You are on page 1of 9

KASAL-SAKAL:

ALITANG
MAG-ASAWA
BALBA, MA. FRANCILIA; CASTRONUEVO EVA
PAMILYA
- Maliit na yunit ng lipunan
- (1987 Phil. Const. Art. XV sec. 1)
“Ang mga Filipino ay kilala sa pagbibigay ng halaga at pag-aaruga sa
kanilang pamilya. Ang mga Filipino ay nagbibigay ng malaking
pagpapahalaga sa oras para sa pamilya, mula sa taunang
pagsasama-sama at pagtitipon ng pamilya sa mga pagdidiriwang pati
na rin ang mga simpleng salu-salo sa hapag kainan.
Ngunit bago ang lahat, ang pamilya ay nagsisimula sa dalawang
taong pinagbuklod ng kasal, kung saan ang dalawang tao ay nagiging
isa. Subalit, katulad ng karaniwang mga relasyon, dahil sa mga
pagkakaiba, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan
ng mag-asawa, at kapag hindi ito naayos, tumataas ang pagkakaroon
ng alitan ng mag-asawa.”
(Saito, Imamura, Miyagi, 2010)
ALITANG MAG-ASAWA
“Ang mga tao ay sadyang hindi magkakapareho,
ang bawat tao ay may natatanging katangian na
nagpapaiba sa bawat isa. May sariling paniniwala,
hilig, at mga bagay na hindi gusto, at ang mga ito
ang pinagmumulan ng mga alitan sa relasyon. Sa
lahat ng bagay hindi maiiwasan ang alitan, maaari
magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga
magkapitbahay, magkapatid, magkaibigan,
magkasintahan at lalo na sa mga mag-asawa.”
(Mccoy, Cummings, at Davies, 2009)
ALITANG MAG-ASAWA AT
ECONOMIC PRESSURE
-Natuklasan nina Hardie at Lucas (2010),
na ang mga kadahilanang pang-
ekonomiya na ito ay important predictors
ng alitan sa parehong kasal at mga
cohabiting couples at ang economic
pressure ay may kinalaman sa mas
maraming alitang mag-asawa at
cohabiting couples
MADALAS NA
NAGIGING ALITAN
1. Alitang Mag-Asawa at
Komunikasyon
2. Alitang Mag-Asawa at
Pagpapalaki ng anak
3. Pagiging Relihiyoso ng Mag-
asawa
ALITANG MAG-ASAWA AT
KOMUNIKASYON
- Sa isang pag-aaral na
ginawa nina Tavakolizadeh
et al. (2015), na may
kalahok na 60 na kasal na
kababaihan, lumabas sa
resulta na kung ikukumpara
sa control group, ang
pagsasanay sa kakayahan
sa komunikasyon ay
nagdulot sa pagbaba sa
alitang mag-asawa sa isang
case group.
ALITANG MAG-ASAWA AT
PAGPAPALAKI NG ANAK
Doyle & Markiewickz (2005)
“Mababang pagpapahalaga sa
sarili at ang more externalizing
symptoms ay konektado sa
parental warmth”
Du et al. (2007)
“Ang emosyonal na seguridad
ng mga bata sa konteksto ng
mga partikyular na marital
conflict styles ay may kinalaman
sa pagitan ng marital conflicts at
child adjustment problems”
PAGIGING RELIHIYOSO
NG MAG-ASAWA
Lambert at Dollahite (2006),
isinaad ng mga mag-asawang
kalahok na ang pagiging
relihiyoso ay nakakaapekto sa
mga hindi pagkakasunduan sa
kasal sa tatlong bahagi ng
conflict process:
(a) problem prevention,
(b) conflict resolution, at
(c) relationship reconciliation.
GAWAIN:
GRUPO:
1. KAILANGAN NA BANG IPATUPAD ANG
DIBORSYO SA PILIPINAS?
2. SINO ANG KADALASANG NAGKAKAMALI
AT KAILANGANG SISIHIN PAGDATING SA
PAGDEDESISYON: LALAKI O BABAE?
3. SANG-AYON BA KAYO NA ANG PAMILYA
AY NAKAKUBLI SA KONSEPTO NA MAY
INA, AMA AT ANAK?

You might also like