You are on page 1of 21

Dalumat ng/sa

Wikang
Ano ang Sawikaan?
• Isang masinsinang talakayan para piliin
ang pinakanatatanging salitang
namayani sa diskurso ng sambayanang
Filipino sa nakalipas na taon
Ano ang mga salitang maaaring
ituring na “Salita ng Taon”?
• Bagong imbento
• Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang
wika
• Luma ngunit may bagong kahulugan
• Patáy na salitâng muling binuhay
SAWIKAAN
• Ang Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT)
• Sentro ng Wikang Filipino UP Diliman (SWF)
• Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA),
• Kolehiyo ng Arte at Literatura UP Diliman (KAL),
• Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon (CHED),
Komisyon ng Wikang Filipino
• Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha ng Batas
Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) na iniaatas ng Saligang
Batas ng Pilipinas, na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod
ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga katutubong wika
ng Pilipinas.
Komisyon ng Wikang Filipino

• Ang lahad na misyon ng KWF ay magbalangkas, may-ugnay,


at magpatupad ng mga programa at proyekto sa pananaliksik
upang higit pang mapabilis ang pagsulong at pagbulas ng
wikang Filipino bilang midyum ng pangkalahatang talastasan
at gayundin ng mga layuning intelektwal.
Komisyon ng Wikang Filipino
• Hangarin ng KWF na paunlarin ang Filipino bilang isang
modernong wikang magagamit na mabisang kasangkapan sa
kabuuan ng pambansang pagpapaunlad. Ngunit, sang-ayon sa
pagsusuri ng iba, tila inutil ang komisyon sapagkat hindi nito
nagagawa ang kanyang tungkulin dahil sa kakulangan ng pondo at
sa umaalingawngaw na umano'y katiwalian. Ang bunga nito ay
ang Filipino bilang isang wikang kinukunsidera pa ring Tagalog at
mahina sa bokabularyong teknikal at pang-agham.
Filipinas Institute of Translation
sinikap tipunin ng organisasyong Filipinas Institute of Translation
(FIT) sa nakalipas na dekada ang mga salitang nangibabaw sa mga
diskurso, debate, o sa mga simpleng "ma-boteng usapan" sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Sawikaan:
Salita ng Taon” kung saan pumipili ang mga eksperto ng
mga itatanghal na “Salita ng Taon.”
“UKAY-UKAY”
Salitang Sebwano ang “ukay-ukay” na iniuugnay sa “hukay” ng mga Tagalog, at
“wagwag” ng mga taga-Norte. Tumutukoy ito sa mga segunda-manong damit na
nabibili sa mas murang halaga. Batay sa saliksik ni Narvaez, nagmula ito sa
“underground” na kalakaran sa Bureau of Customs noong dekada 60 sa Baguio at
Cebu. Naisip umano ng ilang mahilig magnegosyo na magbenta ng mga segunda-
manong damit na nakolekta sa mga Filipino na nása ibang bansa.
“Nailulusot ito sa Customs nang walang taripa dahil hindi idinedeklarang
paninda,” ayon kay Narvaez.
Naging popular umano ang “ukay-ukay” dahil bago sa karanasang Filipino noong
ang pagbili ng mga segunda-manong produkto, na senyalesng kahirapan ng buhay.
“BOSSING”
Nagmula ang salitang ito sa Ingles na “boss” (amo sa tagalog), at naging
popular naman dahil kay Vic Sotto na gumaganap bilang padre de pamilya at
amo sa lumang sitcom na “Okay Ka, Fairy Ko.”
Batay sa saliksik ni Narvaez, lumawak ang gamit ng “bossing” mula sa opisina
at TV hanggang sa mga tahanan, sa kalye, sa politika, at sa midya.
Nagagamit ang bossing para tumukoy sa misis (na tinutukoy ring kumander), sa
isang taong hinihingian ng pabor (boss, pasuyo naman ng bayad), at kamakailan
ay ginamit pa ito ni Pangulong Benigno Aquino III para tumukoy sa taumbayan.
Ang dating tawag sa isang superyor na tao ay siya ring bansag upang basagin
ang pagitan ng relasyong amo-tauhan, at mataas-mababà.”
“UNLI”
Naging popular ang “unli,” pinaikling unlimited, dahil sa mga promo ng load
sa mga cellphone.
Pero kalaunan, tumawid na ang kahulugan nito mula sa load papunta sa
pagkain, particular na sa kanin.
Batay sa saliksik ni Narvaez, “ang hilig ng Pinoy sa ‘unli’ ay repleksiyon
umano sa tunay na kalagayan ng pamumuhay ng mga Filipino na nag-
aakalang nakatitipid dahil sa pagiging walang-hanggan ng produktong
binibili.”
Patuloy na nagagamit sa ibang konteksto ang “unli” na nagagamit pantukoy
sa hindi matapos-tapos na ulan, sa hindi maubos-ubos na kuwento o sa hindi
masugpo-sugpong katiwalian sa gobyerno.
“PEG”

Tulad ng “unli,” iniluwal din ng teknolohiya ang salitang


peg napakarami umanong kahulugan sa Ingles.
Subalit sa kontekstong Filipino, karaniwang tumutukoy
ito sa isang ginagayang (pine-peg) na tao o bagay.
Batay sa saliksik ni Narvaez, hindi lang simpleng
ekspresyon ang peg kundi isang pagpapakita ng pagnanais
na lumaya sa kanya-kanyang konsepto ng pagkabilanggo
ng isang Filipino.
Salita ng Taon 2018
• “tokhang” halaw sa pinagtiyap na mga salitang Binisaya na toktok
(katok) at hangyo (pakiusap) – ang mukha ng giyera kontra-droga ng
rehimeng Duterte.
• Ipinasa ni Mark Angeles – mula sa 11 salita na lumahok
• Ikalawa ang “fake news” ni Danilo Arao
• Ikatlo ang “dengvaxia” ni Ralph Fonte at Ari Santiago

You might also like