You are on page 1of 8

BOTE MO,

I-SHOOT MO
Grupo ng Socioloshoot
I.Proponents ng Proyekto

Baby Lea Cleofe


Raeshell Joy Curaming
Reneth Magnaye
Rowiela Fabellon
Gershom Averilla
Jym Magundayao
Jomel Baroga
Erick Atienza
II.Kaligiran ng Proyekto
Ayon sa pagmamasid ng Sociologist na binubuo ng
mga estudyante ng Grade 12 GAS nakita at napansin na
patuloy ang pagdami ng mga boteng nakakalat sa
lansangan at daan ng Oriental Mindoro National
Highschool. Kaya naman ipinanukala ang proyektong
“Bote mo, I-shoot mo”. Ang mga makikilahok sa
proyektong ito ay ang mga estudyante ng GAS sa
baitang-12 ng Oriental Mindoro National Highschool.
III.Deskripsyon ng Proyekto
Ang proyektong “Bote mo, i-shoot mo” ay isang uri ng
segregasyon ng basura. Dapat gawin ng mga mag-aaral ang
wastong pagtatapon ng basura lalo na’t mapakikinabangan.
Kaya’t mainam na ang mga bote sa halip na itapon sa walang
kwentang bagay ay mangyaring i-shoot sa basurahang
mapakikinabangan. Ayon sa Republic Act 9003 “The Ecological
Solid Waste Management Act of 2000” ang Proper Segregation
of Solid Waste, ipinapakita ng batas na ito ang mga paraan upang
maihiwalay ng tama ang mga basura. Upang mahikayat ang mga
estudyante na magtapon sa tamang basurahan, lalagyan ng isang
“basketball ring” ang disenyo ng basurahan. Magsisilbing hamon
ito sa mga estudyante na i-shoot ang kanilang mga pinag-inuman
na bote sa basurahan.
IV.Layunin ng Proyekto
1.Maibukod ang “recyclable materials”
2.Makaipon ng pondo
3.Mabawasan ang mga pakalat-kalat na bote
4.Mapakinabangan ang mga patapong bote
5.Maimpluwensyahan ang iba na itapon sa tamang basurahan ang
mga bote
6. Maging malikhain ang mga mag-aaral
V.Proseso ng Proyekto
Upang masimulan ang proyekto ang mga kasapi o
miyembro ng Socioloshoot ay maglalaan ng pera bilang
pondo sa paggagawa ng Socioloshoot Bottle trashcan.
Kapag nayari na ang basurahan na gagamitin, ito ay
ilalagay sa gitnang bahagi ng mga silid-aralan ng mga
mag-aaral ng GAS baitang-12.
VI.Implementasyon at Iskedyul ng Proyekto
Ang proyektong ito ay isasakatuparan sa Agosto
20, 2018. Sa ganap na ikapito ng umaga ay maaari
ng magsimula ang pagtatapon ng basura sa
Socioloshoot Bottle Trashcan. Sa araw ng
Biyernes ay iipunin na ang mga boteng itinapon at
ibebenta sa mga “junkshops”. Ang pondong
maiipon mula sa mga boteng naibenta ay
magagamit sa mga pangangailangan ng mga mag-
aaral ng GAS sa baitang-12.
VII. Badyet para sa Materyales Presyo Kabuuan
Proyekto Screen 90

Bakal Donation

Kawad 20

Nylon 20

Pako 28

Total: 158
Sako Donation

You might also like