You are on page 1of 36

MGA TIYAK NA SITWASYONG

PANGKOMUNIKASYON
LAY U N I N
Sa kabanatang ito, inaasahang iyong/ikaw ay…

❑ Maipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wikang sa


kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa;

❑ Makapagmumungkahi ng mga solusyong nakabatay


  sa pananaliksik sa mga suliraning
panlipunan;

❑ Magagamit ang Filipino bilang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino;


at

❑ Makapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at


modernong midyang akma sa lipunang Pilipino.
CASE STUDIES
ANO ANG KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON SA TAO BILANG ISANG
 
PANLIPUNANG NILALANG?
A. KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON
1. Ang komunikasyon ay humuhubog sa ating pananaw at sa ating identidad.

2. Ang komunikasyon ay nag-uudyok sa pagsisimula at pagpapatuloy ng mga panlipunang


ugnayan.

3. Ang komunikasyon ay behikulo ng pagpapalaganap ng kritikal na impormasyon at


kaalamang kultural.

4. Ang komunikasyon ay nagpapatibay sa isang kolektibong hangarin ng mamamayan.


B. TIPO NG KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon bilang isang prosesong panlipunan


ay nag-iiba-iba batay sa pamamaraan ng
pagsasakatuparan nito.

Mahalaga ang daynamiks ng pag-iibang ito sapagkat


higit na nagiging epektibo ang komunikasyon kung
naiisakonteksto at naiaayon ito sa isang tiyak na
pangangailangan sa isang tiyak na pagkakataon.
SALIK PORMAL IMPORMAL
✔ HINDI KAILANGANG MAGING MAPILI
✔ PINO, MATALINO, AT AYON SA SA MGA SALITANG BIBITAWAN.
REHISTRO NG WIKA NG MGA
PARTISIPANT ✔ HINDI INAASAHAN ANG SERYOSONG
WIKA TONO.
✔ DIREKTA AT SERYOSO ANG
PAGPAPAHAYAG ✔ HIGIT NA MAY LAYA SA LIGOY AT
PAMAMARAANG NAIS

BALANGKAS ✔ DEPENIDO ✔ HIGIT NA MAY LAYA


BERBAL DI-BERBAL

✔ TUMUTUKOY ANG BERBAL NA SIMBOLO SA ✔ TUMUTUKOY SA MGA’DI SALITANG GINAGAMIT SA


KOMUNIKASYON SA LAHAT NG KOMUNIKASYON
SALITANG(PASULAT O PASALITA)GINAGAMIT
HAL: GALAW NG KATAWAN, EKSPRESYON NG MUKHA,
MGA TUNOG, AMOY, ESPASYO
C. ANTAS NG KOMUNIKASYON
o INTRAPERSONAL

✔ Ito ang uri ng komunikasyon na nagaganap


  sa loob lamang ng isipan ng
isang tao na nagdidikta ng kanyang magiging tugon sa mga pangyayari
sa paligid.

✔ Tinatawag din itong mental na repleksyon.

✔ Ang antas na ito ay pakikipag-ugnayan sa inner self.


o INTERPERSONAL

 
✔ Ito ang uri ng komunikasyon na nagsasangkot sa dalawa o higit pang
tao.

✔ Pinakapayak na anyo nito ang pagpapalitan ng mensahe sa pagitan


ng dalawang indibidwal.
o PANGKATANG KOMUNIKASYON

✔ Interpersonal din ang kalikasan.

✔ Ugnayan sa pagitan ng tatlo hanggang labing-limang


myembro na may iisang layunin. 

✔ Maaaring maganap sa personal o sa ibang platform gaya ng


“gc” at video conferencing.
o PAMPUBLIKONG KOMUNIKASYON

✔ Nakapokus sa tagapagdala ng mensahe kaysa tumatanggap

✔ Pinakamalayunin sapagkat madalas itong pormal

✔ Mahirap iwasan ang paraang ito sapagkat ginagamit ito sa


buhay-akademya, trabaho, pulitika, at sibika.
 
o PANGMADLANG KOMUNIKASYON

✔ Ipinapadala ang mensahe ng palathala (dyaryo o magasin) o


sa pamamagitan ng electronic media gaya ng telebisyon at
radyo

✔ Bumubuo ng personal na koneksyon ang tagapagdala ng


mensahe, bagamat ang layunin nito ay maipakalat ang
nasabing nilalaman sa mas malaking tagasubaybay
SITWASYONG PANG
KOMUNIKASYON

NAGAGANAP ANG KOMUNIKASYON SA MAS


MALAKING ESPASYO UPANG MAABOT ANG
MGA PANGKATAN, ORGANISASYONAL, O
MGA PANLIPUNANG TUNGUHIN NG TAO.
o LEKTYUR, SEMINAR, AT WORKSYAP

❑ LEKTYUR – panayam ng isang taong eksperto sa larangang kaniyang tinatalakay at ibinabahagi


ito sa harap ng isang partikular na awdyens; akademiko ang tunguhin

❑ SEMINAR – katulad ng lektyur subalit mas nakatuon ito sa isang paksang pampropesyonal o teknikal

❑ WORKSYAP – isang gawaing pagsasanay sa isang tiyak na


kasanayan na isinassagawa matapos ang isang seminar o kaya’y sa
pagitan ng bawat pagtalakay
LEKTYUR O SEMINAR
WORKSYAP
o FORUM

✔ Lugar kung saan maaaring


pag-usapan at talakayin
nang masinsinan ang isang
paksa o isyu
✔ Unang isinagawa ng mga griyego bilang isang
pilosopikal na huntahan na may paksang pag-ibig
at kagandahan
o SYMPOSIUM
✔ Pagtitipon ng ‘di kalakihang bilang ng awdyens
upang makinig at makipagtalakayan ukol sa mga
natatanging paksa mula sa iba’t ibang
tagapagsalita na tumatalakay kadalasan sa iba’t
ibang perspektiba sa isang pangkalahatanfg tema.
o KUMPERENSYA

✔ Isang pormal na pagtatagpo ng mga tao upang


talakayin ang mga ideya o suliraning kaugnay ng isang
paksao isyu at kadalasang tumatagal ng ilang araw

✔ Karaniwang may iisang tema ngunit tumatalakay ng


iba’t ibang mga paksa
o KONGRESO

✔ May isang tiyak na usapin o paksa kung kaya’t nagtitipon-tipon ang mga kalahok ng
kongreso

✔ Layon nitong talakayin at pag-aralan ang isang


malaking paksasa mga plenaryong sesyon na syang
hinahanay sa mga magkakasabay na pulong
o ROUNDTABLE AT SMALL GROUP
DISCUSSION

✔ Maliliit na talakayang karaniwang sinasalihan ng hanggang


sampung kalahok at pinamumunuan ng 1-2 facilitator o
discussion leader

✔ Karaniwang isinasagawa na nakaayos na pabilog ang mga


kalahok upang manyutralisa ang ideya ng kapangyarihan sa
mga kalahok at higit silang maging komportable at malaya sa
pagpapahayag.

✔ Higit na personal sapagkat magkakalapit ang pagitan ng mga


kalahok; nabibigyan din ng pagkakataon ang lahat na
magbahagi.
o ROUNDTABLE AT SMALL GROUP
DISCUSSION

Mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng roundtable at small group discussion:

✔ Kailangang ilahad nang malinaw ng facilitator o discussion leader sa mga


kalahok ang layunin ng pagtatagpo.

✔ Kailangang ipaliwanag ang panuntunan sa pakikibahagi o pagpapahayag ng


ideya upang maging maayos ang takbo ng pagtalakay.

✔ Habang nagtatalakay, kailangang may nakatalaga upang magtala sa mga


pinakamahahalagang impormasyon at mga rebolusyong napag-uusapan ng
pangkat.

✔ Bilang pagwawakas, kailangang ihayag muli ng facilitator ang mahahalagang


puntong naitala mula sa talakayan.
o ASEMBLIYA
✔ Malakihang pulong na nilalahukan ng
mga miyembro ng isang organisasyon
o mga stakeholder nito upang
talakayin ang pinakamahahalagang
✔ Regular na pagkikita ng mga opisyal at/o kasapi isyung kinakaharap ng buong sistema
ng isang grupo o organisasyon upang mapag-   o organisasyon; karaniwang
usapan ang ilang mga isyung kinakaharap nila isinasagawa minsan sa anim na
bilang organisasyon, o ‘di naman kaya ay upang buwan o isang taon.
pag-usapan ang napapanahong plano para sa
pag-unlad at kabutihan ng organisasyon.

o PULONG
o PROGRAMA SA RADIO AT TELEBISYON

✔ Nagiging kasangkapan ang mga ito upang maabot ang higit na nakararaming mamamayan upang
malaman nila ang mahahalagang balita, isyu at impormasyon na maaaring maging daan ng kanilang
pagkamulat.

✔ Ilan sa mga programang panradyo at telebisyon na may malaking ambag sa pagpapataas ng ating kamalayan ay
ang mga dokumentaryo, mga balita at maging mga panlibang na palabas na kritikal na tumatalakay sa mga
isyung panlipunan.
o VIDEO CONFERENCING

✔ Isang paraan ng komunikasyon sa


  pagitan ng mga kalahok na nasa
magkalayong lugar na gumagamit ng teknolohiya ng video at kung
saan nagkakakitaan ang mga kalahok sa pamamagitan ng isang
screen.

✔ Video call - isang bersyon na posibleng magamit ng mga


estudyante upang masagawa ng video conference.
Mga paalala na dapat isaalang-alang sa paggamit ng video conference:

❑ Maging direkta sa mga nais ipabatid na mensahe.

❑ Iwasan ang paggamit ng mga ‘di berbal na senyas na maaaring hindi mapuna o makita ng ibang
kalahok sa komunikasyon.

❑ Magiging hamon ang kalidad ng daloy ng mensahe dahil sa bilis ng internet o ang tinatawag na
bandwidth.
o KOMUNIKASYON SA SOCIAL
MEDIA
✔ Social Media – isang anyo ng multimidyang plataporma sapagkat gumagamit
ito ng teksto, video, tunog, larawan at iba pang simbolo sa paghahayag ng mga
mensahe.

⮚ Sa Pilipinas (social media capital of the world) pangunahing nagagamit ang tatlong
anyo nito: Facebook, Twitter at Instagram.  

⮚ Maaaring itong magamit sa pagpapahayag sa anyong blog, video blog, posts, tweets,
shares, mga reaksyon at iba pa.

⮚ Ang mga paksang politikal, ekonomiko, pangkalikasan, relihiyoso, syentipiko at iba pa


ay maaaring maipabatid dito. Posible ring maging interaktibo ang mga talakayang ito
dahil may pasilidad din ang social media para sa mga komento at reaksyon.
o KOMUNIKASYON SA SOCIAL
MEDIA
Ilang mga konsiderasyon sa paggamit ng social media:

✔ Alamin at isaalang-alang ang target na tagatunghay, mambabasa o


makikisangkot sa mga mensahe sa social media.

✔ Maging tapat at responsible sa mga impormasyong ilalabas dito.


 
✔ Tiyakin ang kalinawan ng mga impormasyon upang hindi makapagdulot ng
kalituhan.

✔ Maging kritikal at iwasang makisangkot nang ‘di nag-iisip at nadadala


lamang ng damdamin at panatisismo sa mga diskursong makabuluhan.
E. SIPAT SA KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

Kakayahang Komunikatibo – pundasyon ng mahusay na pagbabahagi ng opinyon o


mensahe na inaasahang mag-aambag sa tagumpay ng komunikasyon
o KAKAYAHANG LINGGWISTIK

✔Kakayahan sa tunog ng wika, sa pagbuo


ng mga salita at sa gramatika ng wikang
ito (Savignon 1997; sa Bernales, et al.,
2016)

✔Mahusay na paggamit ng mga


bokabularyo at gramar ng wika sa antas
ng mga pangungusap.
o KAKAYAHANG DISKORSAL

✔ Abilidad na maunawaan at makalikha ng mga anyo ng wika na mas malawig


kaysa sa mga pangungusap

✔ Koneksyon ng isang pangungusap patungo sa isa pa upang makabuo ng higit


na mahahabang mga pahayag (Saez & Martin, 2010; sa Bernales, et al., 2016)
o KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK

✔ Kakayahang maunawaan ang konteksto ng lipunan kung saan


nangyayari ang komunikasyon

✔ Kabilang sa pag-unawang ito ang kaalaman sa gampanin ng


kalahok sa komunikasyon, ang pag-unawa sa mga ibinabahagi
nilang kaalaman at ang tunguhin ng nagaganap na ugnayan.

✔ Pumapasok din dito ang kakayahang pragmatiko - abilidad na


ipabatid ang mensahe na may sensibilidad sa kontekstong sosyo-
kultural at sa abilidad na mabigyang-kahulugan ag mga
mensaheng nagmumula sa iba pang kasangkot sa komunikasyon
(Fraser, 2010; sa Bernales, et al., 2016).
o KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK

⮚ Dito, mahalagang tandaan ang mga prinsipyo ng kooperasyon (Grice, 1975; sa


Clark, 2007) tulad ng sumusunod:

a) Prinsipyo ng kantidad – dami ng impormasyong kailangan ibigay


b) Prinsipyo ng kalidad – Katotohanan ng ibinibigay na impormasyon
c) Prinsipyo ng relasyon – halaga ng ibinibigay na impormasyon
d) Prinsipyo ng pamamaraan – paraan ng pagbibigay ng impormasyon
o KAKAYAHANG ESTRATEHIKO

✔ Abilidad ng isang indibidwal na ibalik sa makinis na pagdaloy


ang komunikasyon kapag ito ay nagiging problematiko na

✔ Mahalaga ito sapagkat hindi


maiiwasan ang pagkabasag ng
maayos na daloy ng impormasyon
na nagmumula kapwa sa mga
internal at eksternal na hadlang sa
komunikasyon
PAGSASANAY:

1. Sa kabila ng pagiging mabisang platform sa paghahatid at pagtugon sa mensahe o impormasyon, sa


iyong obserbasyon, ano pa ang mga negatibong dulot ng social media sa komunikasyon? Pangatwiranan
ang iyong sagot.

2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa konteksto, layunin at kalahok sa pagpili ng


pamamaraan upang makipag-ugnayan.

You might also like