You are on page 1of 5

GAPAN NORTH CENTRAL Grade

School: SCHOOL Level: II


Learning
Teacher: HEIDI ROSE E. ANGELES Area: MTB
GRADES 1 to 12 Teaching
DAILY LESSON LOG Dates and April 13, 2022 (Week 3 )
Time: Time: 9:55 – 10:45 Quarter: 4th QUARTER
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nakatutukoy ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga pang-uri
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Nakapagbibigay ng salitang kasingkahulugan at kasalungat ng pang-uri


Pagganap

C. Mga Kasanayan sa Nakasusulat ng salitang kasingkahulugan at kasalungat ng pang-uri


Pagkatuto

MELC:
Identify synonym and antonym of adjectives

II. NILALAMAN ARALIN 3 -Kasingkahulugan at kasalungat ng Pang-uri

III. KAGAMITANG Power Point Presentation, mga larawan


PANTURO
A. Sanggunian Teachers Guide
Learning Activity Sheets
2. Mga Pahina sa pahina 1-18
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Panuto: Piliin at isulat sa papel ang pang-uri na ginamit sa pangngusap.
nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong
aralin

1. Ang bulaklak ng Sampaguita a sadyang mabango.


A B C D

2. Masikip na ang aking pantalon.Sadyang lumaki na nga ako.


A B C D

3. Paboritong gamitin ni Ate Ana ang malambot niyang unan.


A B C D

4. Nag-uwi si Mang Ambo ng matamis na mangga.


A B C D

B. Paghahabi sa layunin Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao


ng aralin
Pagpapakita ng mga larawan ng mga hayop
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga hayop na makikita sa larawan?
2. Alin sa mga hayop sa larawan ang mayroon din kayo?
3. Itinuturing nyo ba silang kaibigan? Bakit?
4. Ano-ano ang mga maaaring gawin upang maipakita ninyo ang pagmamahal sa kanila?

C. Pag-uugnay ng mga Panuto: Basahin at unawain ang tula.


halimbawa sa bagong
Ang Aking mga Kaibigan
aralin
ni Lizel G. Arico
Heto na, heto na
ang maamong si Muning;
Palaging sa akin
ay tunay na malambing.

Aw!Aw! tahol naman


ng mabagsik na si Tagpi;
Matapang naming bantay
sa paligid ng aming bahay.

Sa umaga, tumitilaok
ang maagap na si Mat Manok
Upang ang batang makupad
ay mawala ang antok.

Hayun naman si Kally Kalabaw,


masipag na tunay;
Hindi kailanman naging tamad
na kasama ni tatay.
Itanong ang mga sumusunod:
1. Ano-anong mga hayop ang nabanggit sa tula?
2. Ano ang mga katangiang ginamit sa mga sumusunod na hayop.
a. Muning - _____________, ______________
b. Tagpi- _____________, ______________
c. Mat Manok- _____________, ______________
d. Kally Kalabaw- _____________, ______________
3. Bakit itinuturing na kaibigan ang mga hayop?
D. Pagtatalakay ng Panuto: Basahin ang mga linya mula sa tulang Ang Aking mga Kaibigan.
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong 1. Heto na, heto na ang maamong si Muning
kasanayan #1 Palaging sa akin ay tunay na malambing.
2. Aw!Aw! tahol naman ng mabagsik na si Tagpi
Matapang naming bantay sa madilim na gabi;
3. Sa umaga, tumitilaok ang maagap na si Mat Manok
Upang ang batang makupad ay mawala ang antok
4. Hayun naman si Kally Kalabaw, masipag na tunay
Hindi kailanman naging tamad na kasama ni tatay.

Ang mga salitang may salungguhit sa bilang 1 at 2 ay:


maamo-malambing mabagsik-matapang
Ang mga ito ay pang-uring magkasingkahulugan.
Ang mga salitang may salungguhit sa bilang 3 at 4 ay:
maagap-makupad masipag- tamad
Ang mga ito ay pang-uring magkasalungat.

E. Pagtalakay ng A. Panuto: Pag-aralan ang mga pares ng pang-uri. Isulat kung ito ay magkasingkahulugan o
bagong konsepto at magkasalungat.
paglalahad ng bagong ___________1. malakas - mahina
kasanayan #2 ___________2. mahaba - maikli
___________3. mataas - matarik
___________4. maginaw - malamig
___________5. mababaw - malalim

F. Paglinang sa Panuto: Hanapin sa kahon ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga sumusunod na pang-uri.
Kabihasnan
(Tungo sa Formative Kasingkahulugan Kasalungat
Assessment) 1. mabaho _______________ ______________
2. tahimik _______________ ______________
3. simple _______________ ______________
4. mataas _______________ ______________
5. mabagal _______________ ______________

m a b a n g o r x s s f y b
d h l k m a s a n g s a n g
s h a d p a y a p a n v t w
m a g u l o r s d f g c v b
p a y a k d s h k l m b s e
k g m a g a s l a w b u l o
a m a t a r i k m a b a b a
m a k u p a d f m a b i d r
k i o p s a m a b i l i s j
G. Paglalapat ng aralin Panuto: Mula sa pang-uri na nasa hanay A, hanapin ang kasalungat na kahulugan sa hanay B. Isulat
sa pang-araw- araw na ang titik ng tamang sagot sa patlang.
buhay
Hanay A Hanay B

_____ 1. deretso a. mahina


_____ 2. malakas b. liko- liko
_____ 3. malapot c. malambot
_____ 4. matigas d. mainit
_____ 5. malamig e. malabnaw

H. Paglalahat ng Aralin Ang magkasingkahulugan ay mga salitang magkapareho o magkatumbas ang ibig sabihin o
kahulugan.
Ang magkasalungat ay mga salitang taliwas o hindi magkapareho o magkatumbas ang ibig sabihin
o kahulugan.
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang tamang salita mula sa magkapares na pang-uri upang mabuo ang pangungusap.

makapal-manipis mabait-masama masaya-malungkot


marumi-malinis malayo-malapit

1. _________________ ang pahina ng isa kong kuwaderno samantalang itong isa ay _____________.
2. Mula sa aming bahay, ___________ pa ang aking lalakarin patungong paaralan. Kung ito ay
____________, hindi na sana ako mahihirapan pang maglakad.
3. Ang aking kaibigan ay ________________. Kaya hindi ako magiging _____________ sa kaniya.
4. _________________ si Chloe sa natanggap niyang regalo. Si Maegan naman ay _____________
dahil wala siyang natanggap.
5. _____________ na ang hangin dahil sa mga usok. Dapat nating gawing ____________ ang ating
paligid.
J. Karagdagang Gawain Panuto: Basahin ang tula. Ilapat ang kasingkahulugan at kasalungat na salita na pang-uri sa mga
para sa takdang-aralin salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
at remediation
Payo ni Nanay
ni Lizel G. Arico

“Ang pagbabasa ay ugaliin,”


Laging payo ni nanay sa akin.
Tiyak na ito ay pakikinabangan,
Isipang matalas ay makamtan.
Sabi niya pagpasok sa paaralan,
Sa tuwina’y sumali sa talakayan;
Sa gurong masipag, aking kaibigan,
Mahusay na turo ay tatandaan.

Si nanay na mabait ay nagpapaalala,


Pag-aaral ay pahalagahan sa tuwina;
Ang buhay na maganda ay makikita,
Kaya payo niya ay susunding talaga.

Kasingkahulugan Pang-uri Kasalungat


1. _________________ matalas _______________
2. _________________ masipag _______________
3. _________________ mahusay _______________
4. _________________ mabait _______________
5. _________________ maganda ______________
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para


sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos?


Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

Inihanda ni :
Heidi Rose E. Angeles
Teacher III

Iwinasto ni :
Imelda P. Castro
Master Teacher I

Pinuna :
Lucila O. Angelo
School Principal IV

You might also like