You are on page 1of 27

FILIPINO 10

MODYUL 1 & 2
Mga Paksa:
Modyul 1: Pagpapahayag ng mahahalagang
kaisipan/pananaw
Modyul 2: Pag-uugnay ng mga kaisipan
Layunin:
• naipapahayag ang mahahalagang
kaisipan/pananaw sa nabasang,
mitolohiya.
• naiuugnay ang mga kaisipang
nakapaloob sa akda sa nangyayari sa
sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig.
Talasalitaan:
MITO agham o pag-aaral ng
mito/myth
KAISIPAN konsepto, ideya o
pananaw
Gawain 1:
Basahin ang talata. Pagkatapos, magpahayag ng 3
mahahalagang kaisipan nakuha dito.
Mashya at Mashyana: Mito ng Pagkalikha

Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae. Nagmula ang


ikaanim nag paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, Ahriman Mainyu na
sinasabing espirito ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na
wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd.
Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin Gayomard kaya nagpadala siya ng
demonesa sa katauhan ni Jeh.
Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula
sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay
ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman.
At dito nanggaling sina Mashya at Mashyana.
Tumulong sa Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.
Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal sa buong
daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.
Mahahalagang Kaisipan
1. Paghahangad na wasakin ang lahat ng nilikha
2. May tumubong isang puno na pinagmulan
ng lahat ng may buhay
3. Kumalat sa buong daigdig ang 15 kambal
at naging lahi ng sangkatauhan
Mga Gawain sa Pagkatuto:
1. Kaisipan
• nais na iparating ng manunulat sa mga
mambabasa
• maihahalintulad sa salitang konsepto,
ideya o pananaw
• 2. Sa pagtukoy ng kaisipan kailangan tandaan
ang sumusunod:
• Suriin ang akda
• Suriin ang pananaw
• Suriin ang kilos o gawi ng mga tauhan
• Suriin ang detalye at banghay
3. Pagpapahayag ng pananaw

Makabubuting may sapat na kaalaman sa


paksang pinag – uusapan upang masusing
mapagtimbang – timbang ang mga bagay at
maging katanggap – tanggap ang ating mga
opinyon o sariling paniniwala
Panuto:

Pakinggan ang mitong Si


Pygmalion at si Galatea.
Pagkatapos, sagutin ang
mga tanong.
Mula sa pakikinggang mito na Si Pymalion
at Galatea. Ipahayag ang mga
mahahalagang kaisipan/pananaw na
inilahad sa mito.
1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
Mga Kaisipan
•nagagawa ng tunay na pag-ibig
•pagiging maawain at mapagbigay
•pasasalamat ng taos-puso
Pag-uugnay ng mga kaisipan
Ang pag-uugnay ng kaisipan mula
sa isang akda at sa iba pang
kaisipan ay mahalaga upang lubos
na maunawaan ang nais ipahiwatig
ng isang akda.
Ito ang mga hakbang sa pag-uugnay ng iyong
kaisipan:
1. Tukuyin ang mahalagang kaisipan ng akda.
2. Iugnay mo ang mga kaisipang ito sa
nangyayari sa iyong sarili.
3. Maaaring iugnay ang kaisipan ng akdang
binasa sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa
nangyayari sa iyong sarili, sa pamilya,
pamayanan, lipunan at daigdig,
Basahin ang akdang “Si Gualyi at Churalyi”, ano
ang kaisipang namayani sa akda na nagsilbing
aral para sa iyo at iugnay mo nga ito sa mga
sumusunod:
Sa iyong sarili ______________________
Sa iyong pamilya____________________
Sa iyong lipunan ___________________
Si Gualyi at Churalyi
– Mitolohiya ng Kalsangi (Isinalin Mula sa Espanyol)
Noong unang panahon sa mahiwagang lupain ng Kalsangi, may
naninirahang mag-asawa na nagngangalang Churalyi at Gualyi.
Sila ay nagmamahalan, nagutom, umiyak at hinarap ang hirap ng
buhay. Sa kasamaang palad, hindi sila nagkaroon ng anak dahil
baka mapahamak ang bata sa mga masamang nilalang ng
Kalsangui. Kaya naman, nagsikap ang mag-asawa para puksain
ang mga nilalang sa Kalsangui para sa kanilang kaligtasan.
Akala nila na sila na lang dalawa ang naninirahan sa lugar na
iyon. Pero, hindi nila napansin sa mga taong nakalipas na merong
misteryosong nilalang na naninirahan din doon.
Isang gabi habang mahimbing na natutulog ang mag-asawa,
bumangon si Gualyi dahil sa narinig na kumakaluskos sa labas.
Agad namang ginising ni Gualyi si Churalyi, ang bana. “Ano ba
iyon? May narinig ka ba?,” tanong ni Gualyi. “Oo, may narinig
ako. Wala iyon. Nahuhulog lang na mga dahon iyon. Sige,
matulog ka na.,” sagot ni Churalyi.
Pabalik na sana sa pagtulog ang mag-asawa, nang may
narinig ulit si Gualyi. Dahil dito, lumabas si Churalyi sa kanilang
bahay dala-dala ang palakol para tingnan kung ano ang
nangyayari. Sa isang madilim na sulok, napansin niya ang isang
hayop na mas malaki sa kanyang bahay na tumitingin sa kanya.
Sa isang saglit, inihagis niya ang kanyang palakol diretso sa
dibdib ng hayop, ngunit maliit lang na sugat ang kanyang
nagawa.
Pero di kalaunan, nagpakilala ang hayop na hindi siya masama.
Ipinaliwanag niya na dumating siya para tulungan si Churalyi na
puksain ang mga masasamang nilalang sa Underworld o sa mundo
ng mga patay.
Matapos ang mahabang pakikipagsapalaran sa mundo ng mga
patay, nagpasalamat si Churalyi sa misteryosong nilalang at agad
na itong nawala at hindi na bumalik.
Pagdating ni Churalyi sa kanyang bahay, agad siyang kinamusta
ni Gualyi at hinatid ang balita na siya ay buntis. Ilang buwan ang
nakalipas, nanganak si Gualyi ng isang malusog na lalaki at
pinangalanan itong Coco.
Ilang taon ang nagdaan, si Coco na ang namuno ng malawak na
lupain ng Kalsangi matapos siyang iniwan ng kanyang mga
magulang. Siya ay namuhay ng masagana at nagkaroon na ng
sariling pamilya.
Ano ang kaisipang namayani sa akda na
nagsilbing aral para sa iyo at iugnay mo
nga ito sa mga sumusunod:
Sa iyong sarili ______________________
Sa iyong pamilya____________________
Sa iyong lipunan ___________________
PAGLALAHAT:
1. Kaisipan
2. Mga dapat tandaan sa pagkuha ng
kaisipan
3. Pagpapahayag ng Kaisipan/Pananaw
4. Mga hakbang sa pag-uugnay ng
kaisipan
Karagdagang Gawain:
Basahin ang akdang Cupid at Psyhe. Mula sa iyong akdang binasa na, ano ang kaisipang
namayani sa akda na nagsilbing aral para sa iyo at iugnay mo nga ito sa mga
sumusunod:
Sa iyong sarili ________________________________________________________
Sa iyong pamilya _____________________________________________________
Sa iyong lipunan ______________________________________________________

Pamantayan
Iniugnay na Kaisipan – 40%
Organisasyon ng ideya – 30%
Kabisaan sa wika – 20%
Kaisahan – 10%
Kabuoan – 100%
Maraming Salamat!
“Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual
Isang araw, lumabas si Aling Marta at tumungo sa pamilihan upang bumili ng garbansos dahil
paborito ito ng kanyang anak na magtatapos ng highschool sa araw na iyon. Pagkapasok niya sa pamilihan,
siya ay nabangga ng isang batang lalaki na nakasuot ng maruming maong at punit na kamiseta.
Pinagalitan ni Aling Marta ang bata at tumungo kay Aling Godyang upang mamili. Dumukot sa bulsa
si Aling Marta ngunit wala ang kanyang kalupi.
Naalala niya ang batang bumangga sa kanya at agad na hinabol ito sapagkat ito ay hindi pa
nakakalayo. Inakusahan niya ang bata at tumawag pa ng pulis ngunit wala sa bata ang nawawalang kalupi.
Ipinilit ni Aling Marta na ang bata talaga ang siyang nagnakaw kaya pumunta sila sa outpost. Pilit na
gustong paaminin ni Aling Marta ang bata kaya’t sinaktan niya ito. Nagpumiglas ang bata at nakawala.
Tumakbo siya patungo sa maluwang na daan ngunit siya ay nabangga ng isang humahagibis na sasakayan.
Mga ilang sandali bago siya namatay, pagatol-gatol niyang sinabi na wala silang makukuha sa kanya.
Pagkatapos nito, tuluyang pumanaw ang bata.
Umalis sa outpost si Aling Marta at nangutang upang makabili ng ulam para sa hapunan. Noong siya ay
pauwi, natatanaw na niya ang kanyang mag-ama. Nagtatakang nagtanong ang kanyang anak kung saan
niya nabili ang ulam.
Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit niya ang pera mula sa kanyang pitaka. Sinabi ng
kanyang asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at nawalan siya ng malay habang paakyat ng hagdanan.
Mga Katanungan:
1. Isa-isahin ang mga tauhan at ang mga katangian
nito.
2. Tama ba ang inasal ni Aling Marta sa batang
pulubi? Patunayan.
3. Anong bahagi ng teksto ang maaaring ihalintulad
ninyo sa nangyayari sa inyong pamilya?
4. Iugnay mo ang mga pangyayari kwento sa mga
nagaganap sa ating lipunan.

You might also like