You are on page 1of 11

Kasingkahulugan

at Kasalungat
ng Pang-uri
Inihanda ni:

Heidi Rose E. Angeles


Guro
Panuto: Piliin ang letra ng pang-uri sa pangungusap.

1. Ang bulaklak ng Sampaguita ay sadyang mabango.


A B C D
2. Masikip na ang aking pantalon.Sadyang lumaki na nga ako.
A B C D
3. Paboritong gamitin ni Ate Ana ang malambot niyang unan.
A B C D
4. Nag-uwi si Mang Ambo ng matamis na mangga.
A B C D
Ang Aking mga Kaibigan
ni Lizel G. Arico

Heto na, heto na


ang maamong si Muning;
Palaging sa akin
ay tunay na malambing.

Aw!Aw! tahol naman


ng mabagsik na si Tagpi;
Matapang naming bantay
sa paligid ng aming bahay.
Sa umaga, tumitilaok
ang maagap na si Mat Manok
Upang ang batang makupad
ay mawala ang antok.

Hayun naman si Kally Kalabaw,


masipag na tunay;
Hindi kailanman naging tamad
na kasama ni tatay.
1. Ano-anong mga hayop ang nabanggit sa tula?
2. Ano ang mga katangiang ginamit sa mga sumusunod
na hayop.
a. Muning - _____________, ______________
b. Tagpi- _____________, ______________
c. Mat Manok- ____________,_____________
d. Kally Kalabaw-__________,_____________
3. Bakit itinuturing na kaibigan ang
mga hayop?
Panuto: Basahin ang mga linya mula sa tulang Ang
Aking mga Kaibigan.

1. Heto na, heto na ang maamong si Muning


Palaging sa akin ay tunay na malambing.
2. Aw!Aw! tahol naman ng mabagsik na si Tagpi
Matapang naming bantay sa madilim na gabi;
3. Sa umaga, tumitilaok ang maagap na si Mat Manok
Upang ang batang makupad ay mawala ang antok
4. Hayun naman si Kally Kalabaw, masipag na tunay
Hindi kailanman naging tamad na kasama ni tatay.
Ang mga salitang may salungguhit sa bilang 1 at 2
ay:
maamo-malambing mabagsik-matapang
Ang mga ito ay pang-uring magkasingkahulugan.
Ang mga salitang may salungguhit sa bilang 3 at 4
ay:
maagap-makupad masipag- tamad
Ang mga ito ay pang-uring magkasalungat.
A. Panuto: Pag-aralan ang mga pares ng pang-
uri. Isulat kung ito ay magkasingkahulugan o
magkasalungat.
___________1. malakas - mahina
___________2. mahaba - maikli
___________3. mataas - matarik
___________4. maginaw - malamig
___________5. mababaw - malalim
Panuto: Hanapin sa kahon ang kasingkahulugan at

kasalungat ng mga sumusunod na pang-uri.

Kasingkahulugan Kasalungat
1. mabaho ___________ ____________
2. tahimik __________ _____________
3. simple _____________ ____________
4. mataas ____________ ___________
5. mabagal _____________ _________
Salamat….

You might also like