You are on page 1of 32

ANG KAPALIGIRAN

AT ANG
KALAGAYAN NG
MGA LIKAS NA
YAMAN NG
PILIPINAS
Mga Gabay Na Tanong:

1. Anong uri ng panahon ang karaniwan


mong nararanasan?

2. Katulad pa ba noong dati ang klima sa


Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Tumutukoy ang salitang kapaligiran sa mga elemento at
kondisyon kung saan ang mga may buhay kasama na ang
mga tao, hayop, halaman, at mga organismo, ay nakatira,
nag-uugnayan, at magkasamang namumuhay.
MGA
MGA
ELEMENTO
ELEMENTO
NG
NG
Panahon o weather
- Ay ang kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa maikling
oras.
- Nagiiba-iba rin ang panahon sa iba’t ibang lugar ng ating
bansa. Ito ay dahil sa uri ng topograpiya ng lugar.

Dalawang uri ng - Tag-ulan


pangkalahatang klima
- Tag-araw
sa ating bansa
Klima
- Ay ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera
sa isang lugar sa mahabang panahon.
- Magkakatulad ang klima sa isang lugar taon-taon.
Ngunit sa ngayon nakararanas na tayo ng ilang
pagbabago. Itinuturing na tropical ang klima sa
ating bansa.
Iba’t ibang Uri ng Klima sa Daigdig

- Tag-init

- Tagsibol

- Taglagas

- Taglamig
MGA ANYONG
-LUPA
ANO ANG ANYONG
LUPA?
MGA ANYONG-
LUPA

Ang anyong-lupa ay natural na katangian ng ibabaw ng Daigdig.Ang


paggalaw sa ilalim ng lupa ayon sa tectonic plate theory ang dahilan ng
pagkabuo ng mga anyong-lupa sa katagalan ng panahon. Ang mga
katangiang pangheograpiyang ito ang nakaaapekto sa
kapaligiran,klima,panahon, at buhay sa daigdig.
Malalaking Anyong-Lupa

1. Bundok
Pinakamataas na anyong-lupa sa ibabaw ng
Daigdig.Matarik ang mga dalisdis at may
Matulis na tuktok.

Mount. Everest
- Pinakamataas na bundok sa Daigdig
Apat na uri ng bundok

a. Bulkaniko

b. Fold

c. Fault-block

d. Dome
Bulkaniko
Nabubuo ito kapag ang magma o
tunaw na bato na galing sa ilalim
ng daigdig ay umaakyat,
sumasabog, at namumuo sa
ibabaw.
Halimbawa:
Bundok Pinatubo sa Mauna Kea sa
Pilipinas Hawaii
Fold
Ito ang karaniwang uri ng bundok. Ang mahahabang
kabundukang umaabot sa libong kilometro ay mga bundok na
epekto ng fold. Nabubuo ito sa pag-uumpugan ng dalawang
tectonic plate sa ilalim ng lupa. Ang tabi ng bawat tectonic
plate ay napupuwersang umumbok at dito nabubuo ang mga
bundok.
Halimbawa:
Sierra Madre - Pilipinas Himalayas – Timog Asia
Fault-block
Nabubuo ito kung ang mga fault at siwang sa
ibabaw ng daigdig ang dahilan ng pagtaas. Ang
mga bundok na tulad nito ay may matarik na
harapan at pahilig na likuran.
Halimbawa:
Bundok ng Sierra Nevada
Dome
Nabubuo ito kapag maraming
magma ang pumapaitaas mula
sa ilalim ng lupa ngunit hindi
umaabot sa pinakaibabaw. Halimbawa:
Nawawala ang init ng magma at
ang natitira sa malapit sa Black Hills sa
ibabaw ay nakabubuo ng South Dakota
korteng parang bubong.
2. Burol
Mas mababa kaysa bundok ang mga burol ngunit mas
mataas pa rin kung ihahambing sa ibang lupang nasa
paligid. Karaniwan itong tinutubuan ng damo. Hindi
masyadong mainit o malamig ang klima rito kaya
angkop ito sa mga halaman.

Chocolate Hills - Bohol


3. Lambak
Ang lambak ay mababang lugar sa pagitan ng mga bundok o burol.
Nabubuo ito kapag ang tubig ng ilog ay dumadaloy pababa mula sa
kabundukan. Sa pag-agos, nadadala ng tubig ang mga bato at lupa
at nakabubuo ng daanan na may anyong titik V. Sa pagdaan ng
panahon, lumalalim ito at luma;apad hanggang makabuo ng
mabababang lambak. Maaring ito ay may hugis na V o U ayon sa
paaglalim at paglapad ng mababang lugar.
4. Talampas
Ang talampas ay isang bundok na may patag na
ibabaw. Matarik ang mga gilid nito na tinatawag na
bangin (cliff). Nabubuo ito kapag pumaitaas ang
magma ngunit hindi umaabot sa ibabaw. Dahil dito,
napupuwersa paitaas ang lupa ngunit hindi sumasabog
sa ibabaw.
5. Kapatagan

Mababa at patag na lupa ang mga kapatagan. Ang mga


bahaging nasa tabing-dagat ay tinatawag na baybaying
kapatagan. Ang ilang kapatagan ay nabubuo dahil sa pag-apaw
ng mga ilog at tinatawag itong kapatagan o lambak ng ilog
(river vally).
6. Pulo
Ang pulo ay lupang
napaliligiran ng tubig at nabuo
maaaring sa pamamagitan ng
pagputok ng bulkan o dahil sa
maiinit na bahagi ng
lithosphere. Ang mga pulong
magkakalapit ay bumubuo ng
isang kapuluan o archipelago
gaya ng Pilipinas.
7. Disyerto

Ang disyerto ay lupang malawak, tuyo, at mainit o halos


walang ulan sa buong taon. Kakaunti ang halaman dito
dahil sa kakulangan ng tubig
May dalawang uri ng disyerto:

Mainit na disyerto
Natatakpan ito ng buhangin at alikabok. Wala o
sobrang kaunti ang ulan. Tuyong-tuyo ito.

Malamig na disyerto
Ito ang mga disyerto na natatakpan ng niyebe. Wala
o sobrang kaunti ang ulan ngunit may niyebe
tuwing taglamig.
Malalaking Anyong-Tubig
ANO ANG ANYONG
TUBIG?
Ang tubig ay isang yamang hindi masyadong
binibigyang-pansin ng mga tao. Ngunit, sa katotohanan
kung walang malinis na tubig, hindi tayo mabubuhay.
Kailangan din ito para sa mga halaman.
1. Karagatan
- Ang pinakamalaking anyong-tubig. Maalat ang tubig
dito at ang ibang bahagi ay napakalalim. Ang malalaking
barko ay naglalayag sa mga karagatan sa pagitan ng mga
kontinente.

Arktiko Atlantiko

Katimugang Karagatan
Indian Pasipiko o Southern Ocean
2. Dagat
- maalat na anyong tubig ngunit mas
maliit kaysa karagatan. Maraming isda
at iba pang organismo ang nakatira sa
dagat. Sa Pilipinas, karamihan ng ating
mga lamang-dagat ay galing sa Dagat
Pilipinas (Philippine Sea) at sa Dagat
Kanlurang Pilipinas (West Philippine
Sea).
3. Look
- anyong-tubig na halos napaliligiran ng lupa maliban
sa kaunting karugtong ng dagat. Ginagamit ito bilang
daungan o piyer para sa mga sasakyang-pandagat na
nagdadala ng mga pasahero at produkto sa iba’t ibang
bahagi ng Pilipinas.

Manila Bay Subic Bay


4. Lawa

- anyong-tubig na napaliligiran ng
lupa. Tabang ang tubig dito. Sa
lawa magandang mamingwit,
mamangka, at lumangoy.
Laguna de Bay
Lawa ng Lanao
Lawa ng Taal
5. Ilog
-anyong-tubig na nabubuo kapag
ang tubig ay dumadaloy mula sa
mataas na lugar papunta sa dagat o
karagatan.
Ilog Cagayan Ilog Agusan
Ilog Mindanao Ilog Pulangi
Ilog Pampanga
EN
D

You might also like