You are on page 1of 8

Paggamit ng Bantas

Mga Bantas

1. Kuwit ,
2. Tutuldok o Kolon :
3. Gitling -
4. Panipi “”
kuwit ,
• Pagsulat ng kumpletong address
– kalye, bayan, lungsod, lalawigan, bansa
>Watson Building, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel,
Manila
>1106 Sampaguita Street, Employees Village, Barangay
Gulang-Gulang, Lucena City
Isulat ng tama.
1. 70 Quezon Avenue Barangay Gulang-Gulang
Lucena City
2. 1254 PNR Compound Barangay Cotta Lucena City
Quezon Province Philippines
kuwit ,
• Dulo ng bating panimula at bating pangwakas
ng liham pangkaibigan
Mahal kong Adrian,
Nagmamahal,
Angela
• Pagsulat ng kumpletong petsa
Enero 16, 2020
Setyembre 15, 1521
• Pagsulat ng buong pangalan kapag nauuna ang
apelyido sa pangalan
Cruz, Juancho B. at Rellesiva, Trixie Anne M.
tutuldok o kolon :
• Hulihan ng bating pambungad ng liham-
pangalakal
– Mahal na Punong Ministro:
– Mahal na Punong-Guro:
• Pagsulat ng oras
– 9:15 ng umaga at 5:30 ng hapon
• Paghihiwalay ng lugar na pinaglathalaan a ng
tagapaglathala o publisista
– Dayag, Alma G. Pinagyamang Pluma 4. Quezon
City: Phoenix Publishing House, Inc., 2016
gitling -
• Pag-uulit ng mga salita
– isa-isa, iba-iba, araw-araw
• Ang panlapi ay nagtatapos sa katinig at ang
salitang nilalapian ay nagtatapos sa patinig
– mag-ina, mag-ani, nag-usap, makapag-isa
• Kapag ang nilalapian ay pangngalang pantangi
– maka-Filipino, maka-Diyos, mag-Internet
panipi “ “
• Kulungin ang sinasabi ng nagsasalita
– “Umalis ka sa pamamahay ko!” sigaw ni Tina.
• Kulungin ang pamagat ng isang artikulo o
kwentong hango sa katipunan
– Isa sa mga kwentong nakapaloob sa Umaga sa
Dapithapon at iba pang akda ni Simon P. Bisa ay
ang “Ulan”.

You might also like