You are on page 1of 18

*BARAYTI NG WIKA

1. DAYALEK - ito ang barayti ng wikang


ginagamit ng particular na pangkat ng
mga tao mula sa isang partikular na lugar
tulad ng lalawigan , rehiyon , o bayan.
Sa dayalekto nakikita na may pagkakaiba
ang salita , ang bigkas , ang tunog , at sa
tono o intonasyon , pagbuo ng
pangungusap. Maaaring mali ang
istruktura at iba ang mga salita ngunit
ang mga gumagamit ay makakaintindihan
at magkakaunawaan.
– nilikha ng dimensyong heograpiko.

URI NG DAYALEK
a) DAYALEK NA HEOGRAPIKO (batay sa
espasyo)
b)DAYALEK NA TEMPORA (batay sa
panahon)
c) DAYALEK NA SOSYAL (batay sa
katayuan)
Halimbawa: lalawigan ng
katagalugan;
Bulakan
Batangas
Bataan
Kabite
Laguna
Quezon
Rizal
2.IDYOLEK - nagpapakilala ng
kakayahan ng nagsasalita bunga ng
kaalaman , karanasan o pag-aaral ,
paraan ng pagsasalita o uri ng wikang
ginagamit , timbre ng boses o kwalitivng
boses o paboritong ekspresyon ng
nagsasalita.
– mga salitang namumukod tangi at
yunik.
HALIMBAWA:
1.ANO , alright , okay , actually , by
the way , as a matter of fact
2. Magandang umaga bayan – Noli
3. SOSYOLEK - nakabatay sa katayuan o
antas panlipunan o dimensyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika. nakikita
rito ang mga salita na ginagamit sa iba’t-
ibang antas ng buhay.
Kapansin-pansin kung paano makikitang
nagpapangkat-pangkat ang mga tao
batay sa ilang katangian.
– ginagamit ng iisang partikyular na
grupo

Halimbawa:
1. Oh my God! It’s so mainit nanaman
dito.
IBANG HALIMBAWA:
may hika , asthma - may allergy
mahina ang isip o matalino -
special child
sasakyan - wheels
tunog o musika - sounds
 
4. ETNOLEK -nadedebelop mula sa
salita ng mga etnolinggwistikong
grupo.
Ang salitang etnolek ay nagmula sa
salitang “ etniko “ at “dialek”.
Taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi nang
pagkakakilanlan ng isang pangkat-
etniko.
Halimbawa:
palangga-iniibig, sinisinta, minamahal

5. EKOLEK - ito’y wika kadalasang


ginagamit sa loob ng ating tahanan.

Halimbawa: pappy-ama/tatay
 
6. REGISTER - ang uri ng wikang
ginagamit na naiaangkop ng nagsasalita
sa sitwasyon at kausap. Nagkakaroon ng
pagbabago ang wika sa taong nagsasalita
o gumagamit ng wika. Kung sino ang
kausap o tagapakinig, anong paksa ang
pinag-uusapan at paraan o paano nag-
uusap.
 
7. PIDGIN – walang pormal na estraktura
ito ay umusbong na bagong wika o
tinatawag sa Ingles ng “ nobody’s native
language “ o katutubong wikang di pag-
aari ninuman. Nangyayari ito kapag may
dalawang taong nagtatangkang mag-usap
subalit pareho silang may kakaibang
unang wika kaya’t di magkakaintindihan
dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t –
isa.
-ginagamit ng dalawang indibidwal
na nag-uusap na may dalawa ring
magkaibang wika.

HAL:
isang wika na nakikilala maliban sa
sariling wika.(e.g., Magkaibigang
Ilonggo at Cebuano)
8. CREOLE - ang unang wika na ng
batang isinilang sa komunidad ng
pidgin. dahil sa naggagamit na ito ng
mahabang panahon, kaya’t nabuo ito
hanggang sa magkaroon ng pattern o
mga tuntuning sinusunod na ng
karamihan. Ito ngayon ay creole , ang
wikang nadedebelop sa mga
pinaghalohalong salita ng indibidwal
mula sa magkaibang lugar.
Hal:
>dalawang wikang natutunan
mula ng siyang isilang (e.g, mula
sa ina at ama)
9. HETEROGENOUS AT
HOMOGENOUS NG WIKA -
walang buhay na wika ang
maituturing na homogenous dahil
ang bawat isa ay binubuo ng
mahigit isang barayti.
 
-Masasabing HOMOGENOUS ang
wika kung lahat ng gumagamit
nito ay pare-parehong
magsasalita.
-HETEROGENOUS ang wika kung
nagkakaroon ito ng pagkakaiba-
iba barayti.

You might also like