You are on page 1of 1

LABANAN

ANG
PAGKALAT

G
N
FAKE NEWS!
1 HUWAG AGAD MANIWALA SA HEADLINES

Kadalasan headlines ang pumupukaw agad sa atensyon ng mga


awdiyens. Huwag agad magpaniwala sa kung ano ang unang
nabasa o nakita lalong lalo na kung ang pagkakasulat nito ay
hindi pormal at hindi katiwa-tiwala. Kadalasang nakasulat ito
sa malalaking letra at maraming tandang padamdam.

2 MAGING MAPANURI, TINGNAN MAIGI ANG LINKS/URL

Sa panahon ngayon, saan mang sulok ng mundo ng internet,


laganap na ang samu’t saring lunsaran ng mga balita. Mainam
na maging mapanuri sa mga balita bago ito paniwalaan.
Maghanap o pumunta sa mga pinagkakatiwalaang lunsaran na
nagbibigay ng mga totoong impormasyon.

3 MAGHANAP NG IBA PANG ULAT KAUGNAY NG NAKITANG BALITA

Kung sakaling nakakita ng balita na hindi katiwa-tiwala,


mabutihing maghanap o magsaliksik ng iba pang mga ulat ukol
dito. Obserbahan at pagkumparahing mabuti ang mga nakalap
na impormasyon bago ito ibahagi sa iba.

4 SURIING MABUTI ANG MGA LITRATO

Ang mga litratong kasama ng impormasyon o balitang nakita


ay suriing mabuti sapagkat laganap na ngayon sa social media
ang samu’t saring litrato na namanipula na ng ibang tao na
ginagamit nila upang makahakot ng awdiyens at magtrending
sa social media.

5 MAGING MATALINO SA PAGPILI NG MGA BALITANG IBABAHAGI

Bilang isang awdiyens ng mga kumakalat na balita, dapat


maging matalino sa pagpili sa mga impormasyong ibabahagi sa
madla. Timbanging mabuti ang mga nakalap na balita kung ito
ba ay makatotohanan at hindi magreresulta sa pagkalito ng iba
pang makakakita nito.

You might also like