You are on page 1of 31

ANG PANTIG AT

PALAPANTIGAN
An
ob
a ng a
Pan
tig?

Ang pantig ay binubuo ng isang


salita o bahagi ng isang salita na
binibigkas sa pamamagitan ng isang
walang antalang bugso ng tinig.
Kayarian ng Pantig
TRADISYUNAL NA KARAGDAGANG
KAYARIAN KAYARIAN
P KKP

KP PKK

PK KKPK

KPK KPKK

KKPKK
1.Mga Pormasyon sa
Pagpapantig
a. P- pantig na binubuo ng patinig lamang,
kaya’t tinawag na payak.

Halimbawa:

O-o, A-asa, Ma-a-ari


b. KP- pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na katinig sa unahan, kaya’t tinawag na
tambal-una.

Halimbawa:

Ba-ba-e, gi-ta-ra
c. PK- pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na katinig sa hulihan, kaya’t tinawag na
tambal-huli.

Halimbawa:

Ok-ra, is-da, ma-is


d. KPK- pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na katinig sa unahan at hulihan, kaya’t
tinawag na kabilaan.

Halimbawa:

Ak-lat, su-lat, bun-dok


Ngunit sa ngayon, dahil sa ang
Filipino ay patuloy na umuunlad at
samakatwid ay patuloy ring
nagbabago. Ang apat na pormasyon
ng mga pantig ay naragdagan ng mga
sumusunod:
e. KKP- pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na klaster sa unahan.

Halimbawa:

tse-ke, dra-ku-la, blu-sa


f. PKK- pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na klaseter sa hulihan.

Halimbawa:

blo-awt, eks-tra
g. KKPK- pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na klaster sa unahan at katinig sa hulihan.

Halimbawa:

plan-tsa, trum-pe
h. KPKK- patinig na binubuo ng patinig na
may tambal na katinig na klaster sa unahan at
klaster sa hulihan.

Halimbawa:

nars, kard, re-port


i. KKPKK- pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na klaster sa unahan at sa hulihan.

Halimbawa:

trans-por-tas-yon, tsart, blits-krig


2.MGA TUNTUNIN SA
PAGPAPANTIG

Simple lamang ang mga tuntunin ng


pagpapantig sa Pilipino.Hindi ito tulad ng sa
Ingles na lubhang masalimuot.
Narito ang ilang tuntuning dapat sundin sa
pagpapantig:

a) Hindi maaaring magkaroon ng dalawa o higit


pang patinig sa isangb pantig.

Halimbawa:
[ i-i-yak, i-a-a-lis, ba-o ]
b) Kung nagkakasunod ang dalawang katinig,
ang una’y ipinapantig sa patinig na sinusundan
at ang ikalawa’y sa patinig na sumusunod.
Halimbawa:
[ban-sa, kam-pa-na, sob-re]

*Ngunit laging tandaan na ang digrapong


ng ay dalawa, Kaya’t ang salitang nangunguna,
halimbawa, ay hindi sakop ng tuntuning ito
 na-ngu-ngu-na x nan-gun-gu-na
c) Hindi maaaring magkaroon ng higit sa
dalawang katinig sa unahan o sa hulihan ng
pantig.Sa ibang salita, maaari ang isa o dalawa,
ngunit hindi maaari ang tatlo o higit pa.

Halimbawa:
 trans-por-masyon x transp-or-mas-yon
*Sa Ingles ay karanaiwan ang mga klaster na
binubuo ng higit sa dalawang ponemang
katinig.
Hal. [discounts /diskawnts ]

*Tandaan ang pinag-usapan natin ay mga


ponema o makahulugang tunog na ipinakikita
sa pamamagitan ng transkripsyong ponemiko at
hindi ang ispeling o baybay ng isang salita.
3.PALAGITLINGAN

Bukod sa pangkaraniwang gamit ng gitling


sa paghahati ng salita, mayroon pang ilang
sadyang gamit ito sa palabaybayang Filipino,
tulad ng mga sumusunod:
a. Kapag ang salita ay inuulit.

Halimbawa:

Gabi-gabi paa-paano
Matamis-tamis malayung-malayo
Dala-dalawa babaing-babae
b. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at
ang salitang-ugat na nilalapian ay nagsisimula sa
patinig.

Halimbawa:

Mag-alis pang-ulo mang-una


Pang-ako may-ari pang-aral
c. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsasama.

Halimbawa:

Bahay na kubo bahay-kubo


Ningas ng kugon ningas-kugon
d. Kapag ang isang panlapi ay inilalapi sa
unahan ng isang ngalang pantangi.

Halimbawa:

Maka-Quezon taga-Nueva Ecija


e. Kapag ang panlaping ma- ay iniuuna sa mga
pang-uri, lalo na sa mga nag sisimula sa m at nag
bibigay ng kahulugang maging.

Halimbawa:

Ma-mayaman ma-mahirap
Ma-malaki ma-maliit
f. Kapag ang panlaping ika- ay iniuunlapi sa mga
tambilang.

Halimbawa:

Ika-10 Mag-iika-5

(Ngunit hindi na ginagamit ang gitling kapag


isinatitik ang bilang).
g. Kapag isinusulat nang patitik ang yunit ng
praksyon.

Halimbawa:

Isang-katlo (1/3) tatlong-kapat (3/4)


Tatlo at dalawang-kalima (3-2/5)
Walo at dalawang-katlo (8-2/3)
h. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtatambal.

Halimbawa:

Tawang-aso
Punong-kahoy
Dalagang-bukid
ANG KUDLIT
Ito ay ginagamit kung may nawawalang letra o
mga letra sa dalawang salitang pinag-uugnay.

Halimbawa:

Ako at Ikaw = ako’t ikaw


iba at iba = iba’t iba
Mayaman at mahirap = mayama’t mahirap
Bayan at lungsod = baya’t lungsod
A) Pantigin angb mga sumusunod:

1. Pinanalanginan
2. Ortograpiya
3. Salungguhitan
4. Iuuwi
5. transkripsyon
6. sustansya
7. kwentuhan
8. nakatunganga
9. makinilya
10. patutunguhan
B) Sabihin kung ang pormasyon ng pantig sa titik o mga titik na
may salungguhit P, KP,PK, KPK,KKP, PKK,KKPK,KKPKK

1. kaibigan
2. bunganga
3. kontrata
4. Istandard
5. prinsesa

C) Lagyan ng ekis (x) angb tapat ng salita dapat o maaaring


hindi na gitlingan.
6. Pag-asa
7. Tag-araw
8. Mag-usap
9. Bahag-hari
10. Pang-alis
D) Lagyan ng ekis (x) angbtapat ng salitang
maaaring hindi na kudlitan.

1. sapagka’t
2. buto’t balat
3. dalaga’t binata
4. nguni’t
5. subali’t

You might also like