You are on page 1of 31

ARALIN 2

KASAYSAYAN
AT PAGKAKABUO NG
WIKANG PAMBANSA
Sa loob ng mahabang panahon ng
pananakop ng Espanya, Espanyol
ang opisyal na wika at ito rin ang
wikang panturo.
Sa Konstitusyon ng Malolos (Enero
21, 1899), itinadhanang
pansamantalang gamitin ang Espanyol
bilang opisyal na wika bagama’t noon
pa ay nakita na ng mga bumuo ng
konstitusyong ito ang maaaring maging
papel ng Ingles sa bansa.
Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng
Pambansang Asemblea ang Konstitusyon
ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan
noong Mayo 14, 1935. Ang probisyong
pangwika nasa Seksiyon 3, Artikulo XIV
“Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang pangkalahatang
pambansang wika na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at
Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang
opisyal”
Wenceslao Q. Vinzons
- nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol
sa wikang pambansa
- Kinatawan mula sa Camarines Norte

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang


tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
Wikang Pambansa batay sa umiiral na katutubong
wika.”
Style Committee
- nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng
Konstitusyon
- Binago ang resolusyon

Manuel L. Quezon
- Unang isinagawa ang pagpapatupad ng probisyon

ukol sa pambansang wika


- Oktubre 27, 1936 – ipinahiwatig ang plano na
magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa
Tungkulin ng SWP (Pangulo)

- gumawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa


Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa
isang wikang umiiral sa bansa.
Nobyembre 13, 1936

- pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt


Blg.184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang
Pambansa.

1. gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas;


2. magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika; at
3. bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas,
mekanismo, at
panitikang tinatanggap
Enero 12, 1937

- hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian,


alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 184
Mga Nahirang
Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte)
Santiago A. Fonacier (Ilocano)
Filemon Sotto (Cebuano) – Isidro Abad
Casimiro Perfecto (Bicolano)
Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay)
Hadji Butu (Mindanao)
Cecilio Lopez (Tagalog)
Nobyembre 7, 1937
- inilabas ng Surian ang resolusyon na TAGALOG
ang gawing batayan ng pambansang wika.

Disyembre 30, 1937


- anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal
- lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
- nagpapatibay sa TAGALOG bilang
batayang wika ng Pambansang
Wika ng Pilipinas.
- Nagkaroon ng bisa pagkaraan ng 2 taon matapos na
maihanda at maipalimbag ang gramatika at diksyunaryo
ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938 hanggang
1940.
Hunyo 18, 1938
- may pagbabagong naganap sa Batas Komonwelt Blg.184
- sinusugan ang Batas Komonwelt Blg.333
- ang Surian ay ipinaiilalim sa tuwirang pamamahala at
pangangasiwa ng Pangulo ng Pilipinas. Binago nang
lubusan ang Seksiyon 10 ng Batas Blg. 184.
Ang Kalihim ng Edukasyon ang magpapatibay ng pasiya sa mga
suliraning pangwika. (Luma)

Ang Pangulo ang magpapatibay ng pasiya sa mga suliraning


pangwika at iyon ang magiging pamantayang pampanitikan sa lahat ng
lathalaing opisyal at aklat na pampaaralan.
Abril 1, 1940
- inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263

1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang


aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at

2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa


mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943
- “ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang
wika”
Hunyo 4, 1946
- ganap na ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570
- nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang
wika

Marso 6, 1954 – nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.


12
- pagdiriwang ng Linggo ng Wika (Marso 29-Abril 4)
- pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang
makata ng lahi

Setyembre 1955 – Proklamasyon Blg. 186


- Linggo ng Wika (Agosto 13-19)
- paggunita sa kaarawan ni Pang. Manuel Quezon
- “Ama ng Wikang Pambansa”
1959 – Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng
Pagtuturo
- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
- “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay
tatawaging Pilipino.”
Oktubre 24, 1967 – nilagdaan ni Pang. Marcos ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
- nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo at
tanggapan ng pamahalaan ay dapat
nakasulat sa Pilipino.
Marso 27, 1968 – inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap (Rafael Salas)
- Memorandum Sirkular Blg. 96
- lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at
sangay ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino
at may katumbas na Ingles sa ilalim nito.

1970 – naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa


bisa ng Resolusyon Blg.70.

Resolusyon Blg. 73 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon


- Isinama ang Ingles at Pilipino sa kurikulum mula elementarya-
kolehiyo
1974 – ipinatupad ang Bilingguwal sa bansa
1978 – iniatas ng Kautusan Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon
- pagkakaroon ng 6 na yunit sa Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo,
maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat ay kumuha ng 12 yunit

Marso 12, 1987 – Order Pangkagawaran Blg. 22 s.1987


- gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang
Pambansa
ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa

Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang


wika ng Pilipinas ay Filipino.
Tagalog bilang Batayan ng Pambansang Wika

Bakit?
1. Tagalog ang tumutugon sa lahat ng pangunahing kailangan ng Batas 184. (SWP)
- Tagalog ang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ginagamit
ng nakararaming mamamayan.
- Francisco “Balagtas” Baltazar (“Ama ng Panulaang Tagalog”)
* Florante at Laura
Batas Komonwelt Blg. 184 – Nobyembre 13, 1936
Pangulong Quezon-Norberto Romualdez
- (Tagapangulo ng Komite sa Pambansang Wika ng Unang
Pambansang Asemblea)

Memorandum Sobre la Lengua Nacional


- nagsasaad na sa lahat ng katutubong wika, ang Tagalog ang may
pinakamaunlad na katangiang panloob: estruktura, mekanismo at
panitikan at bukas sa pagpapayaman at pagdaragdag ng bokabularyo
Pamela Constantino
Dalawang konsiderasyong batayan sa pagpili ng Tagalog
1. Sentimentalismo o paghahanap ng pambansang identidad
2. Instrumental o Funsiyonal o batay sa gamit ng wika sa lipunan

TAGALOG – katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang


wika ng Pilipinas (1937)
PILIPINO – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas
(1959)
FILIPINO – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas,
- lingua franca
- opisyal na wika; Ingles

You might also like