You are on page 1of 20

HOMOGENOUS

na Kalikasan ng

WIKA
Ano ang WIKA?
• Midyum ng pakikipagtalastasan.
• Ginagamit ito upang epektibong
makapahayag ng damdamin at kaisipan.
• Kakambal ng wika ang kulturang
pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin
ang papel na ginagampanan ng wika sa
pagpapalaganap at pagpapayabong ng
kulturang pinanggalingan.
Alam mo ba?
 Mahigit 100 wika ang ginagamit sa 17 rehiyon
sa Pilipinas.
 Bawat wika ay may kani-kanyang katangian.
 Bilang behikulong ginagamit upang
magkaunawaan ang mga tao, nagtataglay ang
mga wikang ito ng mga pagkakatulad.

HOMOGENOUS
Ano ang Homogenous?
HOMOGENOUS
• Galing sa salitang Homo na ang ibig
sabihin ay “pagkakatulad”.

• Ang ibig sabihin naman ng Genous ay


“uri o lahi”
Balangkas ng WIKA
• Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito
ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (Ponema)
na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang
sikwens ay makalilikha ng mga salita (Morpema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (Semantiks)
upang makabuo ng mga pangungusap. Ang
pangungusap ay may istraktyur (Sintaks) na
nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit
ng wika.
Wika: Isang sistemang balangkas.
• Ponema- ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng
makabuluhang tunog na binibigkas sa isang wika.

• Ponolohiya

• 2 uri ng Ponema.
• Ponemang Segmental
• Ponemang Suprasegmental
Ponemang Segmental
• Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba
ang kahulugan nito sa sandaling alisin o
palitan ito.

Ponemang Suprasegmental
• Ang diin, lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng
tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang
binibigkas.
• Morpema- ang tawag sa makabuluhang yunit ng
salita na nabuo mula sa mga tunog.

• Panlapi: ma-, -an, mag-, -in, -um-, -han


• Salitang Ugat: bato, lakas, bayan, likas

• Katauhan o pagkakakilanlan

• Unlapi; Gitlapi; Hulapi

• Morpolohiya
• Ang wika ay isang masistemang balangkas
sapagkat pinagsasama-sama at isinasaayos ang
mga salita upang makabuo ng pangungusap. Ang
pagsasaayos na ito na nagtatakda ng mensahe ng
pangungusap ay tinatawag na Sintaks
• Simuno at Panaguri
• Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa/simuno sa
panaguri at posible namang pagbaligtaran ito.
Samantalang sa Ingles laging nauuna ang
paksa/simuno.
• Sintaksis
Wika: Arbitraryo at Dinamiko
Arbitraryo ang wika
• Ang wika ay natututuhan sa lipunan, kung
kaya kinakailangang makipag-ugnayan sa
kapwa upang mapag-aralan ang paggamit sa
isang wika.
• Ang wika ay pinagkakasunduan.
Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita
ang mga gumagamit nito kung kaya
masasabing arbitraryo ang wika.
Dinamiko ang Wika
• Ang wika ay patuloy na nagbabago at
umuunlad. Mayroong mga salitang nagbabago
ang kahulugan o nagkakaroon ng dagdag na
kahulugan sa paglipas ng panahon.
• Ang wika ay patuloy na nagbabago at
umuunlad. Mayroong mga salitang nagbabago
ang kahulugan o nakakaroon ng dagdag na
kahulugan sa paglipas ng panahon.
• Nanghihiram din tayo ng salitang dayuhan at
nagbibigay ng sariling kahulugan dito.
Bahagi ng Kultura ang Wika
o
May Sariling Kakaniyahan ang Wika
Bahagi ng Kultura ang Wika
• Sinasalamin ng wika ang kulturang pinagmulan nito.
Halimbawa: Sa wikang Arabe ay mayroong iba’t
ibang katawagan para sa mga uri ng kamelyo. Ang
mga salitang ito at wala sa ating wika dahil hindi
bahagi ng kulturang pilipino ang paggamit ng mga
kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin sa Filipino
ang mga salitang Arabe para sa salitang kamelyo
dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating
wika.
May Sariling Kakaniyahan ang Wika

• Ang lahat ng wika ay may natatanging


palatunugang panggramatika.
Halimbawa: Ang wikang Nihonggo ay
sumusunod sa eskrukturang “paksa-layon ng
pandiwa-pandiwa” samantalang ang Ingles ay
“paksa-pandiwa-layon ng pandiwa.”
Mahahalagang Kaalaman
• Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad. Ito
ay tinatawag na Homogenous na kalikasan ng wika
• Ang wika ay may mga homogenous na kalikasan:
Isang masistemang balangkas. Arbitraryo,
Dinamiko, Bahago ng Kultura, at May Sariling
Kakayahan.
• Sa kabila ng pagiging Arbitraryo at Dinamiko ng
wika ay mababakas pa rin ang likas na pagkakatulad
ng wika.
SA
SALAMAT PAKIKINIG!
PO

You might also like