Professional Documents
Culture Documents
Untitled
Untitled
Tema at Nilalaman
Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay
itinuturing na paksa dahil sa layunin sa
pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
Halimbawa:
Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng
susi. Ang lahat ng kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang
ingatan at gugulin sa wastong paraan.
Anyo at Istruktura
Ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na
pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa
sanaysay. Halimbawa:
Panimula
Sadyang isang hamon ang buhay ngayon. Kailangang
harapin ito nang buong tatag.
Katawan
Ngayon bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa
kapaligiran mo. Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim
ng tulay o gilid ng mga gusali . Kontento na sila sa paghingi o
pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga nagdaraan.
Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging pabigat sa
lipunan. Ang isang mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa
kanila kung paano tutuklasin ang kanilang natatagong galing na
maaaring maging puhunan nila ng pagkakaroon ng munting
negosyo.
Wakas
Halimbawa:
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng
tulay o gilid ng mga gusali. Kontento na sila sa
paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa
mga nagdaraan.
Damdamin
Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang
kaniyang damdamin nang may kaangkupan at
kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
Himig
Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng
damdamin. Maaring masaya, malungkot,
mapanudyo at iba pa.
MGA GRIYEGONG PILOSOPO
Pagkabilanggo/pagkakulong
SIMBOLISMO
Pader
-sinisimbolo ang mga hadlang o limitasyon sa pag-abot ng ating
mga pangarap
Yungib
-simbolo ng kamangmangan/bulag sa katotohanan
Araw/Apoy
-simbolo ng pag-asa
Labas ng Yungib
-kalayaan,katotohanan, edukasyon, sumasagot
sa mga tanong na imposibleng masagot
Anong aral ang naikintal sayo matapos basahin ang samaysay?
-nais ni Plato na gumising tayo at palayain ang ating mga sarili sa mga
bagay bagay na gumagapos/kumukulong sa atin
-ang mga tao ay kayang maabot ang bagay-bagay kung hindi niya
gagawing bilanggo ang kanyang sarili. Huwag natin limitahan ang
sarili natin nang basta
Na lamang. Huwag tayong huminto na matuklasan ang mga bagay o
kaalaman na makatutulong na matuklasan ang sariling lakas o
kakayahan na laan para sa sarili nating pag-unlad
Laging may liwanag sa gitna ng dilim. Matuto tayo
sa mga karanasan na naglugmok sa atin sa dilim.
Magagamit din natin ang liwanag na ito para lumaya
ang ating mga sarili sa inaakala nating tama o ayos
lamang
PANGKATANG GAWAIN
Paglinang ng Talasalitaan Pagtambalin ang mga salitang
magkakatulad o magkakaugnay
ang kahulugan.
nagliyab pagmasid
pagmasdan mahirap
mahirati mahumaling
Pangkat 2 - Pagbigay reaksiyon sa bawat pahayag
a. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila
makagalaw
b. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng
dukhang panginoon.
c. Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala
d. Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at
matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi
e. Sinuman ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o
pribadong buhay, kailangan ang kaniyang mga mata ay
may matibay na tuon.
Pangkat 3 Ang Alegorya ng Yungib
TANONG SAGOT
Paano nagbigay ng
kongklusyon si Plato ng
kaniyang sanaysay?
Pangkat - 4
Ekspresyong
Ginagamit sa
Pagpapahayag ng
Konsepto ng Pananaw
Akala ko lahat ng maisip ko ay puede kong gawin. Hindi ko
inisip na mayroon pa lang masasaktan. Sang-ayon kasi sa
matatandang nakausap ko ay hindi lahat ng ating naiisip ay
puede nating gawin at ang lahat ng gusto nating sabihin ay
maaari nating sabihin. Batay lamang ito sa aking mga
paniniwala na lahat ay puedeng gawin at sabihin. Samantala,
marami pala ang masasaktan kung pagpipilitan ko ang gusto
ko.
May mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng
pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba
ng paksa at/o pananaw?