You are on page 1of 19

Quarter 2 Week 5D1-5

ESP
A. Pamantayang
Nilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa
kahalagahan ng pakikipagkapwa- tao na may
kaakibat na paggalang at responsibilidad.
B.Pamantayan sa
Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na
isipan at kahinahunan sa pagpapasiya para
sa kapayapaan sa pagpapasiya para sa
kapayapaan ng sarili at kapwa.
C. Mga Ksanayan
Sa Pagkatuto. Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging
Isulat ang code ng
bawat kasanayan.. responsible sa kapwa.
4.3 Pagiging matapat ESP6P –IIA-C30
Balik- aral:
Paano mo masasabi
tunay at maasahang
ang isang kaibigan
Basahin ang
Kaisipan:
“Ang Batang
Matapat
Kinalulugdan ng
lahat”
Paliwanag:
Ang mga batang
namumuhay sa
katapatan sa DIYOS
binibiyayaan.
Ano ang ibig sabihin
sa inyo ng salitang
“Matapat”
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag
ay nagpapakita ng pagiging Matapat ang at
Mali kung hindi.
___1. Itinatanggi ang kasalanang nagawa sa
kapuwa.
___2. Isinasauli ni Remy ang sobrang sukli
sa tindera.
___3. Nasira ang laptop ng iyong ate naisip
mong hindi na lang sabihin sa kanya ang
totoo upang hindi siya magalit sa iyo
_
___4. Ang pagsasabi ng katotohanan ay
nagdudulot ng bigat sa kalooban.
___5. Sinasagutan ko ang aking modyul ng
mag-isa at humihingi lamang ako ng tulong
kapag mayroon akong hindi naunawaan.
_
Ano ang ibig
sabihin ng
“HONESTY IS THE
BEST POLICY”
_
Pagpapanood ng video clip:
Panoorin ang maikling video clip
na pinamagatang “Ang Tapat na
Magtotroso.”
Sagutin ang mga tanong:
1.Ano ang pamagat ng kwento?
2.Sino ang pangunahing tauhan sa ating
kuwento?
3. Ilarawan ang katangian ng
magtotroso.
4.Ano ang nangyari sa kanyang palakol?
5.Sino ang nakarinig sa boses ng
magtotroso?
6.Anong klaseng palakol ang unang
pinakita ng diwata?,ikalawa,at ikatlo?
7.Nagsabi ba ng totoo ang magtotroso?
8.Ano ang binigay na gantipala ng
diwata?
9.Ano ang gusting ipahiwatig sa atin ng
kuwento?
10.Anong aral ang napulot ninyo?
Tandaan:
Ang Pagiging Matapat ay pagsasabi
ng totoo. Ito ay nagpapakita ng
positibong pag-uugali. Marami ang
natutuwa sa isang batang matapat
dahil ito ang susi sa maayos na
pagkatuto.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na
pangungusap.Piliin ang letra na nagpapakita ng pagiging
Matapat.Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1.Sobra ang sukli ng tinder sa binili mong


kendi.Ano ang gagawin mo?
a.Itatago ang sukli upang makabili pa ng
laruan
b.Ibabalik sa tinder ang sobrang sukli upang
hindi sya malugi.
c.Ibabahagi sa kaibigan ang sobrang sukli.
2. Nakita mo ang iyong kaklase na
nangongopya sa aklat habang kayo ay
nagsasagawa ng pagsusulit.Ano ang gagawin
mo?
a. Gagayahin siya upang tumaas ang marka.
b. Magkukunwari na hindi ko nakita dahil
kaibigan ko naman siya.
c. Sasabihin sa guro na nagongopya ang
kaibigan.
3.Aksidenteng nabasag mo ang pinggan.Ano
ang gagawin mo?
a.Sasabihin ko sa nanay ang totoo dahil ito
ang ugaling matapat.
b.Ililigpit ang nabasag na pinggan upang hindi
mapagalitan ng nanay.
c.Sasabihin ko na ang bunsong kapatid ko ang
nakabasag.
4.Naiwala mo ang perang pambili ng
aklat.Ano ang gagawin mo?
a.Hindi na bibili ng aklat.
b.Sasabihin ang totoo sa nanay na naiwala ito
at hihingi ng paumanhin.
c.Manghihiram ako ng aklat sa kaibigan at
sasabihin sa nanay ko na ito yung aklat na
binili ko.
5.Nagpaalam ka sa nanay mo na gagawa ng
proyekto sa bahay ng iyong kaklase.ngunit
niyaya ka ng isa mong kaibigan na magpunta
sa mall.Ano ang gagawin mo?
a.Sasama ka sa kaklase papuntang mall.
b.Sasabihin sa nanay na galing ka sa iyong
kaklase kahit hindi naman.
c.Uuwi na lang pagkatapos gumawa ng
proyekto.
Takdang –aralin:
Nais mong makiisa pagpapalaganap ng
Kahalagahan ng pagiging
matapat.Bilang bata ikaw ay gagawa ng
isang SLOGAN at idedesenyo mo ito
ayon sa rubriks na ibibigay ng iyong
guro.Lalagyan mo ito ng 2-3
pangungusap ukol sa slogan na nilikha
mo.

You might also like