You are on page 1of 31

PANALANGIN

Ang mga pahayag o salitang ginagamit sa


pagbibigay ng patunay tungkol sa isang
impormasyon, paniniwala, pangyayari,
pagpapaliwanag/katuwiran ay mahalaga upang
ganap na mabigyan ng pagpapatotoo o katibayan
ang isang pruweba, usapin o argumento.
Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod:
tunay na, talagang, sadyang, totoong, katunayan, at
iba pa.

Maaari ding gamitin ang mga salitang gaya ng, kahit pa,
sapagkat, kasi, dahil sa/dahil kay upang higit na
mailahad ang patunay o pinagbatayan ng isang pahayag
PAGKAMAKATOTOHANAN NG ISANG
PANGYAYARI

• nagsasaad ng katumpakan, katunayan,


katiyakan o katapatan ng isang ideya, detalye
o sitwasyon.

• ito ay hindi mapasusubalian o mababago


sa ano pa mang kadahilanan.
PAGSUSURI BATAY SA KARANASAN

• nangangailangan ng katapatan sa kung


ano ang natutuhan, nakita, o naranasan

• ginagamit ang mga faktwal na kaisipan o


pahayag na hindi mapasusubalian at ito’y
lubhang mahalaga
Gawain:
Panuto: Hanapin mula sa pangungusap ang ginamit na
pahayag/salita na nagbibigay patunay at bilugan ang mga ito.
Guhitan naman ang mga salita na ginamit sa paglalahad ng
pinagbatayang pahayag. Pagkatapos gamitin ang mga salitang
patunay sa sariling pangungusap.
1. Ang pinunong si Abed ay palaging bumibisita sa kanyang mga tauhan. Tunay
na kahanga-hanga ang kanyang pamumuno dahil sa katapatan ng kanyang
puso.

2. Nilaga ni Subekat ang mga bato at sadyang nilinlang niya ang pinunong Abed
kahit pa napakabait nito sa kanya.

3. Nang mabuksan na nila ang lahat ng dala nilang bato ay totoong naging
tinapay ang mga ito gaya ng sinabi at ipinag-utos ng kanilang pinunong si Abed.

4. Tunay na matalinghaga ang mga pananalita ni pinunong Abed nang muling


sinabi niya na magdala ang bawat isa ng maliit na bato. Kahit pa nagtataka ay
sumunod ang lahat.

5. Si Subekat na nagdala ng malaking bato ay sinlaki lang ng bilao ang


nakuhang lupa. Katunayan, siya ang may pinakamaliit na pag - aaring lupa
sapagkat hindi niya naitapon ng malayo ang malaking bato.

You might also like