You are on page 1of 13

Week 6

MAIKLING KUWENTO
• Isang genre ng pasalaysay na akdang
pampanitikan na umiinog sa paglalahad ng
isang pangyayari.
• Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip at
puso ng mambabasa
ELEMENTO NG
MAIKLING KUWENTO
1. Pananaw- ang nagsasalita sa kuwento o
kung kaninong punto de vista nagaganap
ang kuwento. Ang pananaw ay maaaring:
A. Unang panauhan- tumutukoy sa taong
nagsasalita o kasama ang kanyang sarili;
ginagamit ang “ako, kita, tayo, akin, kami,
namin”
1. PANANAW
B. Ikalawang panauhan- mistulang
kinakausap ng manunulat ang tauhan sa
kuwento; ginagamit ang “ka, ikaw, mo, iyo,
kayo, inyo”
C. Ikatlong panauhan- tumutukoy sa taong
pinag-uusapan; ginagamit ang “siya, niya,
kaniya, kanila, sila”
ELEMENTO NG
MAIKLING KUWENTO
2. Tauhan- ang bumubuo sa daigdig ng
kuwento/nagbibigay-buhay sa kuwento
A. Tauhang bilog- nagbabago sa
katapusan ng kuwento
B. Tauhang lapad- walang ipinakikitang
pagbabago sa katapusan ng kuwento.
ELEMENTO NG
MAIKLING KUWENTO
3. Tagpuan- ang tawag sa panahon at pook
na pinangyayarihan ng kuwento.
4. Tunggalian- tumutukoy sa labanan ng
pangunahing tauhan at ng sumasalungat o
bumabangga sa kaniya. Ang tunggalian ay
maaaring tao laban sa kalikasan, tao
laban sa sarili, tao laban sa tao, o tao
laban sa lipunan.
4. TUNGGALIAN
A. Tao laban sa kalikasan- ang tauhan o
mga tauhan ay direktang naaapektuhan ng
mga puwersa ng kalikasan
B. Tao laban sa sarili- ang kinakalaban ng
tauhan ay sariling paniniwala o prinsipyo
C. Tao laban sa tao- kinakalaban ay ibang
tao; maaring taong nasa paligid
D. Tao laban sa lipunan- lumilihis ang
tauhan sa mga pamantayang itinakda ng
lipunan
ELEMENTO NG
MAIKLING KUWENTO
5. Banghay- tawag sa balangkas ng
pangyayari sa kuwento.
6. Tema- ang pangkalahatang kaisipang nais
palutangin ng may-akda sa isang maikling
kuwento.
 
EFREN R. ABUEG

• Si Efren R. Abueg (Marso 3, 1937) ang isa sa mga


ginagalang na nobelista, kuwentita, mananaysay, at
kritiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang
mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang
koleksiyon ng mga kwento. Ilan sa mga parangal ni
Efren R. Abueg ay ang Don Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature sa taong (1959,
1960, 1963, 1964, 1967 at1974).
EFREN R. ABUEG

• Sumulat at nag-edit din ng maraming mga


sanggunian aklat at ginamit hanggang sa
kasalukuyan sa kapwa pribado at publikong
paaralan, mula elementary, sekundarya hanggang
sa kolehiyo.
SARANGG
OLA EFREN R. ABUEG

1. Pananaw
2. Tauhan
3. Tagpuan
4. Tunggalian
5. Banghay
6. Tema
SARANGG
OLA EFREN R. ABUEG

Kakintalan:
1. Dapat palaging tayong makikinig sa ating mga
magulang at sundin ang kanilang mga payo dahil
ang hangad lamang nila ay kung ano ang
makakabuti sa atin.
2. Ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat
palagi tayong magsikap at paghusayin ang pagawa
para sa ikakaunlad natin.

You might also like