You are on page 1of 8

LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG

PANLAHAT
Kabutihang Panlahat
Ano ang kabutihang panlahat?
Ang kabutihang panlahat ay ang pagdedesisyon ng hindi lamang sa ikabubuti ng
ating sarili bagkus ay sa ikabubuti ng nakararami.dahil sabi nga walang sinuman ang
nabubuhay ng para sa sarili lamang.Ito ay Pagpapahalagang naiiba sa pansariling
kapakanan. Ito ay ang kabuuan ng Pamumuhay Pangkabuhayan,Panlipunan at
pangkultural na nagbibigay daan sa tao upang kaagad nilang matamo ang kaganapan
ng kanilang pagkatao.Ito rin ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na
ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi sa lipunan.
Tatlong Elemento ng Kabutihang Panlahat:

1. Paggalang sa Pagkatao ng indibidwal


Ang paggalang sa kapwa ay paggalang sa kanyang dignidad,pagpapakita ng respeto at
paggalang sa kanyang mga karapatang pantao.

2. Kagalingang Panlipunan
Tungkulin ng Pamahalaan na bigyan ang tao ng kanilang mga pangunahing
pangangailangan tulad ng mabuting trabaho,sapat na pagkain,edukasyon atbp.

3. Kapayapaan at kaligtasan
Tungkulin ng mga maykapangyarihan na tiyakin ang kaligtasan at mapanatili ang
kapayapaan sa lipunan.tungkulin nilang maipatupad ang batas upang maayos ang
kalakaran sa lipunan.
MGA GABAY NA TANONG:
1. Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang lahat?

2. Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?


Pangkatang Gawain:
Bumuo ng pangkat na may 3 miyembro at magpamalas ng dula-dulaan na nagpapakita ng
pagkamit at pagpapanatili ng kabutihang panlahat.

Rubrics:
30% - Pagkaorganisado
50% - Nilalaman
20% - Pagiging maparaan

You might also like