You are on page 1of 60

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Probinsya ng Sorsogon
Immaculate Conception Academy of Bulan Inc.
Bulan, Sorsogon

EPEKTO NG MODYULAR NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO


SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL  

SA IKA-12 BAITANG (GENERAL


Sulating Pananaliksik
ACADEMIC STRAND)
NG IMMACULATE CONCEPTION ACADEMY OF BULAN INC.
Bilang Bahagi ng Pangangailangan
sa Filipino 11 – Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t – Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

nina:
Bajamundi, Charis Ann G.
Ballesteros, Janfelix Galvy T.
Bono, John Louie S.
Buiza, Keanalyn G.
Generalo, Shane G.
Gonzales, Cezeil G.
Gotis, Aizel G.
Guan, Arianne Nicole R.
Medina, Benedict M.
Zuñiga, Franciz Zedric P.
 
 
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

KALIGIRAN NG PAG – AARAL


PAGLALAHAD NG SULIRANIN
LAYUNIN NG PAG – AARAL
SAKLAW AT DELIMITASYON
TEORETIKAL NA BALANGKAS
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
KALIGIRAN NG PAG – AARAL
Ang Modular Learning ay ang backbone ng Deped sa pagsasagawa ng distance learning program dahil problema ng

nakararaming kabataan ang pagkamit ng teknolohiya gaya ng kawalan ng gadgets at internet connection. Isa rin itong mabisang

paraan sa pagpaliban ng face-to-face classes hanggang magkaroon ng bakuna kontra Covid-19.

Ayon sa datos ng Deped, nasa mahigit 25 milyong mag-aaral na ang nakapag-enrol sa mga pambupliko at pribadong paaralan

ngayong taunang pasukan kung saan nasa 59% mag-aaral ang gagamit ng printed module, 20% ang online, at 20% din ang offline

digital samantalang ang telebisyon at radyo ay magiging pandagdag lamang.


Ayon kay DepEd Undersecretary, Diosdado M. San Antonio, inasahan na nilang ang modular instruction ay magdudulot ng

kalituhan o reklamo sa mga kabataan lalung-lalo na sa mga magulang. Walang dapat ikabahala dahil nandiyan pa rin ang mga

guro na handang tumulong at ipa-unawa ang mga leksyon.

Mariing sinabi rin ng Kalihim ng Kagawaran, Dr. Leonor M. Briones, na sa pagpapatupad ng “blended” at “distance

learning approach” sa pamamagitan ng “online classes, printed and digitized learning modules”, telebisyon at radyo, ay

maibabahagi ang mga asignatura na kailangang matutuhan ng mga mag-aaral anuman ang estado sa buhay.
Gayunpaman, maraming agam-agam, mga tanong at reaksyon lalo na sa mga magulang kung saan sila ang

pangunahing tagapagturo sa kanilang mga anak ng mga leksyon gamit ang mga modyul.

Kaya nilayon ng pananaliksik na ito na patunayan ang kabisaan ng instruksyong modyular bilang isang

mabisang modalidad sa pagtuturo upang malaman ang akademikong pagganap ng bawat mag – aaral sa ika-12

baitang ng Immaculate Conception Academy of Bulan Inc.


Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pag diskubre ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa

ika-12 baitang sa pamamagitan ng instruksyong modyular na pagtuturo. Ito ay isang pagtugon sa

pagtuklas ng makabagong estratehiya sa pagtuturo na mas makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-

aaral. Ginamit ang kwantitatibo at deskriptibong pamamaraan sa pananaliksik dahil nakatuon ang

pananaliksik sa obserbasyon, pakikipanayam at pagsusuri ng nilalaman, datos at impormasyon.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Hangarin ng Pananaliksik na ito na matukoy ang epekto ng modyular na pagtuturo sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral sa ika-11 baitang sa taong panuruang 2020-2021.Bilang pagtitiyak, tinangkang sagutin ng pag-aaral na ito ang

mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondante sa mga tuntunin ng:

(a)Edad

(b)Sekswalidad

(c) Kabisaan ng Modalidad

(d)Estilo ng pagkatuto
2. Mayroon bang signipikong kaugnayan ang demograpikong propayl ng isang mag-aaral sa kanyang kakayahang matuto

sa paraang modyular?

3. Mahalaga bang alamin ang akademikong pagganap ng isang estudyante gayong hindi naman tradisyunal na

pamamaraan ang ginamit?

4. Angkop ba ang tugon ng paaralan(Modyular) upang matukoy ang Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral sa

panahon ng pandemya bilang isang estilo ng pagkatuto?

5. Paano napabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa pamamaraang modyular na pagtuturo ng mga guro?
LAYUNIN NG PAG - AARAL
Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang bisa ng modyular na pagtuturo sa mga mag-aaral ng ika-12 na

baitang at malaman ang kanilang akademikong pagganap. Ang spesipikong layunin nito ay ang mga sumusunod:

1. Matukoy kung anong mga epekto ang kanilang naranasan sa pagkakaroon ng mga modyul lingo-lingo.

2. Matukoy kung may natutunan ang estudyante sa kanilang sariling sikap.

3. Matukoy ang akademikong pagganap ng bawat mag-aaral upang madiskubre kung gaano ka-epektibo ang pamamaraang

modyular.

4. Matukoy ang kalagayang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa tugong modyular na pamamaraan ng pagtuturo.
KAHALAGAHAN NG PAG -
AARAL
Ang pag-aaral na ito ay nakapagbibigay ng malaking ambag at kahalagahan sa mga sumusunod:

Pinuno ng Mataas na Paaralan. Ang pananaliksik na ito ay maging gabay sa mga pinuno ng paaralan upang

pagyamanin ang kurikulum ng mga asignatura sa sekondarya.

Guro. Ang pananaliksik na ito ay maging karagdagan sa kaalaman ng bawat guro sa Akademya. Dahil dito, sila ay

mahikayat na gumawa ng mga disenyo para sa ikaiinam ng kaalaman ng mga mag aaaral sa mga Asignatura.

Mga Magulang. Ang resulta ng pag aaral na ito ay makapagbibigay sa kanila ng imaheng Akademikong Pagganap ng

kanilang mga anak sa paaralan.


Mananaliksik sa Hinaharap. Maraming hagdan ang pag aaral na ito upang malaman ang

epekto ng modyular na pagtuturo at pagtuklas ng akademikong pagganap na siguradong

makakatulong sa iba pang mananaliksik at pwede rin itong gamitin bilang isang “Kaugnay na

Pag-aaral” na may kinalaman sa pagappatupad ng iba pang pamanahong papel.


SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag aaral mula sa ika-12 baitang na may Strand na

General Academics sa Immaculate Conception Academy of Bulan Inc. Layunin ng pag aaral na ito na matanto

ang epekto ng Modyular na pamamaraan sa pagtuturo at upang malaman na rin ang Akademikong Pagganap

ng mga magaaral sa baitang na ito

 
TEORETIKAL NA BALANGKAS
Edukasyon

Paraan o Solusyon sa
pagpapatuloy ng
Edukasyon na
inalabas ng ahensyang
DepEd

Distance Limitadong Blended Homeschooling


Learning Face-to-Face Learning

Piniling
modalidad ng
paaralang ICAB

Salik na Pagtuklas ng
nakakaapekto sa Akademikong
mga estudyante Pagganap

Pigura 1: Teoritikal na Balangkas ng Pag-aaral


KONSEPTUWAL NA
BALANGKAS
INPUT PROSESO AWTPUT
Salik na nakakaapekto sa Sarbey Malalaman ng mga guro at paaralan
modyular na pamamaraan sa kung ano nga ba ang naging epekto
mga estudyante at pagtuklas ng Pakikipanayam ng modyular na pagtuturo sa bawat
kanilang akademikong isang mag-aaral sa ika-12 baitang at
pagganap Pangangalap ng datos ang kanilang akdemikong pagganap
Edad na magsisilbing gabay ng mga
Kasarian Pagsusuri ng datos nakakatas upang panatilihin o
ibahin ang kalidad ng kanilang
Kabisaan ng pagkatuto Dokumentasyon piniling modaliti
Estilo ng pagkatuto

Pigura 2: Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


KAUGNAY NA PAG – AARAL
KAUGNAY NA LITERATURA
Alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987), Seksyon 1. Dapat
pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan
sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na
mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon. Pinapatibay
ngbatas na ito ang karapatan ng bawat indibidwal na makatuntong
atmakapagtapos ng pag-aaral sa mas mahusay na dekalidad ng edukasyon.

DepEd Order No. 43, Seksyon 9 ng Batasang Pambansa Blg. 232 nakilala sa
tawag na “Education Act of 1982”,

“The State shall recognize the right of the students to receive competent
instruction, relevant to quality education to hisfull development as a
person with human dignity”
KAUGNAY NA LITERATURA
BANYAGA

Ayon nga sa report ng “The United Nations, Educational, Scientific, and Cultural Organization” o UNESCO (2020) ay
hindi inaasahang maraming mag-aaral mula sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa buong mundo na humigit
kumulang isandaang (100) mga bansa ang magsasara dahil sa dulot ng COVID 19 at humigit kumulang na pitong daan
milyon mga bata (700) ang apektado nito. Dagdag pa rito, ang UNESCO ay nagkaroon na pag-a-update ng mga digital tool
na gagamitin sa distance learning gaya ng ClassDojo at Google Classroom at apps na dinisenyo para sa mga smartphone
gaya ng KaiOs at iba pa.

Ang distance learning ay isang paraan ng pag-aaral kung saan ay bino-broadcast ang mga lektura o ang mga klase ay
isinasagawa sa pamamagitan ngpagsusulatan o sa internet. Sa ganitong paraan ay hindi na kinakailangang pumunta ng
mag-aaral sa isang paaralan o kolehiyo (Stafford Global, Org. 2020).
LOKAL

Alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987), Seksyon 1. Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang
karapatan ng lahat ng mga mamamayansa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na
mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon. Pinapatibay ngbatas na ito ang karapatan ng bawat
indibidwal na makatuntong atmakapagtapos ng pag-aaral sa mas mahusay na dekalidad ng edukasyon.

Ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan ng tatlong bagay: kakayahang mapag-aralan at


maalala ang mga katotohanan; magkaroon ng kakayahang makapag-aral ng mabisa at malaman kung paano ang mga
katotohanan ay sumang-ayon sa isa’t isa upang bumuo ng mas malawak na huwaranng kaalaman at isipan ang sarili
kaugnay sa mga katotohanang ito, at pangatlo, kakayahang maipahayag ang sariling kaalaman sa pagsasalita man o sa
pagsulat man sa papel. Ang mabuting akademikong pagganap ay nakaugnay din sa pagkakaroon ng mabuting
pagsasama-sama ng sariling kakayahan na ang ilan nga ay ang maayos na lugar para sa gawain atmaayos na
pamamahala sa oras. Ang lahat ng ito ang dapat na isaalang-alang. (Berceno, 2012)
Ayon sa DepEd, ang kawalan ng gadgets ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga pamilya

ang pinili ang modular distance learning. Base sa survey, nasa 6 milyon ang walang internet access, at

nasa 2 milyon din ang walang laptop, gadget, TV o radio.

Sinasabi sa isang blog na ginawa ni Noel R. Duran (w.p.), isang Master Teacher-I, na ang modyul ay

isang set ng mga gawain sa pagkatuto na maayos na binuo na may kalakip na mga araling may tiyak na

layunin, pagpapahalaga, at sangguniang pagsusulit na malaki ang tulong sa mga guro at mga mag-aaral

para sa maayos at masikhay daloy ng talakayan.


KAUGNAY NA PAG - AARAL
BANYAGA

Matagal nang ginagamit ang modyular na pagkatuto sa mundo. Ayon sa pag-aaral patungkol sa Distance

Education (2001), ang modyular na pagkatuto ay nag simula noong 1800, sa University of Chicago kung saan

noon, ang mga guro at ang mga mag - aaral nito ay nakatira sa iba’t-ibang lugar sa Estados Unidos.

Bilang solusyon sa problema ay gumawa sila ng isang system na kung saan ay makakapag-aral parin ang

kanilang estudyante nang hindi na luluwas ng kanilang Estado upang pumasok lamang sa kanilang paaralan. At

doon nabuo ang modyular na pagkatuto. Dito sa Pilipinas, matagal na ring nagagamit ang sistemang modyular

ngunit mga piling paaralan o unibersidad lamang ang gumagamit nito. Ayon kay Secretary Leonor Magtolis

Briones sa kanyang ulat sa ating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Darrel L. Murray, "A module is a self-contained and independent unit of instructions with a primary focus on a
few well- defined objectives."

Narito ang siyam na pangunahing katangian ng modyul:

1. Dapat itong maging buo, sapat sa kanyang sarili.


2. Dapat maging maikli ngunit malaman
3. Dapat nitong maganyak ang mga mag—aaral.
4. Dapat nitong bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral parasa interaksyon.
5. Dapat may maayos na pagkakasunod-sunod ang mga layuninat gawain.
6. Dapat itong maisulat sa malinaw at tamang lengguwahe naangkop sa antas ng pinaglalaanang mag-aaral.
7. Dapat itong maging tama o walang pagkakamali.
8. Dapat itong naaangkop sa mga totoong sitwasyon sa buhayupang mapagtugma ang teorya at praktika.
9. Dapat nitong gamitin ang bawat pagkakataon upang makapagturo sa pangkalahatan: kognitibo, saykomotor atafektivo.
  
LOKAL
Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Alonzo na tumutuon sa kahalagahan ng modyul, binigyan niya ng depinisyon
ang modyul bilang kagamitan sa pagtuturo na buo at sapat sa kanyang sarili na ginawa upang magamit ng mag-aaral
nang hindi na kinakailangan ang guro. Taglay nito ang tatlong (3) batayang element ng pagtuturo: mga layunin, mga
gawain sa pagkatuto, at ebalwasyon. Ang bentahe ng modyul ay batay sa pilosopiya nito - na bawat mag-aaral ay
walang katulad; may sariling katangian, karanasan, gawi, istilo ng pagkatuto, at kaligiran kayat dapat siyang bigyan
ng pagkakataong umunlad ayon sa saklaw ng kanyang kakayahan at matamo sa kanyang sarili ang kaganapan.

Ang daigdig ng ikalawang siglo ay patuloy na nagtutuon ng pansinsa mga pagbabagong nagaganap sa
edukasyon (Lucas, 1991). Isa sa mga pagbabagong nabanggit ay ang pag-uukol ng panahon ng mga grupong
pansilid-aralan sa paggamit ng mga babasahing nauukol sa pansariling pag-aaral. Kasabay ng paglitaw ng mga
makabagong pamamaraan sa larangan ng pagtuturo ay ang pag-usbong ng makabagong kagamitan na nag lulunsad
ng sariling pagkatuto ng mga mag-aaral, isang halimbawa nito ang modyul. Ang mga modyul ay naglalaman ng mga
tiyak nagawaing tumatalakay sa mga lalamaning aralin para sa bawat markahan na maaaring gawin ng mag-aaral
nang mag-isa. Ito ay nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral upang masabayan ang pagtuturo ng guro.
Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Pructuosa, hinggil sa gamit ng modyul, sinasabi

niya na hindi natitiyak ang kaangkupan ng modyul sa uri at kakayahan ng tanging

grupo ng mag-aaral. Isa pa’y hindi naman laging makabibili ang mga guro at mag-

aaral ng mga komersyal na mga kagamitang ito. Dahil sa ito ay ipinagbibili, malaking

salik ang usapin ng salapi para sa mga mag-aaral lalo na sa mga pampublikong

paaralan sa pagbili ng mga ganitong uri ng kagamitang pampagkatuto.


KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Mga Tinanong/Tumugon ng Talatanungan
Instrumento ng Pananaliksik
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik at Kwantitatibong pananaliksik.

Napili ng mga mananaliksik ang “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng talatanungan o Survey

Questionnaires para makalikom ng mga datos.

1. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na maging mabisa sa pag-aaral na ito upang

mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

2. Malaking tulong din ng kwantitabong pamaraan na ang tuon ay pagsusuri sa mga katangiang maaaring sukatin kung saan

ito ay gumagamitng pamamaraang estadistiko upang bigyang kahulugan ang mga datos (Simbulan, 2008). Ang pagsasagawa

ng panayam at sarbey ay nakapailalim sa kwantitabong pamaraan na ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos.
MGA TINANONG/TUMUGON
NG TALATANUNGAN
Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Immaculate

Conception Academy of Bulan Inc. sa baitang na ika-12 na may General Academic

Strand. Gumamit ang mga may-akda ng Deskriptibong pamamaraan upang magkaroon

ng representasyon ang mga datos na ilalahad.


INSTRUMENTO NG
PANANALIKSIK
Ginamit ang talatanungan o Survey Questionnaires bilang pangunahing instumento, ang talatanungan

ay nahahati sa dalawang pangkat: Ang Propayl at ang Sarbey ukol sa paksang pinag-aaralan.

Ang sarbey ay ang pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian, aksyon o opinyon ng malaking

grupo ng mga tao na tumutukoy sa bilang ng isang populasyon o malawak na sakop ng pananaliksik ay

binubuo ng iba’t-ibang istilong paghahanap kabilang ang pagtatanong sa mga respondent.


PAGSUSURI NG DATOS
Ang kagamitang statistikal na makikita sa
4.50 – 5.00 LUBOS NA EPEKTIBO papel na ito ay ang: Frequency count at
Weighted mean.

3.50 – 4.49 Epektibo Ang antas na makikita sa kanan ay ang


ginawang batayan ng mga mananaliksik
upang malaman ang kanilang Akademikong
2.50 – 3.49 Katamtamang Epektibo Pagganap sa Taong Panuruang 2020 – 2021.

1.50 – 2.49 Hindi Epektibo Sumakatuwid, Ito ang statistikal na


pamamaraang ginamit upang mahanapang
sulosyon ang mga datos na ibinigay o sinagot
1.00 – 1.49 Lubos na Hindi Epektibo ng mga respondete sa mga mananaliksik.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Presentasyon ng mga Datos
Kabuuang Interpretasyon ng mga Datos
PRESENTASYON NG DATOS
            Mean
MGA TANONG
5 4 3 2 1
1.Mahalaga ba sayo ang Pamamaraan ng mga guro 10 7 3 2   4.17
sa Modyular na Modalidad ng Pagtuturo?
 

2.Pabor ka ba sa paggamit ng modyular na 4 6 9 3   3.5


Modalidad sa pagtuturo?

3.Mas napapadali ba saiyo ang pagtugon ng 2 4 12 4   3.18


pangangailangan sa Pag-aaral ng modyular na
modalidad na pagtuturo?
4.Madali ba natutugunan ng iyong nasasagutan ng Talahayanayan Blng. I
2 1 12 4 3 2.77
mga katanungan habang ika’y nasa loob ng bahay?
Epekto ng Modyular na Modalidad ng Pagtuturo
5.Ang antas ba ng hirap ng aktibidad sa modyul ay sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa
3 8 6 4 1 3.36
nakaapekto sa iyong Akademikong Pagganap? ika-12 baitang (General Academic Strand) ng
Immaculate Conception Academy of Bulan Inc.
6.Ang bawat aktibidad ng nilalaman ng modyuls sa Taong Panuruan 2020 – 2021.
4 6 8 4   3.45
ay nagsusulong ba ng Higher Order Thinking
Skills?
7.Epektibo ba ng iyong dating Learning Style sa 4 8 5 3 2 3.41
pag-aaral bilang pagtugon saiyong Akademikong
Pagganap?
8.Naayon ba saiyo ang modyular na modalidad ng 3 7 8 4   3.41
pagtuturo para sa mataas na pagkamit ng iyong
Akademikong Pagganap?
9.May Malaki bang pagkakaiba ang natamong 10 5 6 1   4.09
Akademikong Pagganap mula sa Face-to-Face o
Traditional classes sa modyular na modalidad ng
pagtuturo?
10.Natugunan at Naisakatuparan ba ang iyong 2 11 5 2 2 3.41
mataas na Akademikong Pagganap,tugon ng
Modyular na modalidad sa pagtuturo sa
kasalukuyang panahon?
     

Mga Tanong Weighted Mean Interpretasyon

1.Mahalaga ba sayo ang pamamaraan ng mga guro sa modyular na modalidad ng pagtuturo? 4.17 Epektibo

2.Pabor ka ba sa paggamit ng modyular na modalidad sa pagtuturo? 3.5 Katamatamang Epektibo

3.Mas napapadali ba saiyo ang pagtugon ng pangangailangan sa pag-aaral ng modyular na modalidad na pagtuturo? 3.18 Katamtamang Epektibo
Talahayanayan Blng. II

4.Madali ba natutugunan ng iyong nasasagutan ng mga katanungan habang ika’y nasa loob ng bahay? 2.77 Katamtamang Epektibo
Epekto ng Modyular na Modalidad ng
Pagtuturo sa Akademikong Pagganap
5.Ang antas ba ng hirap ng aktibidad sa modyul ay nakaapekto sa iyong akademikong pagganap? 3.36 Katamtamang Epektibo ng mga Mag-aaral sa ika-12 baitang
(General Academic Strand) ng
Immaculate Conception Academy of
6.Ang bawat aktibidad ng nilalaman ng modyuls ay nagsusulong ba ng Higher Order Thinking Skills? 3.45 Katamtamang Epektibo Bulan Inc. sa Taong Panuruan 2020 –
2021.
7.Epektibo ba ng iyong dating Learning Style sa pag-aaral bilang pagtugon saiyong akademikong pagganap? 3.41 Katamtamang Epektibo

8.Naayon ba saiyo ang modyular na modalidad ng pagtuturo para sa mataas na pagkamit ng iyong akademikong 3.41 Katamtamang Epektibo

pagganap?

9.May malaki bang pagkakaiba ang natamong akademikong pagganap mula sa Face-to-Face o Traditioanl classes sa 4.09 Epektibo

modyular na modalidad ng pagtuturo?

10.Natugunan at naisakatuparan ba ang iyong mataas na akademikong pagganap,tugon ng modyular na modalidad 3.41 Katamtamang Epektibo

sa pagtuturo sa kasalukuyang panahon?


Mga Tanong Weighted Mean Interpretasyon

1.Mahalaga ba sayo ang Pamamaraan ng mga guro sa Modyular na Modalidad ng 4.17 Epektibo

Pagtuturo?
TALAHAYANAYAN A
2.Pabor ka ba sa paggamit ng modyular na Modalidad sa pagtuturo? 3.5 Katamtamang Epektibo

3.Epektibo ba ng iyong dating Learning Style sa 3.41 Katamtamang Epektibo EPEKTO SA ESTILO SA PAGKATUTO
NG MGA MAG – AARAL
pag-aaral bilang pagtugon saiyong Akademikong Pagganap?

4. May Malaki bang pagkakaiba ang natamong Akademikong Pagganap mula sa 4.09 Epektibo

Face-to-Fcae o Traditioanl classes sa modyular na modalidad ng pagtuturo?

5. Ang bawat aktibidad ng nilalaman ng modyuls ay nagsusulong ba ng Higher 3.45 Katamtamang Epektibo

Order Thinking Skills?

     

Kabuuan 3.72 Epektibo


Mga Tanong Weighted Interpretasyon

Mean
1. Madali ba natutugunan ng iyong nasasagutan ng mga katanungan 2.77 Katamtamang Epektibo

habang ika’y nasa loob ng bahay?

1. Ang antas ba ng hirap ng aktibidad sa modyul ay nakaapekto sa iyong 3.36 Katamtamang Epektibo

Akademikong Pagganap? TALAHAYANAYAN B


1. Mas napapadali ba saiyo ang pagtugon ng pangangailangan sa Pag- 3.18 Katamtamang Epektibo

aaral ng modyular na modalidad na pagtuturo? KABISAAN NG


1. .Naayon ba saiyo ang modyular na modalidad ng pagtuturo para sa 3.41 Katamtamang Epektibo
MODYULAR NA
mataas na pagkamit ng iyong Akademikong Pagganap?
MODALIDAD
1. Natugunan at naisakatuparan ba ang iyong mataas na Akademikong 3.41 Katamtamang Epektibo

Pagganap,tugon ng modyular na modalidad sa pagtuturo sa

kasalukuyang panahon?

     

Kabuuan
3.22 Epektibo
KABUUANG
INTERPRETASYON NG DATOS
TALAHANAYAN BLNG. II
Suliranin Talahanayan Weighted Interpretasyon Kabuuang

Mean Interpretasyon

Epekto ng Modyular na Modalidad ng Pagtuturo sa A. Epekto sa Estilo sa 3.13 Katamtamang  

Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa ika-12 Pagkatuto ng mga Mag - Epektibo


 
baitang (General Academic Strand) ng Immaculate Aaral
 
Conception Academy of Bulan Inc. sa Taong Panuruan

2020 – 2021  
     
3.17
Kabisaan ng Modyular na
3.22 Epektibo
Modalidad - Katamtamang

Epektibo
Hinanap ang Weighted Mean ng bawat talahanayan upang malaman ang interpretasyon.

Ang unang paksa ay ang “Estilo ng Pagkatatuto” na may mean na 3.13 na kung saan ito ay

katamtamtamang epektibo lamang para sa Akademikong Pagganap ng mga estudyante.

Habang ang ikalawang paksa naman ay ang “Kabisaan ng Modyular na Modalidad” na may Weighted

Mean na 3.22 na nasa epektibong antas.


Sa kabuuan, upang malaman ang pinal na kinalabasan ng mga datos, ang ginawa ng mga mananaliksik ay
pinagsama ang dalawang resulta ng bawat talahanayan.

A. 3.13
+
B. 3.22

= 6.35

Ang resulta naman ay hinati sa dalawa dahil may dalawang paksang


inilahad ang mga mananaliksik.

6.35 / 2 = 3.17

Pagpapakahulugan:

3.17 – Katamtamang Epektibo


KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom
Konklusyon
Rekomendasyon
LAGOM
Nagsimula ang pananaliksik na ito sa hangaring masagot ang mga katanungan sa paksang aming napili.

Higit na binibigyan ng tuon ang pananaliksik na ito sa akademikong pagganap ng mga mag – aaral sa
gitna ng pandemya at pagbabago ng pamamaraan sa Edukasyon.

Sa pag sa-sarbey, pinili ng mga mananaliksik ang ika-12 baitang ng Immaculate Conception Academy
of Bulan Inc. sa Taong Panuruan 2020 – 2021 bilang respondente sa nasabing Pananaliksik.

Sa pinag-isang katanungan, kinuha ang bahagdan o porsyento nito sa kalahatang gumawa ng


konklusyon tungkol sa natuklasan at ilang mga rekomendasyon upang mapagbuti at nakatulong sa
pagbibigay ng impormasyon para sa mga mag-aaral, mambabasa, at sa mga mananaliksik.
KONKLUSYON
1. Ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang ay makikita sa mga sagot sa sarbey na kung saan isinagawa sa

kani-kanilang bahay. Makikita roon ang ang kanilang (a) Edad, (b) Sekwsalidad, (c) Kabisaan ng modalidad at (d) Estilo ng pagkatuto.

Masasabing may kanya-kanyang opinyon ang bawat isa ukol sa kabisaan at napiling estilo ng pagkatuto ang mga nasabing mag – aaral.

2. Mayroong signipikong kaugnayan ang demograpikong propayl ng isang mag – aaral sa kanyang kakakayahang matuto sa paraang

modyular dahil masasabing may pagkakaiba ang bawat isa sa kanilang edad at sekswalidad. Sa estilo naman ng pagkatuto ay mayroong

kaugnayan sa kabisaan ng pagkatuto ng mag – aaral batay sa iba’t – ibang kakayahan ng mga mag – aaral.

3. Mahalagang alamin ang Akademikong pagganap ng mga mag – aaral sa kasagsagan ng pandemya dahil mas lalong napapalayo ang

“teacher-student” interaksyon sa kasulukuyang modalidad na pagtuturo. Kung ihahambing natin ang Traditional Face-to-face classes

sa kasulukuyang modaliti ay mas lalong mahirap ang pagkakaroon ng pagkakaintindi at komunikasyon ang bawat isa, maging

estudyante – estyudante man ito o estudyante – guro. Mas lalong makakatulong ang kabisaan ng pagkatuto sa bawat mag – aaral kapag

namo-monitor ng maayos ang bawat estudyante. Higit sa lahat, may maitutulong ang pagtuklas ng Akademikong pagganap sa karera ng

edukasyon ng bawat mag – aaral.


4. Batay sa naging resulta ng mga datos, Katamtamang Epektibo lamang para sa mga mag – aaral ng ika-12 baitang ang

pagkakaroon ng Modyular na modalidad na pagkatuto. Batay sa mga sagot na nasa ikalawang parte ng talatanungan,

nailathala nila ang kanilang sariling opinyon. Makikita doon na mas pabor pa ang karamihan sa Tradisyonal na pagkatuto

dahil maraming negatibong aspeto ang nakakapekto sakanila kapag Modyular ang ginagamit na estilo ng pagtataguyod ng

Edukasyon.  

5. Niyutral lamang ang epekto ng Modyular na modalidad na pagtuturo sa mga mag – aaral ng ika-12 baitang na may

General Academic Strand sa paaralang Immaculate Conception Academy of Bulan Inc. Ibig sabihin, Ang epekto ng

Modyular na pagtuturo ay katamtaman lamang, hindi lubos na epektibo at hindi rin lubos na hindi epektibo para sa mga

nasabing mga estudyante.


REKOMENDASYON
1. Patuloy na ipayabong ang pamamaraan ng pagtuturo sa iba’t – ibang modalidad hindi lamang sa tradisyunal na pormat

na pupunta sa paaralan upang makakuha ng bagong impormasyon. Dahil sa patuloy na pag - usbong ng ating teknolohiya

at globalisasyon, dadating ang oras na dapat na tayong matuto sa ating sarili sa iba’t ibang paraan na ating makakaya.

2. Makakakuha ng pananaw ang paaralang Immaculate Conception Academy of Bulan Inc. sa akademikong pagganap ng

isang baitang sa kanilang kurikulum kung kaya’t gawing gabay ito upang pagtibayin pa ang pag-gawa ng mga modyuls

upang magkaroon ang estudyante ng “Higher Order of Thinking Skills” sa mga modyuls na kanilang ipapaabot sa mga

mag – aaral.
3. Irinerekomenda naming itong papel na ito sa mga magulang upang makakuha ng hinuha kung ano nga ba ang

perporpans ng kanilang mga anak at kung gaano ka - epektibo ang lingo-linggong modyuls na inihahaid ng

paaralan sa pag-gabay sa kanilang mga anak.

4. Ang papel na ito ay napapanahon sa pandemya kung kaya’t ito ay ating magiging new normal, hinihikayat

naming pagtuunan ng pansin ang ganitong mga paksa ng mga mananaliksik sa hinaharap upang makapagbigay ng

impormasyon na naayon at napapanahon. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pag – usbong ng panahon ay

makakaranas pa nga iba’t ibang paghihirap ang mga mag – aaral kaya hinikayat naming bigyan ito ng solusyon o

rason gamit ang papel na aming pinaghirapan.

You might also like