You are on page 1of 48

NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY

Marist Avenue, Lungsod ng Heneral Santos


SENIOR HIGH SCHOOL

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

MARTES, IKA-25 NG OKTUBRE 2022


NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY
Marist Avenue, Lungsod ng Heneral Santos
SENIOR HIGH SCHOOL

Linggo 10 / Aralin 15

MARTES, IKA-25 NG OKTUBRE 2022


WORD OF THE DAY
Ink Cartridge

=
Balang Panlimbag
Kakayahang Komunikatibo:

Kakayahang
Lingguwistiko
LAYUNIN
• natutukoy ang angkop na salita at pangungusap ayos sa
konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa
radyo o telebisyon

• nabibigyang-halaga ang wika bilang daluyan ng


komunikasyon tungo sa pagpapahayag ng sarili

• naipapakita ang kalaaman sa pamamagitan ng


interaktibong partisipasyon
Kakayahang Komunikatibo:

Kakayahang
Lingguwistiko
Kakayahang Lingguwistiko
 Tumutukoy ito sa kakayahan ng tao na makabuo
at makaunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap.

 Tinatawag din itong kakayahang gramatikal.


Kakayahang Lingguwistiko sa
Wikang Filipino

1. Bahagi ng Pananalita
2. Palabaybayan
3. Gramatika o Balarila
Gramatika
Kabilang dito ang mga tuntunin hinggil sa:
1. Pagpapalit ng D sa R
2. Paggamit ng “ng” at “nang”
3. Kung at kong atbp.
Pagpapalit ng D sa R
DIN, DAW, DITO, DOON - Ginagamit kung
sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
● Nagtatapos RA, RE, RI, RO, at RU
● Nagtatapos RAY at RAW

Halimbawa:
Maari DIN Mahal DAW
Araw-araw DAW Malalim DAW
Mataray DAW ako
IBA PANG HALIMBAWA:

Pinasok DIN namin ang networking nila.


Nagkaroon DIN ng laro ng lahi sa patimpalak na iyon.
Kakain DAW siya ng pritong manok.
Maari DAW kaming mag-rally sa daan.
Magtuturo DIN sila ng ibang asignatura.
Pagpapalit ng D sa R
RIN, RAW, RITO, ROON -
Ginagamit kung sinusundang
salita ay nagtatapos sa patinig
IBA PANG HALIMBAWA:

Buwaya RIN ang tingin nila sa mga bagong opisyales.


Ayaw RIN ng mga tao ng gulo.
Bibili RAW siya ng lechon.
Pasaway RAW ang seksyon na ito.
Mahal ko pa RIN sya.
Paggamit ng
“ng” at “nang”
NANG
1. Ginagamit bilang kasingkahulugan ng
NOONG.

HALIMBAWA:
● NANG dumating ang mga Amerikano sa
Pilipinas, nagpatayo sila ng paaralan.
NANG
2. Bilang kasing kahulugan ng UPANG o PARA

HALIMBAWA:
● Ikinulong ni Hazel ang aso NANG ito’y hindi
na makakagat pa.
NANG
3. Katumbas ng pinagsamang NA at NG.

HALIMBAWA:
● Malapit NANG makauwi ang kanyang
kasintahan mula sa South Korea.
NANG
4. Pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay
na panggaano.

HALIMBAWA:
1. Iniabot ko NANG palihim ang liham kay Jae.
2. Tumaas NANG sobra ang presyo ng bilihin.
NANG
5. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita

HALIMBAWA:
● Pabilis NANG pabilis ang takbo ng sasakyan.
● Lakad NANG lakad si Gihoon.
● Kain NANG kain si Eunbin.
NG
Maliban sa limang nabanggit, gagamitin ang NG sa
ibang pagkakataon.

HALIMBAWA:
● Ang bata ay kumain NG mansanas.
● Ang aklat NG bata ay tinakpan ng ina.
KUNG at
KONG
KUNG
● Pangatnig na panubali at karaniwang ginagamit sa
hugnayang pangungusap

HALIMBAWA:
● Malulutas ang problema KUNG makikiisa ka.
● Magiging masaya ako KUNG kasama kita.
KONG
● Galing sa panghalip panaong KO at inaangkupan
ng NG.

HALIMBAWA :
● Nais KONG maging maligaya.
● Gusto KONG magpahinga.
PAHIRIN AT
PAHIRAN
PAHIRIN
● Pag-aalis o pagpawi sa isang bagay

HALIMBAWA :
● PAHIRIN mo ang pawis ng bata
● PAHIRIN mo ang umaagos na dugo sa kanyang
ilong
PAHIRAN
● Paglalagay

HALIMBAWA :

● PAHIRAN mo ng Vicks ang aking likod


● PAHIRAN mo ng likido ang kanyang makina
PINTO AT
PINTUAN
PINTO
● Door
● Bahagi ng gusali na siyang isinasara at ibinubukas

HALIMBAWA :
● Kumatok ka sa PINTO bago ka pumasok.
PINTUAN
● Daanan (doorway)

HALIMBAWA :
● Maluwang ang kanilang PINTUAN.
HAGDAN at
HAGDANAN
HAGDAN
● Stairs
● Mga baitang na inaakyatan at binababaan sa bahay
o gusali

HALIMBAWA :
● Dumaan ka sa HAGDAN.
HAGDANAN
● Stairway
● Bahagi ng bahay na kinanalagayan ng hagdan

HALIMBAWA :
● Ang iyong payong ay nasa ilalim ng
HAGDANAN.
OPERAHAN
at
OPERAHIN
OPERAHAN
● Tumutukoy sa taong sasailalim sa operasyon.

Halimbaawa: Ooperahan si Hanseo.

OPERAHIN
● Tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan na
dadaan sa operasyon

Halimbawa: Ooperahin si Nana sa mata.


WALISIN at
WALISAN
WALISIN
● Tumutukoy sa bagay na tatanggalin.

Halimbawa: Walisin mo ang mga tuyong dahon.

WALISAN
● Tumutukoy sa lugar na lilinisan.

Halimbawa: Walisan mo ang bakuran.


PUNASIN at
PUNASAN
PUNASIN
● Ginagamit kapag binabanggit ang bagay na
tinatanggal
Halimbawa: Maari mo bang punasin ang alikabok sa
mesa?

PUNASAN
● Ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na
pinagtatanggalan ng kung ano man
Halimbawa: Punasan mo ang iyong mukha.
TANONG
Bakit kinakailangan
magkaroon ng
ortograpiya o
estandardisasyon
sa pagsusulat?
Paano mo hahasain at higit pang
pauunlarin ang kasanayan at
kakayahang gumamit ng wikang
Filipino para sa pambansang
pagkakakilanlan at pagsulong?
Bilang isang Grammar Nazi,
paano mo iwawasto ang
gramatika ng isang taong may
kakulangan sa kakayahang
lingguwistiko?
PAGTATASA
Bumuo ng Sariling Bersiyon
Panuto:
Sa isang buong papel, bumuo ng isang maiksi
at simpleng bersiyon ng ulat mula sa sipi sa
Ingles ng isang ulat-panahon ng PAGASA.
Isaalang-alang ang gramatika at kabuuang diwa
ng ulat panahon. Basahin ang rubriks.
Maraming
Salamat, at
Padayon,
Marista!

You might also like