Maraming mga Indian ang dinala sa mga labanansa ilalim ng mga opisyal na Ingles. Kasabay nito, nagkaisa
pansamantala ang mga Hindu at mga Muslim na isantabi muna ang hindi nila pagkakasundo dahil hinangadnila
na mabigyan sila ng karapatan na mamahala sa kani-kanilang sarili. Nangunguna si Mohandas K. Gandhi sa
kilusan sa pamamagitan ng mapayapang paraan ayon sa Satyagraha (non-Violence).

• Sa kanlurang Asya naman sa pamamagitang ng bansang Iran, Ang Russia at Great Britain ay nagsagawa ng pag-
atake sa ottoman Empire na kaalyado ng Germany. Sa kabila nito, ang Iran ay walang pinanigan. Ang digmaang
ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian, pagkamatay ng maraming Iranian, at
pagdulot ng pagkagutom. Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iranang nagbibigay daan ng malawakang
pag-aalsa at pagkilos ng mga mamamayanna humiling ng Kalayaan para sa Hilagang Iran noong 1915-1921.
• Taong 1919, hiniling ng Britanya sa Punong Ministro ng Iranna lumagda sa isang kasunduang magbibigay ng
malawak na kapangyarihan sa pagkontrol ng ekonomiya, politika, pangmilitar sa bansang Iran na magbibigay-daan
sa pagiging ganap na protektadong bansa ng Britanya. Ang pangyayaring ito, ang nagbigay-daan upang magalit ang
mga pangkat ng nasyonalista sa Iran. Sa pamamagitan ng pagbatikos sa kasunduang ito sa mga pahayagan at pag-
aalsa ay napigilan ang nasabing kasunduan noong 1926. Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles,
France kasunod ing isang kasunduan na tinawag na Treaty of Versailles na naghuhudyat sa pormal na pagtatapos
ng digmaan.

Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya

1. Natalo ang Central Powers sa digmaan at isinagawa ang pagpupulong sa Versailles, France. Kasunod nito ay
nagkaroon ng kasunduan na tinatawag na Treaty of Versailles na hudyat ng pagtatapos ng digmaan.
2. Natuklasan ang mina ng langis sa Kanlurang Asya noong 191, na nagging daan upang maging interesado ang mga
kanluraning bansa nanaging dahilan ng pagkakatatag ng sistemang mandato.
3. Ibinigay sa bansang Pransya (France) ang mandato para sa Syria at Lebanon at ang Palestina (Palstine) naman ay
napasakamay ng mandato ng mga Ingles.
4. Ang mga local na pamamahala ay nanatili pa rin sa mga bansang ito ngunitang aspektong pang-ekonomiya ay
pinamamahalaan ng mga dayuhan.
5. Nananatiling Malaya ang ibang mga bansa sa Kanlurang Asya ngunit hindi pa rin nakaligtas sa kontrolng mga
kanluraning bansa katulad ng Saudi Arabia na pinamumunuan ni Haring Iban Saud, habang lahat ng kompanyang
naglilinangng langis ay pag-aari naman ng mga dayuhan.
6. Ipinalabas ang Balfour Decleration noong 1917 ng mga Ingles kung saan nakasaad naang Palestina ay
bubuksan para sa mga Jew at Israelite upang maging kanilang tahanan (homeland). Naging dahilan ito ng
hindi pagkakaunawaan ng mga Muslim at Jew na noo’y nagsimula nang magsibalik sa Kanlurang Asya
mula sa Europa.

Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Timog Asya

7. Lumakas ang kilusang nasyonalismo sa bansang India na nagging daan upangmagkaisa ang mga Hindu at
Muslim.
8. Sa pamumuno ni Mohandas K. Gandhi ang mapayapang paraan ay nagkaroon ng malawakang welga,
demostasyon, boykot at hindi pagsunod sa mga kautusan ng mga Ingles sa bansa na nagging dahilanna
bigyan ng awtonomiya ang pamahalaan ng India.
GAWAIN #2 :
BREAK THE
CODE
Panuto: Upang masagutan ang mga salitang
hinihingi sa bawat bilang, gamit ang mga
sumusunod na code na ibibigay ni titser,
paghatiin ang grupo sa dalawang pangkat.
1. 3-5-14-20-18-1-2-16-15-23-5-18-19
(binubuo ng Germany atAustria- Hungary)
2. 1-12-12-9-5-19
(binubuo ng France, England at Russia)
3. 15-20-20-15-13-1-14-5-13-16-9-18-5)
(kaalyado ng Germany)
4. 18-1-14-5-13-16-9-18-5
(bansang kaalyado ng Russia at Great
Britain)
5. 1-12-25-1-14-19-1
(pagkakampihan ng mga basa)
GAWAIN #3:
HATULAN MO
AT
PAGPAPASIYA
HAN
Panuto: Unawain ang pangungusap sa
bawat bilang. Iguhit sa sagutan papel ang
malungkot na emoticon kung
nagpapahayag ng dahilan ng pagsiklab ng
digmaan at masayang emoticon naman
kung hindi.
1. Pagpatay kay Archduke Franz
Ferdinand
2. Pagtatag ng sistemang mandato
3. Paglaya ng India sa ilalim ng Ingles.
4. Pag-alyansa ng mga Europeo
5. Treaty of Versailles
GAWAIN #4:
THE BEST ME
ISLOGAN KO PARA SA BAYAN
Unang Pangkat: Gumawa ng islogan na
nagpahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa
mga kaguluhan at digmaan sa daigdig. Isulat
ito sa graphic organizer at iapaliwanag sa
klaae ang iyong napiling slogan.
Rubriks sa pagmamarka:
Content- ang mensahe ay mabisang
naipakita- 5 puntos
Creativity- napakaganda at napakalinaw ng
mga titik- 5 puntos
Relevance- may malaking kaugnayan sa
paksa ng slogan
PANGALAWAN
G
PANGKAT:STO
RY MAP
Panuto: Gamiting gabay ang kasunod na story map
upang masuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng
Unang Digmaang Pandaigdig.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mga bansa ang nanguna sa Unang
Digmaaang pandaigdig?
2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinaka
mainit na labanan?
3. Ipaliwanag ang daloy ng pangyayari mula sa
simula, kasukdula at wakas ng Unang digmaang
pandaigdig.
4. Paano na apekto ang digmaang ito sa mundo?
Rubriks ng pagmamarka:
Accuracy- naipaliwang ng maayos ang buong
pangyayari- 5 puntos
Creativity- napakaganda at napakalinaw ng
pagkasulat ng mga titik- 5 puntos
Presentation- lahat ng miyembro ay sumali sa
pagpresenta ng aralin- 5 puntos
PAGLALAHAT
NG ARALIN
1. Sino ang makapagbabahagi ng
kanyang natutunan patungkol sa
Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Sa iyong palagay, lahat ba ng
rehiyon ng bansa ay nagkakaisa para
wakasan ang unang digmaan?
3. Maliban sa asignaturang ito, saan pa
kayang asignatura maaaring iugnay
ang usapin tungkol sa Unang
Digmaang Pandaigdig?
Pagtataya ng Aralin:

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang paneling letra sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?


a. Kasunduang Versailles b. Pagkatalo ng Central Powers
c. Pag-atake ng Imperyong Ottoman d. Pag-aalyansa ng mga bansang Europeo
2. Ang sumusunod ay epekto ng Unang Digmaang pandaigdig maliban sa:
a. Pagkakasundo ng Jew at Muslim b. Pagpalabas ng Balfour Decleration
c. Paglaya ng India sa kamay ng mga Ingles d. Paggamit ni Mohandas K. Gandhi sa mapayapang paraan sa
paghingi ng Kalayaan
3. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa Alyansang Central Powers?
a. France, England at Russia b. England, Austira at Russia
c. Germany, Austria-Hungary d. Germany, England at France
4. Kung ikaw ay nabubuhay noong Unang Digmaang Pandaigdig, ano ang iyong gagawin upang mapigilan ang muling
pagsiklab ng digmaan?
a. Pagtalima sa non-violence o ahimsa b. Makipag-alyansa sa Germany, Italy at Japan
c. Pagdeklara ng pagiging neutral na walang kinikilingan
d. Pagkakaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa mga bansa
5. Kung sakaling maganap ang digmaan, paano ito makaapekto sa ating bansa?
a. Magkaroon ng malawakang kalakalan
b. Matigil ang pagsulong ng ating ekonomiya
c. Makakamit ang pandaigdigang pagkakaisa
d. Malaking kita mula sa pagbebenta ng mga armas at sandata
TAKDANG
ARALIN
Magsaliksik patungkol sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig para sa susunod na
aralin.

You might also like