You are on page 1of 5

MGA

BENEPISYO NG
PAGSASAYAW
Ang sayaw ay isang ritmong paggalaw ng katawan sa saliw ng
musika. Ito rin ay isang epektibong paraan upang malikhaing
maipakita, maipahatid, at maiparamdam ang emosyon, damdamin,
at kaisipan. Napararating din ng sayaw ang isang makabuluhang
mensahe.
Bukod dito, marami pang magagandang dulot ang pagsasayaw
para sa isang indibidwal. Nariyan ang mga benepisyo sa kalusugan
at magagandang asal at pakikipagkapwa na tinuturo nito.
Sa araling ito, iisa-isahin ang mga mabubuti at magagandang
naidudulot ng pagsasayaw. Kabilang dito ang mga nabanggit na
benepisyong pangkalusugan at mahahalagang aral sa tamang pag-
uugali at pakikitungo sa iba.
Mahalagang bahagi rin ng araling ito ang pagtalakay sa mga
panuntunang pangkaligtasan na dapat tandaan at sundin. Ang
mga ito ay mahalaga upang makaiwas sa pananakit ng katawan at
aksidente.
MABUTING DULOT NG SAYAW
Sa pagsasayaw, nagtatanghal ang mananayaw ng iba’t ibang galaw ng
katawan. Dahil dito, maituturing na isang pisikal na aktibidad ang pagsasayaw.
Ang pagsasayaw ay isa sa mga aktibidad na nirekumendang gawin nang
tatlo hanggang limang beses sa isang linggo sa Philippine Physical Activity
Pyramid.
Maraming mabuting dulot ang pagsasayaw sa ating kalusugan. Ilan sa mga
mabuting dulot ng pagsasayaw ay ang mga sumusunod:
• Cardiovascular endurance
• Pagpapabuti ng stamina
• Pagpapanatili ng tamang timbang

Ang pagsasayaw ay nakatutulong din sa balanse at koordinasyon ng


katawan. Mas maiintindihan mo ang gamit ng iba’t ibang parte ng iyong
katawan tuwing ikaw ay sumasayaw. Nakatutulong din sa pagkakaroon ng
magandang postura ang pagsasayaw.
MAGAGANDANG ASAL AT PAKIKISAMA
Ang sayaw ay hindi lang nagbibigay benepisyong
pangkalusugan. Nagtuturo rin ito ng tamang asal at
pakikisama sa kapwa. Ang pagsasayaw ay kadalasang
ginagawa kasama ng isang kapareha o isang pangkat. Sa
gayon, matututunan mo ang mga magagandang asal tulad
ng teamwork, kooperasyon, at respeto sa ibang tao.
Magkakaroon ka rin ng pagpapahalaga sa pinapakitang sipag
at tiyaga ng iyong kapareha o kapangkat.
Naisasabuhay din ng mga mananayaw ang mga asal
tulad ng disiplina at sakripisyo. Gaya ng mga atleta, ang mga
propesiyonal na mananayaw ay kailangang mag-ensayo nang
ilang oras bawat araw upang maging magaling sa kanilang
kasanayan. May mga bagay silang pinagpapaliban para mas
matutukan ang kanilang pagsasayaw.
MANATILING LIGTAS
Gaya ng iba pang pisikal na aktibidad, kailangang sundin ang mga
panuntunang pangkaligtasan habang sumasayaw upang maiwasan ang
aksidente.
Tandaan ang sumusunod:
1. Suotin ang tamang kasuotan gaya ng jogging pants, leggings, jazz pants,
at komportableng
shirt upang makagalaw nang malaya.
2. Siguraduhing may suot na tamang sapatos gaya ng rubber shoes o
dancing shoes. May ilang sayaw na tinatanghal nang walang sapin sa paa.
Tiyaking walang kalat ang sahig.
3. Magsimula sa isang warm up at stretching excerscies. Nakatutulong itong
ihanda ang iyong katawan at muscle para sa aktibidad. Huwag kalimutang gawin
ang cool down exercise pagkatapos ng aktibidad upang ma-relax at makalma
ang iyong katawan.
4. Siguraduhing ang lugar ng pagtatanghal ay malawak at walang
nakasasagabal na bagay na maaaring magdulot ng pahamak sa mga mananayaw.

You might also like