You are on page 1of 97

Araling

Panlipunan
Grade 4 - HOSEA
Mga Lugar sa Pilipinas na
Sensitibo sa Panganib
Grade 4 - Hosea

2
3
◎ Maraming natural na sakuna na
nararanasan sa Pilipinas taon-taon.
◎ Ayon sa World Risk Index 2012, ikatlo
ang Pilipinas sa 173 bansa na
pinakasensitibo sa mga kalamidad at
natural na sakuna.

4
Ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire

• Nakalatag ang kapuluan ng Pilipinas sa kanlurang bahagi


ng Pacifi Ocean, sa rehiyong tinaguriang Pacific Ring of
Fire.
• Tinatawag ding Circum-Pacific Belt of Fire, ang hugis-
horseshoe na Pacific Ring of Fire ay may habang 40 000
kilometro at katatagpuan ng mahigit 400 na bulkan.

5
6
Ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire

• Pitumpu’t limang bahagdan ng mga aktibong bulkan sa


daigdig ang nasa Pacific Ring of Fire.
• Sa rehiyon ding ito nararanasan ang mag 90% ng paglindol
sa daigdig.
• Nabuo ang Ring of Fire bilang resulta ng pagtuloy na
paggalaw ng tectonic plates.

7
Ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire

• Ang tectonic plates ay malalaking tipak ng bato na


bumubuo sa crust ng daigdig. Tila mga piraso ito ng puzzle
na nagbabanggaan, nagkikiskisan, at naghihiwalay bunsod
ng gravity at pag-ikot ng init sa kaibuturan ng daigdig.

8
Ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire

• Ang kinalalagyan ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire ay


ang dahilan kung bakit malimit maranasan sa banda ang
pagputok ng bulkan at mga paglindol.

9
Pagputok ng Bulkan

• May mahigit 50 aktibong bulkan sa Pilipinas.


• Isa pang sakuna na maaaring idulot ng pagsabog ng bulkan
ay ang lahar.
• Ang lahar ay ang rumaragasang putik ng pinaghalong
tubig at bulkanik na materyal.

10
Pagputok ng Bulkan

• Halimbawa ng mapaminsalang pagsabog ng bulkan na


naranasan sa Pilipinas ay ang pagsabog ng Mount
Pinatubo noong Hunyo 1991.
• Nangyari nag pagsabog na ito matapos ang 600 taon na
pananahimik ng bulkan.

11
Hazard Map

• Ito ay ang mapa na nagpapakita sa mga bahagi ng isang


lugar na maaring maapektuhan o sensitibo sa panganib na
dulot ng mga sakunang tulad ng pagsabog ng bulkan,
pagdaloy ng lahar, paglindol, pagbaha, atbp.

12
Paglindol at Tsunami

• May dalawang uri ng paglindol na nararanasan sa


Pilipinas; ang tectonic earthquake at volcanic
earthquake.

13
Tectonic Earthquake

• Ito ay bunsod ng paggalaw ng tectonic plates.


Malimit itong maranasan sa Pilipinas bunsod ng
pagkaipit ng bansa sa pagitan ng nagbabanggaang
Eurasian Plate at Philippines Plate.

14
Volcanic Earthquake

• Ito ay ang pagyanig ng lupa na dulot ng volcanic


activity.

15
• Halimbawa ng mapaminsalang lindol na nangyari sa
Pilipinas ay ang 1990 Luzon Earthquake.
• Nangyari ang magnitude 7.8 na lindol na ito noong
Hulyo 16, 1990.
• May sampung biloyong pisong halaga ng mga
impraestruktura at ari-arian ang winasak ng lindol.

16
Fault Line

• Ay bitak sa lupa na maaaring humantong sa


malaking bahagi o uka sa lupa sa pagkakaroon ng
malakas na lindol.

17
Trench

• Ay ang pahaba at malalim na lukab sa kailaliman ng


karagatan.
• Nabubuo ito bunsod ng pagbabanggaan ng tectonic
plates, kung saan ang isang tectonic plate ay
pumapailalim sa isa pang tectonic plate.

18
PHIVOLCS
(Philippines Institute of Volcanology and Seismology)

• Ay ang ahensiya ng pamahalaan na may tungkuling pag-


aralan, siyasatin, at magsaliksik tungkol sa paglindol at
pagsabog ng bulkan.
• Ito rin ang ahensiyang nagbibigay-kaalaman at babala sa
mga mamamayan tungol sa naturang mga sakuna.

19
Tsunami

• Ay ang dambuhalang alon na dulot ng paglindol,


pagputok ng bulkan, o pagguho ng lupa sa ilalim ng
karagatan.

20

Pagbagyo, Storm Surge,
Landslide, at Pagbaha

21
Pagbagyo

• Malimit na makaranas ng pagbagyo ang Pilipinas


bunsod ng lokasyon nito sa kanlurang bahagi ng
Pacific Ocean.

22
Storm Surge

• Ay ang abnormal na pagtaas ng tubig tuwing may


bagyo.

23
Floodplain

• Ay mababang kapatagan na malapit sa anyong tubig


tulad ng ilog o sapa.

24
Populasyon sa
Pilipinas
Grade 4 - HOSEA

25
 Ayon sa 2010 sensus ng National
Statistics Office, nasa maghigit 92
340 000 katao ang populasyon ng
Pilipinas.
 Isinasagawa ang sensus sa Pilipinas
kada limang taon.

26
Populasyon
◎ Ay tumutukoy sa kabuoang
bilang ng mga taong
naninirahan sa isang lugar.

27
 Palaki ng palaki ang populasyon
sa Pilipinas.
 Makikita ang paglago ng
populasyon (population growth)
sa Pilipinas.

28

Distribusyon ng
Populasyon sa Pilipinas

29
Distribusyon ng tao
(population distribution)

◎ Ay ang kaayusan o
diseminasyon ng mga
taong naninirahan sa isang
partikular na lugar.

30
Mapang
pampopulasyon
◎ Ay ang mapang nagpapakita ng
impormasyon tungkol sa mga
taong naninirahan sa isang
partikular na lugar.

31
Mapang pampopulasyon
◎ Halimbawa ng impormasyong ito ay
nag lokasyon, komposisyon, at
sosyo-ekonomikong katangian ng
populasyon sa isang bansa.

32
• Ipinakita sa mapang pampopulasyon ang distribusyon ng
populasyon sa mga rehiyon ng Pilipinas.
• Ang CALABARZON ang may pinakamalaking populasyon
sa 18 rehiyon sa Pilipinas.
• Sinundan ito ng NCR at Gitnang Luzon sa ikalawa at
ikatlong puwesto.
• Ang MIMAROPA, CARAGA, at CAR ang may
pinakamaliit na populasyon sa Pilipinas.

33
• Sa mga lalawigan sa Pilipinas, ang Cavite and nagtala ng
pinakamalaking populasyon sa 3 090 000. Sinundan ng
Bulacan sa 2 900 000 at Pangasinan sa 2 780 000.

34
• Ang tatlong lalawigan naman sa banda na may
populasyon na mas kaunti kaysa 100 000 katao
ay ang Batanes, na may16 604 katao; Camiguin,
83 807; at Siquijor, 91 066.

35
• Samantala, kung noong 1960 ay may sangkapat
lamang ng populasyon ng Pilipinas ang
naninirahan sa mga pook-urban, subalit sa
pagdating 2010, tumaas ito sa mga 50 bahagdan.

36

Kakapalan ng Tao sa
Pilipinas
37
Kakapalan ng Tao (population density)

• Ay tumutukoy sa bilang ng tao kada sukat ng isang


partikular na lugar.
• Karaniwang sinusukat ang bilang ng tao kada kilometro
kuwadrado o milya kuwadrado.
• Ang lugar ay maaring bayan, lungsod, rehiyon, o bansa.

38
Kakapalan ng Tao (population density)

• Ang kakapalan ng tao ay tumbasan sa pagitan ng


kabuoang populasyon at kabuoang sukat ng lugar na
maaaring makuha gamit ang sumusunod na pormula;

Kakapalan ng tao = populasyon


kabuoang sukat ng lugar

39
• Sa kabuoan, mayroon ang Pilipinas na kakapalan
ng tao na 308 noong 2010.
• Ibig sabihin, may 308 Pilipino kada kilometro
kuwadrado sa Pilipinas.

40
• Ang NCR ang may pinakamataas na kakapalan
ng tao sa 19 137 katao kada kilometro
kuwadrado.
• Sinundan ito ng Rehiyon IV-A sa 758 kilometro
kuwadrado.

41
• May apat na rehiyon pa ang may mas mataas na
kakapalan ng tao kaysa sa Pilipinas sa kabuoan.
• Ito ay ang Rehiyon III (460 katao kada kilometro
kuwadrado), Rehiyon VII (428 katao kada kilometro
kuwadrado), Rehiyon I ( 366 katao kada kilometro
kuwadrado, at Rehiyon IV (342 katao kada kilometro
kuwadrado).

42
• Sa kabilang banda, nagtala naman ang mababang
kakapalan ng tao ang CAR (82 katao kada
kilometro), Rehiyon IV-B (93 katao kada
kilometro kuwadrado), at ARMM (97 katao kada
kilometro kuwadrado).

43
Likas na Yaman at
Kabuhayan sa
Pilipinas
Grade 4 - HOSEA

44
45
Epekto ng Kapaligiran sa Uri ng Kabuhayan

• Malaki ang kinalaman ng lokasyon ng isang lugar sa


gawaing pangkabuhayan ng mga mamamayan doon.
• Iniaayon ng mga tao ang kanilang hanapbuhay sa
kanilang kapaligiran bilang bahagi ng kanilang
pakikiangkop.

46
Likas na Yaman at Kabuhayan

• Kung ano ang anyong lupa’t tubig at likas na


yamang nasa kanilang lalawigan o rehiyon ay iyon
ang kanilang paingyayaman at pinagkukunan ng
ikabubuhay.

47
Pag-aangkop Bilang Bahagi ng Pagtuon sa
Pangangailangan

• Sa mga pamayanang sakahan at pangisdaan


nagmumula ang bigas, isda, at mga gulay na
kailangan upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain.

48
Pag-aangkop Bilang Bahagi ng Pagtuon sa
Pangangailangan

• Sa mga pamayanang pastulan naman nagmumula ang


karneng pantugon din sa pangangailangan sa pagkain.
• Sa mga pamayanang malapit sa gubat naman nagmumula
ang mga tablang ginagamit sa pagtatayo ng mga bahay at
paggawa ng mga kasangkapan sa bahay.

49
Pag-aangkop Bilang Bahagi ng Pagtuon sa
Pangangailangan

• Sa mga pamayanang minahan nagmumula ang mga


mineral, bato, at bakal na kailangan sa paggawa ng mga
bahay at gamit sa bahay tulad ng palayok, kutsara, at
tinidor.

50

Gawaing Pangkabuhayan
sa iba’t-ibang lugar

51
Pagsasaka sa Gitnang Luzon

• Ang kapatagan ng Gitnang Luzon ang pinakamalaking


kapatagan sa buong Pilipinas.
• Mayroon din namang mga bundok sa Gitnang Luzon
tulad ng Mt. Arayat at Mt. Samat. Dito din matatagpuan
ang Bulkang Pinatubo.

52
Pagsasaka sa Gitnang Luzon

• Ang matabang lupain ay pinagtatamnan ng palay, mais,


at tubo.
• Mula sa mga ilog at mga dam tulad ng Ipo Dam at Angat
Dam kumukuha ng tubig ang mga magsasaka para sa
irigasyon ng kanilang mga pananim.

53
Pagsasaka sa Davao Region

• Ang Davao Region ay matatagpuan sa Mindanao.


• Mababa ang lupain sa Davao at mayroon itong
malalawak na kapatagan na may matabang lupa.
• Dito rin matatagpuan ang tanyag na Mt. Apo at ilang mga
bundok na bahagi ng Diwata Mountain Range.

54
Pagsasaka sa Davao Region

• Tulad ng Gitnang Luzon ay mataba ang lupa sa malawak


na kapatagan ng Davao Region kaya agrikultural ang
pamumuhay ng mga tao rito.
• Kung palay, mais, at tubo ang pangunahing mga pananim
sa Gitnang Luzon, saging, durian, at kape naman ang sa
Davao.

55
Pagsasaka sa Davao Region

• Kilala ang Davao City dahil sa durian.


• Ang Compostella Valley naman ang pinakamalaking
prodyuser ng kape sa bansa.
• Ang rehiyon ang responsible sa humigit kumulang na
40% ng produksiyon ng saging sa buong bansa at
karamihan sa mga saging na mula sa Davao Region ay
iniluluwas papunta sa iba’t-ibang bansa.

56
Pagsasaka, Pangingisda, at Kalakalan sa Iloilo

• Ang lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa Kanlurang


Visayas.
• Mabundok ang hangganan nito at ng mga lalawigan ng
Antique at Capiz.
• Mula sa mga bundok ay pababa nang pababa ang
elebasyon sa mga burol hanggang maging patag sa mga
lugar malapit sa baybayin.

57
Pagsasaka, Pangingisda, at Kalakalan sa Iloilo

• Dahil sa katangiang pisikal nito, maraming magsasaka at


mangingisda sa lalawigan.
• Pangunahing produkto ang palay, mais, tubo.

58
Turismo sa Palawan

• Ang lalawigan ng Palawan ay kabilang sa MIMAROPA.


• Kilala ang Palawan dahil sa angking katangiang pisikal
nito na siya ring nagbibigay ng hanapbuhay sa mga tao
roon.

59
Turismo sa CamSur

• Ang Camarines Sur o mas kilala bilang CamSur ang


pinakamalaking lalawigan sa Bicol.
• Nagsimula ang CamSur bilang isang agrikultural na lalawigan.
• Marami sa mga mamayan nito ay patuloy na nagtatanim ng
abaka, mangingisda, at gumagawa ng mga produktong-kamay
tulad ng mga sisidlan

60
Industriya at Turismo sa Cebu
• Kabilang ang lalawigan ng Cebu sa Gitnang Visayas. Ito ang
sentro ng kalakalan, turismo, negosyo, at industriya sa Visayas.
• Malaki ang naitulong ng industriya ng pagbabarko sa pag-unlad
ng ekonomiya ng Cebu.
• Halos 80% ng mga kompanyang gumagawa ng barko at
nagsasagawa ng paglalagyag ay may punong tanggapan sa Cebu.

61
Industriya at Turismo sa Cebu

• Unti-unti ring nakikilala ang Cebu dahil sa magaganda at mataas


na nakilala ang Cebu dahil sa magaganda at mataas na kalidad ng
muwebles at mga kasangkapang pambahay.
• Hindi rin maikakaila ang kontibusyon ng turismo sa pag-unlad
ng Cebu.

62
Industriya at Turismo sa Cebu

• Dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista ang Cebu dahil sa


mga makasaysayang mga pook tulad ng Magellan’s Cross at sa
magaganda nitong dalampasigan at resort.
• Tanyag na destinasyon ang Mactan Island at Moalboal kung saan
may pinong putting buhangin ang dalampasigan.

63
Kalakalan at Negosyo sa CDO

• Ang Cagayan de Oro o CDO ay isang urbanisadong lungsod na


bahagi ng lalawigan ng Misamis Oriental sa Hilagang Mindanao.
• Karaniwang iniuugnay ang CDO sa whitewater rafting na
dinarayo ng mga turista.
• Ngunit sa kasalukuyan, ang CDO ay nakaranas ng pag-unlad
hindi lamang dahil sa lakas ng turismo nito.

64
Kalakalan at Negosyo sa CDO

• Sa kasalukuyan ay itinuturing ang CDO bilang automotive hub


ng Mindanao dahil sa masiglang kalakalan ng mga sasakyan
dito.
• Matatagpuan dito ang mga dealership at service station ng iba’t
ibang dayuhang kompanya ng sasakyan.

65
Kalakalan at Negosyo sa CDO

• Patuloy pa rin namang umuunlad ang agrikultura sa CDO.


• Kabilang sa mga pangunahing produkto ang bigas, mais, mga
gulay, abaca, cacao, at mga halamang ugat.

66
Pagtangkilik sa Lokal na Produkto

• Sa pamamagitan ng kalakalan ay nakarating sa iba’t ibang bahagi


ng bansa ang mga produkto mula sa bawat lalawigan at rehiyon.
• Gayunpaman, may mga produkto ring mula sa ibang bansa.
Nakikipagkalakalan din kasi ang Pilipinas sa ibang mga bansa.

67
Pagtangkilik sa Lokal na Produkto

• Bagaman may mga produkto mula sa ibang bansa, hindi ibig


sabihing dapat ay higit na tangkilikin ang mga ito kaysa sa mga
lokal na produkto.
• Maraming lokal na produkto ang kasing-husay o higit na
mahusay pa ang pagkakagawa kaysa sa mga galing sa ibang
bansa.

68
Pagtangkilik sa Lokal na Produkto

• Makakabuti at makakatulong sa mga kapuwa Pilipino


ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto.
• Makadaragdag ito sa kanilang kita. Dahil dito ay higit
silang makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

69
Ilang Hamon sa mga Gawaing Pangkabuhayan

• May mga hamong kinakaharap ang mga Pilipino kaugnay ng


mga gawaing pangkabuhayan.
• Ito ay maaaring likas o kagagawan din mismo ng mga tao.
• Kabilang sa likas na hamon ang pagbabago ng kalagayang
pangklima.

70
Ilang Hamon sa mga Gawaing Pangkabuhayan

• Nasisira ang mga palayan at taniman ng gulay kapag may


malalakas na bagyo.
• Nasisira at umaapaw naman ang mga palaisdaan kapag may
baha.
• Kabilang naman sa hamong kagagawan ng tao ang polusyon at
pagkasira ng kagubatan.

71
Ilang Hamon sa mga Gawaing Pangkabuhayan

• Dahil sa polusyon sa mga anyong tubig ay nangangaunti at


nangamamatay ang mga isda at iba pang yamang tubig.
• Dahil naman sa pagkasira ng kagubatan ay nawawalan na ng
pagkakataong makapaghanapbuhay ang maliliit na magtotroso.

72
Pangangalaga sa
Likas na Yaman ng
Pilipinas
Grade 4 - HOSEA

73
• Lubhang mahalaga ang mga likas na yaman upang matugunan
natin ang ating mga pangangailangan.
• Gayunpaman ay apektado ang mga ito ng iba’t ibang isyung
pangkapaligiran.
• Ano nga ba ang mga isyung pangkapaligirang hinaharap natin
sa kasalukuyan?
• Paano ito mabibigyan-lunas upang patuloy na matamasa ang
biyaya mula sa likas na yaman?

74
Kahalagahan ng pangangalaga sa likas
na yaman
• Maraming biyaya ang nakukuha natin mula sa ating mga likas na
yaman.
• Gayunpaman, mahalagang mabatid na hindi panghabambuhay
ang ganitong kalagayan.
• Kung hindi pangangalagaan ang mga likas na yaman ay darating
ang panahon na mangangaunti ang mga ito at hindi sasapat
upang tugunan ang ating mga pangangailangan.

75
Tungo sa Pagtuloy na Pagtatamasa ng
Biyaya
• Mahalagang pangalagaan natin ang ating mga likas na
yaman upang patuloy nating matamasa ang mga biyayang
dulot ng mga ito.
• Mahalagang panatilihing malinis ang mga dagat, lawa,
ilog, at iba pang anyong tubig.
• Sa gayon ay patuloy tayong makapanghuli ng mga isda,
kabibe, at iba pang lamang-dagat.
76
Tungo sa Pagtuloy na Pagtatamasa ng
Biyaya
• Sa pamamagitan nito ay patuloy tayong makaani ng
mataas na uring palay at mga gulay.
• Mahalaga ring pangalagaan ang ating mga kagubatan
upang patuloy tayong makakuha ng materyales para sa
mga muwebles at sangkap sa mga gamot.

77
Tungo sa Pag-unlad ng Bansa

• Maging para sa kalagayan ng buong bansa ay mahalaga


ang pangangalaga sa mga likas na yaman.
• Matatandaang iniaangkop ng mga mamamayan ang
kanilang kabuhayan sa mga likas na yaman sa kanilang
lugar .

78
Tungo sa Pag-unlad ng Bansa

• Pinagyayaman nila ang mga likas na yaman upang


maisulong ang pag-unlad ng kanilang pamayanan at ng
buong bansa.
• Sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga likas na yaman
ay patuloy na uunlad ang mga pamayanang sakahan,
pangisdaan, minahan, industriyal, at iba pa.

79
Tungo sa Pag-unlad ng Bansa

• Patuloy ang mga pamayanang ito na makapagbibigay ng


mga produktong kailangan ng mga mamamayan sa iba’t
ibang bahagi ng bansa.
• Patuloy ring magkakaroon ng mga produktong maaring
iluwas sa ibang mga bansa.

80
Ilang isyung pangkapaligiran at tugon sa mga ito

◎ Iba’t ibang uri suliraning pangkapaligiran ang nararanasan sa mga


lalawigan at rehiyon ng bansa.

◎ Ilan dito ang may kinalaman sa pagtatapon ng basura, pagpapalit-gamit ng


lupa, at pagkamatay ng mga hayop at halaman.

◎ May mga hakbang na ginagawa ang mga mamamayan at pamahalaan


upang bigyang-lunas ang mga suliraning pangkapligiran.

81
Polusyon sa Lupa
◎ Iba’t – ibang suliranin ang bunga ng hindi wastong pagtatapon ng basura.
Dahil sa dumi ng paligid at maglipana ang mga langaw, ipis, at maging
daga.

◎ Ang mga hayop na ito ang nagiging tagapagdala ng mikrobyong sanhi ng


sakit. Kapag malakas ang ulan ay mabilis magbaha pagkat barado ng mga
basura ang mga kanal at estero.

82
Polusyon sa Lupa
◎ Isinasagawa naman ang pahihiwalay ng basura upang makapagresiklo at
gawing pataba sa lupa ang mga nabubulok na basura.

◎ May ilang pangkat ding nakikiisa upang linisin ang mga basura sa kalsada,
kanal, at estero.

◎ Itinuturo ang pagbawas sa paggamit ng plastik na siyang pangunahing


sanhi ng pagdami ng basura na hindi naman nabubulok.

83
Polusyon sa Lupa
◎ Malaki ang naibawas sa polusyon sa lupa ng pagbabago ng gawi
ng mga tao pagdating sa pagtatapon ng basura.

◎ Tunay na nababawasan ang mga langaw, ipis, at daga.

◎ Nagiging malinis at mabango na ang paligid at hindi na binabaha.

84
Polusyon sa Tubig
◎ Pangunahing sanhi nito ang malalang polusyon sa tubig.

◎ Dulot ito ng pagtatapon ng basura at maging mga kemikal sa mga


anyong tubig.

◎ Dahil sa pagkamatay ng mga isda at iba oang yamang tubig ay


lubhang apektado ang mga mamamayan, lalo na sa mga pamayanang
pangisdaan.

85
Polusyon sa Tubig

◎ Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan na


pangalagaan ang mga anying tubig.

◎ Naglalagay ng mga babala at paalalang huwag magtapon ng basura


sa ilog, lawa, at dagat. Nagtatag din ng mga pangkat ng batay-ilog o
bantat-dagat.

86
Polusyon sa Tubig

◎ Ilang mga dating mangingisda ang nagiging tagapagbantay upang


mapigilan ang nga tao na magtapon ng basura sa ilog.

◎ Sila rin ang nag-uulat sa pamahalaan kung may mga kemikal pa ring
itinatapon ang mga pagawaan at pabrika na malapit sa mga anyong
tubig.

87
Polusyon sa Tubig

◎ Dahil sa pagtigil ng pagtatapon ng basura at kemikal sa mga anyong


tubig ay muling magiging malinis ang mga ito.

◎ Muli ring dadami ang mga isda at yamang tubig na maaaring


pakinabangan ng mga mamamayan.

88
Polusyon sa Hangin

◎ Sa mga pook urban ay malaking suliranin ang polusyon sa hangin.


Pangunahing sanhi nito ang usok mula sa mga sasakyan at mga
pagawaan.

◎ Dulot ng polusyon sa hangin ang hika at iba pang sakit sa baga.

◎ Labis itong nakaaapekto sa kalusugan at pamumuhay ng mga


mamamayan.

89
Polusyon sa Hangin
◎ Pinaiigting ngayon ng pamahalaan ang pagpapatupad ng batas para sa
malinis na hangin.

◎ Ang mga opisyal ng iba’t ibang tanggapan ay nagtutulungan upang mahuli


ang mga smoke belcher.

◎ Ang mga pribadong grupo ay patuloy sa paggawa ng mga aktibidad na


nagpapamulat sa mga tao ng masasamang dulot ng polusyon sa hangin at
kung paano ito mababawasan at tuluyang mapupuksa.

90
Malawakang
Pagkamatay ng
Hayop at Halaman
◎ Sa ilang bahagi ng bansa ay kapansin-pansin ang pagbaba
ng populasyon ng mga partikular na hayop at halaman.
◎ Dahil ditp nawawala o nababawasan ang mga antas ng
pagkakaiba-iba ng mga hayop at halaman sa mga
partikular na lugar.
◎ Tinatawag itong pagkawala ng biodiversity.

92
◎ Ang mga malubhang pagbabago sa kapaligiran ang
karaniwang sanhi ng pagkawala ng biodiversity.
◎ Kabilang dito ang labis na polusyon sa mga anyong lupa,
pagkakalbo ng mga kagubatan, at paggamit ng dinamita o
lason sa pangingisda.

93
◎ Isinusulong ng pamahalaan at mga samahang makakalikasan
ang iba’t ibang programa upang mapigilan ang pagkawala ng
biodiversity.

◎ Kabilang dito ang paglulunsad ng kampanya para sa likas-


kayang pag-unlad, pangangalaga sa kagubatan, at wastong
paraan ng pangingisda.

94
Pagpapalit-gamit ng
Lupa
◎ Nakakita ka na ba ng mga dating palayan na ginawang
subdivision, mall, o golf course?

◎ Pagpapalit-gamit ng lupa ang tawag sa ganitong sitwasyon.

◎ Malaking suliranin ang pagpapalit-gamit ng lupa.

◎ Nawawalan ng lupain ang mga magsasaka kaya nababawasan


ang maipoprodyus na mga pananim.

96
◎ Nariyan din ang posibilidad ng polusyon sa mga itinatatag na
pook-residensiyal at lugar-komersiyal sa mga dating taniman.

◎ Isinusulong ngayon ng iba’t ibang pangkat ang higit na


sistematikong paraan sa pagpapalit-gamit sa lupa.

◎ Iginigiit nilang dapat isaalang-alang ang kalagayan ng


kapaligiran kapag nagpalit-gamit.

97

You might also like