Professional Documents
Culture Documents
Makrong Kasanayan
Makrong Kasanayan
PAKIKINIG
PAGSASALITA
PAGBASA
PAGSULAT
Panimula
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong
berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang
kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng
nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
Paggamot
Kahalagahan:
• matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na
madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng
pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita
Kritikal
Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng
ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang
narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa
narinig
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang
maintindihan
Mga elementong
Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig
• Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di
kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong
maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang
kakulangan sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay
hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil
sa nababagot sila kundi dahil sa mga
nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang
kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang
kahinaan na ng kanilang pandinig
Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.
Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa
madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya
sa oras na gising na gising na ang kanyang
kamalayan.
May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag,
ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa
oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga
tagapakinig.
Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas
aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante
panghapon.
Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at
babae
Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita
at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging
negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At
gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may
pansarili silang interes.
Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking
tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa
pagbibigay ng paliwanag.
Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig
kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip
Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng
mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone,
telepono, mikropono, radyo atbp.
Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng
mensahe ay ang personal na pakikipag-
usap kaysa sa paggamit ng instrumento
dahil malinaw na masasabi ang mensahe
gayon din ang kanyang emosyon.
Kultura
• Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging
dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa
pakikinig.
Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo
ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano.
Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.
Sa panayam, may mga tao na malayang
nakapagtatanong at sumasalungat habang
nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon
namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang
nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong
lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
• Konsepto sa sarili
ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na
maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon
sa sinasabi ng tagapagsalita.
Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa
kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay
maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting
katapusan.
• Lugar
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang
nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang
panayam.
Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot
ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga
tagapakinig.
MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang
tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan,
ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay
isang malaking tanong.
• Sleeper
Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang
tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensyong makinig.
• Tiger
Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng
reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita
upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang
susugod at mananagpang
• Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang
maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang
pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa
kanyang mga naririnig.
• Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang
may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha
ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang
kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang
oportunidad na makapagtanong para makapag-
paimpres.
• Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y
kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang
bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa
kanya, positibo man o negatibo.
• Busy Bee
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang
pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa
ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan
sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.
• Two-eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya
gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging
ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa
gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang
kawilihan sa pakikinig.
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG
AKTIBONG PAKIKINIG
• Kaalaman
• Kasanayan
• Tiwala sa Sarili
Mga Kasangkapan sa
Pagsasalita
tinig
bigkas
tindig
kumpas
kilos
Limang Kasanayan sa
Pagsasalita
Pakikipag-usap
pakikipanayam
pagkatang talakayan
pagtatalumpati
pakikipagdebate
Pakikipag-usap
Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang:
1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa
2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap
3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng
ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa nag-uusap
ang pagsasalita
4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at
karanasan ng nag-uusap
5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob
Pakikipanayam (Interbyu)
Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon
Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat –
ang sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang
sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-
aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring
magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng
kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang
pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-
pormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng
kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at
basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.