pangungusap. 1. Pangarap ni Mara na makatapos ng kolehiyo at pinatunayan niya ito. 2. Ayon sa balita, ang kanyang research adviser ay si G. Paul Tan. 3. Mula pa noon, nagpamalas na siya ng hilig sa pagtatanim ng palay. 4. May iba pang naghandog ng kanyang ambag. 5. Narinig ba ninyo ang balitang ito? Tukuyin ang panghalip na pamatlig sa mga pangungusap. 1. Huwag kang dumaan diyan at baka matinik ka. 2. Bakit kaya nawala iyon? 3. Jenny, dito ka pumwesto. Daraanan ito ng parada. 4. Ate Jenny, diyan ako sa tabi mo. 5. Halika rito, Fiona, nang makatanaw kang mabuti. WIKA Kopyahin at sagutan sa kwaderno. Bilugan ang panghalip na pamatlig sa mga pangungusap. 1. Hayun ang punong hitik na hitik sa bunga. 2. Ganoon din kataas ang katabing puno. 3. Kailangang makita natin dito ang nawawala kong singsing. 4. Iyan ang talagang pangmatagalang sapatos. 5. Ay, heto na pala ang resibo ng ilaw. 6. Ayun ang tinderang kausap ko kanina. 7. Ire na lang ang hiramin mo. 8. Dalhan mo raw nito ang bawat bisita. Salungguhitan ang panghalip na panao sa pangungusap. 1. Nabasa mo ba ang balita tungkol sa bagyo? 2-3. Lumakas ang loob ko na lalong pagbutihin ang aking pag-aaral. 4-5. Kung bawat isa sa inyo ay may tatag ng loob tulad ng estudyanteng ito, tiyak na kayo ay magtatagumpay rin. 6-7. Ikaw, nasubok mo na bang magpasaya para sa isang suliranin.