You are on page 1of 25

Wastong Gamit ng mga

Salita at Kataga

1.ANG NG AT NANG
Ginagamit ang ng bilang:
a. katumbas ng of ng Ingles
* Si Mang Ben ang puno ng aming samahan.
* Araw ng Kalayaan.

b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa


* Umiinom siya ng gatas bago matulog.
* Nag-aaral siya ng wikang Kastila.
c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa
sa tinig balintiyak.
* Hinuli ng pulis ang nanloob ng bahay.
•Ginawa nila ang kanilang proyekto.

d. Pang-ukol na katumbas ng “with” sa


Ingles.
* Ang larawan ay ginupit niya ng
gunting.
* Hinataw niya ng bakal ang
magnanakaw.
e. Pang-ukol na katumbas ng “sa”
* Magsisitungo sila ng Antipolo upang
dumalo sa seminar.
* Ang mga guro ay nagsisiakyat ng Baguio.

f. Pagsasaad ng pagmamay-ari ng isang


bagay o katangian

* Ang aklat ng bata ay bago.


* Ang mga paa ng mesa ay nabali.
 
GINAGAMIT ANG NANG BILANG

 a. pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang


panimula ng katulong na sugnay o sugnay na
di makapag-iisa (katumbas ng “when” sa
Ingles)

* Nang dumating siya, patay na ang kanyang


alagang aso.
* Umiyak siya nang makita ang kanyang ina.
 
b. pang-abay na pamaraan

* Ang bihag ay itinali nang mahigpit kaya’t


hindi ito nakawala.
* Ang bata ay tumakbo nang mabilis.
 
c. salitang nangangahulugan ng “para” o “upang”
(katumbas ng ‘in order to/so that)

* Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y


makapasa.
* Magsumikap ka nang ang buhay mo’y
umangat.
 
d. panggitna sa salitang inuulit

* Ang batang malikot ay takbo nang takbo.


* Tawa siya nang tawa kahit nagugutom na.
 
2.ANG PAHIRIN AT PAHIRAN
 Ang pahirin ay nangangahulugang tanggalin o
alisin gamit ang pamunas.

* Pahirin mo ang butil-butil mong pawis sa noo.


* Pahirin mo ang uling sa iyong kanang braso.
Ang pahiran ay nangangahulugang
paglalagay ng isang bagay na maaaring
ginagamitan ng pamunas o sa
pamamagitan ng kamay.

* Pahiran mo ng “vicks” ang makating


bahagi ng iyong braso.

* Pahiran mo ng “floor wax” ang sahig.


 
3. SUNDAN AT SUNDIN
Ang sundan ay tumutukoy sa
pagsunod o paggaya sa halimbawang
ipinapakita. Nangangahulugang tahakin ang
landas ng isang ginagaya o modelo.

* Sundan mo siya at baka maligaw.

* Sundan mo ang yapak ng iyong mga


magulang.
 
Ang sundin ay tumutukoy sa pagsunod sa
payo ng magulang o kapita-pitagang tao.

* Sundin mo ang payo ng iyong mga


magulang.

* Sundin mong lagi ang sinasabi ko


sa iyo dahil para rin iyon sa iyo.
4. SUBUKIN AT SUBUKAN
Ang subukin ay tumutukoy sa pagsubok sa
bisa ng isang bagay. Maaaring ito ay pagsubok sa
isang bagong sabong panlaba, bagong uri ng
pabango atbp. Nangangahulugan din ito ng
kaukulang pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kahalagahan ng isang bagay o tao.

•Subukin mo nga ang bisa ng bagong sabong ito.

* Subukin natin ang galing ng makinang iyan.


Ang subukan ay tumutukoy sa lihim na
pagmamatyag sa kilos ng tao.

*Subukan natin kung ano ang


ginagawa ng mga guro.

* Subukan mo nga kung ano ang


ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.
 
5. WALISIN AT WALISAN
Ang walisin ay tumutukoy sa bagay na
tatanggalin o aalisin.
* Walisin mo ang mga tuyong dahon sa
bakuran.
* Walisin mo ang mga papel na ikinalat ng
iyong kapatid.

Ang walisan ay tumutukoy sa lugar na lilinisin.


* Walisan mo ang paligid ng bahay.

* Walisan mo ang harapan ng ating bahay.


6. ANG MAY AT MAYROON
Ang may at mayroon ay
magkasingkahulugan at ang may ay ang
pinaikling anyo ng mayroon. Ang dalawa ay
pawing mga pandiwang walang banghay.

Ang may ay ginagamit kung sinusundan ng:


* pangngalan (May prutas siyang dala.)

* Pandiwa (May kumakatok sa labas.)


• pang-uri (May matalino siyang anak.)

* Panghalip na Paari (May kanya-kanya silang


aklat.)

* Pantukoy na Mga (May mga lalaking


naghihintay sa iyo.)

* Pang-ukol na SA ( May sa ahas pala ang


kaibigan mo.)
 
Ginagamit naman ang mayroon kung:
* sinusundan ng kataga o ingklitik
(Mayroon ba siyang pasalubong?)

* sinusundan ng panghalip na palagyo


(Mayroon tayong pagpupulong bukas.)

* nangangahulugang “mayaman”
(Ang pamilya nila ay kilalang mayroon.)

* ginagamit bilang panagot sa tanong.


(May lapis ka ba? Mayroon.)
7. OPERAHIN – kung tumutukoy sa tiyak
na bahagi ng katawang titistisin.

* Siya ay ooperahin sa bato mamaya.

OPERAHAN – kung ang tinutukoy ay


ang tao at hindi ang bahagi ng katawan

* Ooperahan si Gail sa linggong


darating.
8. PAKIUSAP – ginagamit na pangngalan

* Ang pakiusap ng ina ay dininig ng


guro.

* Pinagbigyan ng guro ang pakiusap


ng ina.
IPAKIUSAP – kung ang ibig tukuyin ay
bagay, gawain, tungkulin, pahintulot at iba
pa na ibig matamo ng isang tao para sa sarili
o sa iba.

* Ipakiusap mo naman sa tatay na ako


ay payagang sumama sa paglalakbay.

* Ipakiusap mo sa kanya na limutin na


ang nakaraan.
PAKIUSAPAN – kung ang tinutukoy ay
ang taong nilalapitan o hinihingan

* Pakiusapan mo ang ating pangulo na


tayo ay payagang magkaroon ng
paglalakbay.
9. MAGBANGON – ginagamit kung
nagtataglay ng tuwirang layon.
Singkahulugan din ng magtayo,
magtindig, at magtatag.

* Tulungan mo kaming magbangon


ng haligi para sa aming bahay.

* Sila ay nagbangon ng isang


katipunan ng kagyat na pagbabago.
BUMANGON – ginagamit na
singkahulugan ng gumising

* Ang pangulo ng samahan ay


maagang bumangon upang ihanda ang mga
kailangang gagamitin.
10. NAPAKASAL – kapag tumutukoy sa
ginawang pag-iisang dibdib ng dalawang
nagmamahalan.

•Si Fernando Jose ay napakasal kay Rosalinda.

•Napakasal na rin sa wakas sina Judy Ann at Ryan.

NAGPAKASAL – nangangahulugan ng
pamamahala o pangangasiwa sa mga ikinakasal

* Si Mang Ambo ay nagpakasal ng kaisa-


isang anak na lalaki.
 
11. KONG –nanggaling sa panghalip na panaong
“ko” at inaangkupan lamang ng “ng”

* Ibig kong makarating sa Amerika.

KUNG – ginagamit na pangatnig na panubali at


karaniwan ding ginagamit sa hugnayang
pangungusap

* Kung aalis ka, sabihin mo sa akin.


* Ako ay aamin sa iyo kung bibigyan mo ako
ng pera.
 
12. KUNDI – nangangahulugang “except”
sa Ingles

* Walang sinuman ang pwedeng


manood kundi iyong mga may tiket lamang.

KUNG DI – galing sa salitang “kung


hindi” o “if not” sa Ingles.

* Aalis na sana kami kung di ka dumating.

 
13. RIN AT RAW – ginagamit kung ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig at sa malapatinig

* Ikaw rin ay kasama sa mga inanyayahan.

* Siya raw ang napiling bibigkas ng tula.

You might also like