You are on page 1of 22

DULA

By: Motmainah Odadting


Mary Ann Palomo
Rogelyn Pasaquian
“Ang dula ay isang
pampanitikang panggagaya
sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan.”
—Arrogante (1991)
ANO ANG DULA?
 Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay
itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ng
kaisipan ng may-akda.

 Ito ay isang uri ng panitikang ang pinaka layunin ay itanghal sa


tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang
bahagi ng buhay.
TATLONG ANYO NG DULA
1. IISAHING YUGTONG DULA O DULA-DULAAN
- binubuo lamang ng isang yugto o maikling dula.

2. DADALAWAHING YUGTONG DULA


- binubuo ng katamtamang haba ang dula, hindi gaanong
at hindi din gaanong kahaba, at karaniwang dadalawahing
yugto lamang.

3. TATATLUHANG YUGTONG DULA


- binubuo ng mahabang dula at mayroong tatlong yugto.
ELEMENTO NG DULA
1.ISKRIP – Pinakakaluluwa ng isang
dula.
2.GUMAGANAP o AKTOR – Sila ang
mga nagsasabuhay sa mga tauhan sa
dula.
3.TAGAPAGDIREHE o DIRECTOR –
Nagpapakahulugan sa isang iskrip.
4. TANGHALAN – ito ay ang pook na
pinagpasyahang dausan ng isang dula.
5. MANONOOD – Ito ay ang mga
saksi sa itatanghal na dula
MGA SANGKAP NG DULA
1.TAGPUAN – Ito ay sumasaklaw sa panahon
at lugar na pinangyarihan ng aksyon.
2.TAUHAN – Sila ang gumaganap at
nagsasabuhay sa mga karakter na umiinog
sa mga pangyayari sa kwento.
3.Kwento ng Dula – ito ay tumutukoy sa
akdang maaring bungang isip lamang o
hango sa totoong karanasan.
4. SAGLIT NA KASIGLAHAN – saglit na
paglayo ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
5. TUNGGALIAN – ito ay ang probema sa
pagitan ng tauhan.
6. KASUKDULAN – tinatawag na climax
sa Ingles, dito nasusubok ang katatagan ng
bawat tauhan sa isang kwento.
7. KAKALASAN – tumutukoy sa unti-
unting pagtukoy sa kalutasan ng mga
suliranin.
8. KALUTASAN – paglutas,
pagwawakas at pagtatapos ng mga
suliranin sa isang dula
URI NG DULA
1.KOMEDYA – Katawa-tawa at
magaan sa loob ang tema.
2.TRAHEDYA- Ang tema nito ay
mabigat, nakakasama ng loob at
nakakaiyak.
3. MELODRAMA o SOAP OPERA – Ang dulang ito ay sadyang
namimiga ng luha sa mga manonood na parang walang
masayang bahagi sa buhay kundi pawang mga problema
lamang.
4. TRAGIKOMEDYA – Ang dulang ito ay tumutukoy sa
magkahalong katatawanan at kasawian sa buhay.
5. SAYNETE – Ang paksa nito ay nahihinggil sa paglalahad ng
kaugalian ng isang lahi tungkol sa kanyang pamumuhay.
6. PARSA – Mga dulang puro katatawanan o tawanan kahit ito
ay walang saysay o patutunguhan ang kwento.
7. PARODYA – Ang dulang ito ay may temang panunudyo,
ginagaya ang mga kilos, pagsasalita at pag-uugali ng isang tao
na nakakatawa.
MANUNULAT NG DULA
1. SEVERINO REYES (1861-1942) – Taong 1902 ng sinimulan
niyang mag-ukol ng panahon sa pagsulat at pagpapaunlad ng dulang
Tagalog.
2. PATRICIO MARIANO (1877-1935) – Siya isang makatang
nakapag-ambag sa iba’t-ibang larangan ng panitikan gaya ng dula at
marami pang iba.
3. JOSE CRUZ MATAPANG – Nakilala siya sa kanyang dulang
“HINDI AKO PATAY”.
4. HERMOGENES ILAGAN – Siya ay kilala bilang “KA
MOHENG” at natutong sumulat ng dula sa sariling pagsisikap.
5. JOSE MARIA RIVERA – Nakapagsulat ng 25 na dula.
SEVERINO REYES
 Tinaguriang Ama ng Dulang
Tagalog at Ama ng Sarsuwela.

 Tanyag siya sa tawag na “Lola


Basyang”

 Siya ang lumikha at nagpasikat


ng “Mga Kuwento ni Lola
Basyang” ng Liwayway.
SINAG SA
KARIMLA
N
NI: DIONISIO SALAZAR
BUOD
NG
DULA
Sa isang panig ng pagamutan ng Muntinlupa ay
naroroon sina Tony, isang binatang bilanggo dahil sa
pagnanakaw. Si Ernan na isang manunulat at professor sa
Maynila na nakulong dahil sa pagsunog sa maraming aklat
na nagpapakalat ng maling impormasyon. Si Doming na
nakulong dahil sa pagbaril sa kalaguyo ng misis at si Bok
na labas masok na ng kulungan.
Nahospital si Tony matapos syang masaksak sa
kadahilanang ayaw nyang sumama sa pagtakas sa
kulungan, kasama nya sa kwarto si Ernan na inoperahan
dahil sa almoranas, si Doming naman ay may plaster ang
paa at si Bok ay may trangkaso.
Dito ay nakilala nila ang isa''t isa. Lubos na humanga si
Tony kay Ernan sapagkat nabasa na ng binata ang kanyang
mga akda. Tinanung din ni Bok kung anung Gang kabilang si
Tony ngunit sinabi nitong sawa na siya sa mga Gang o
barkada sapagkat ayun ang naging dahilan ng kanyang
pagkakakulong. Kinilalang mabuti ni Ernan si Tony at
humanga din sa angking talino ng binata at inakalang ito ay
nag-aaral ng batas.
Subalit nabanggit ni Tony na elementarya lamang ang
kanyang natapos ngunit sya ay valedictorian. Ikinuwento ni
Tony na ang kanyang ama ay empleyado at maraming bisyo.
Ang kanyang ina ay napakabait kahit di kasya ang sahod na
binibigay ng kanyang ama.
Nagkaproblema ang pamilya ni Tony ng malaman ng
kanyang ina na may babae ang kanyang ama. Naghiwalay ang
mga ito at di lumaon ay nagkasakit. Ang kanyang kapatid na
babae naman ay namatay. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang
ina ay di kinaya ni Tony ang mga gastusin kaya''t natuto itong
bumarkada at magnakaw. Sinisi ni Tony ang lahat sa kanyang
ama. Matalinong bata si Tony at nais syang tulungan ni Ernan at
ni Padre Abena at nangakong pag-aaralin ang binata.

Isang araw, sa hindi inaasahan pagkakataon ay dumalaw


ang kanyang amang si Luis sa bilanguan. Nagkita si Tony at ang
kanyang ama. Dito nabanggit ng kanyang ama na limang buwan
na nyang pinaghahanap ang anak at nang malamang
nakakulong ay nilakad nito ang paglaya ni Tony. Humingi ng
tulong ang kanyang ama sa isang senador para mabigyan ng
parole ang binata.
Nakipag-ayos din ang ama ni Luis sa kanyang ina na
inakala ni Tony na patay na ngunit ito pala''y magaling
na. Sa kabila ng paliwanag ay masama pa rin ang
loob ni Tony at nang malaman ito ng ilang kasamahan
at nang kanyang nurse na si Ms. Reyes, si Tony ay
pinangaralan at pinaalala ang kahalagahan ng isang
ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama ay
napatawad na nya ito at sila''y nagyakap.
 Paksa: Ang pagtakwil at pagpapatawad ng isang
anak sa kanyang ama.
-Ang relihiyon ang sanligan ng tao tungo sa
pagbabago
-Paggawa ng masama na labag sa batas
 Tema: Ang pagpapatawad ay hindi mahirap gawin
kung bukal sa iyong puso.
-Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng
isang tao ang relihiyon.
-Ang tao ay sumasama dahil sa kanyang kapwa.
 Mga Tauhan:
• Tony – isang binatang bilanggo na may galit sa kanyang amadahil
saginawang pag-iwan sa kanya at sa kanyang ina.
• Luis – ama ni Tony na nang iwan sa kanila ng kanyang ina
dahilipinagpalit nito sa ibang babae.
• Mang Ernan – Isang peryodista, propesor sa isang unibersidad
atmayasawang magaling tumugtog ng piyano.
• Doming at Bok – Kasamahang bilanggo.
• Padre Abena – isa siyang pari sa bilibid, nagbibigay payo kay Tony
• Miss Reyes – nars sa bilangguan at tinatangi ni Tony
 Tagpuan: Bilangguan
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG.

You might also like