You are on page 1of 13

PAGBASA AT ANG

MAPANURING PAGBASA
PAGBASA
-Ang pagbasa ay ang tiyak at madaliang pagkilala
ng ayos at pagkasunud-sunod ng mga
salita,pagsasama-sama ng mga salita upang
makabuo ng ideya at kahulugan.
-Paraan ng pagkilala ng nakalimbag na sagisag at
pagbibigay kahulugan nito.
-Ito ay nangagailangan ng pag-
iisip,pagpapahalaga,pagpapasya at pagwawangis
Kaalamang Pag-aaral ng
Ponemiko Ponolohiya

Bokabolaryo Katatasan

Hakbang sa
Komprehensyon Pagbasa
Ang pagbabasa ay napakahalaga….
Sari-saring karunungan ang natatamo sa
pagbabasa na kapaki-pakinabang sa pang-araw-
araw na buhay.
Ang talinong makakamit ay maaaring magamit
sa paghanap ng ikabubuhay na magbubunga ng
kaunlaran sa kabuhayan.
Nagagamit ito sa paghubog ng kagandahang –
asal at wastong pakikitungo sa kapwa.
Katangian ng Pagbabasa
1.Maiuugnay sa pakikinig,pag-unawa at
pagsulat.
2.Daan sa paglinang ng iba’t ibang kasanayan
tulad ng:
•Kasanayan sa pagkuha ng pangunahin at
kaugnay na detalye.
•Kasanayan sa pagbuo ng hinuha,palagay o
buod.
•Kasanayan sa pagkuha o pagdama sa istilo o
tonong ginamit ng may-akda sa pagsulat
• Kasanayan sa pagbasa para malaman ang
paksa o pinapaksa ng may-akda sa kanyang
akda.
• Kasanayan sa pagbasa para makapagbigay ng
konklusyon.
MAPANURING PAGBASA
-Ay ang pagbasa ng isang artikulo, lathalain,
akdang pampanitkan na maaaring maikling
kuwento, nobela, dula at iba pa, na kung saan ay
pinagliliming mabuti ang binabasa.

KATANGIAN:
-Pinag-iisipan ang nilalaman at mensahe na nais
ipaabot ng manunulat.
-Tinitignan ang bawat detalye o bahagi ng isang
akda at ang ibubunga nito sa mambabasa.
-Pinag-uukulan ng bawat mambabasa ng
ibayong pag-iisip at lubusang pang-unawa ang
anumang akdang binabasa
-Maaaring ilahad ng mambabasa ang kanyang
pagsang-ayon o kaya’y pagtutol, reaksyon at
sariling pananaw batay sa nilalaman ng isang
akda.
Ang isang akda ay mananatiling karaniwang
akda lamang.. Ngunit, kung ang mapanuring
mambabasa ay naglalahad ng maganda,
detalyado, at kapaki-pakinabang na reaksyon ang
katha’y nagiging kanais-nais at katanggap-
tanggap
MAPANURING PAGBASA
INTENSIBO AT EKSTENSIBONG PAGBASA

INTENSIBO - Pagsusuri sa kaanyuang


gramatikal,panandang diskurso at iba pang
detalye sa estruktura upang maunawaan ang
literal na kahulugan, implikasyon at retorikal na
ugnayan ng isang akda.
- Malapitan o malalimang pagbasa sa isang
akda.
- Detalyadong pagsusuri ng isang teksto.
- “Narrow Reading” sapagkat piling babasahin
lamang hinggil sa isang paksa ang
pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa o
kaya’y iba’t iba ngunit magkakaugnay na
paksa ng iisang manunulat.
EKSTENSIBO - Layunin ng mambabasa sa
ganitong uri ng pagbasa ay upang makakuha ng
“gist” o pinaka-esensya at kahulugan ng binasa
na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga
salitang malalabo o hindi alam ang kahulugan.
- Layunin nito na maunawaan ang
pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang
ispesipikong detalye na nakapaloob dito.
- Naisasagawa upang makakuha ng
pangkalahatang pag-unawa sa maraming bilang
ng teksto.

You might also like