You are on page 1of 7

Ang texture ay ang elemento ng musika na nagsasabi

ng kanyang kapal at nipis ng isang musika o awit. Ito


ang nagsisilbing klase o gamit na damit ng isang musika.
Manipis ang texture kung ito ay binubuo ng isang
melodiya lamang o isang linya ng tunog. Kapag ang
musikang naririnig ay binubuo ng dalawa o higit pang
mga linya ng tunog, ang texture nito ay makapal.
Ang mga uri ng texture ay pwedeng ma classify sa mga
sumusunod; monophonic, homophonic at polyphonic.
Monophonic - hango sa salitang mono
na nangangahulugang isang tunog. Ito ay
napapansin sa mga komposisyon na may
iisang linya ng musika na pamboses o
pang-instrumento.
Homophonic - binubuo ng
dalawang tunog, pwedeng ang isa
ay mula sa boses at ang isa naman
ay mula sa isang instrumentong
nagsasaliw ng melody.
Polyphonic - mula sa salitang poly na ibig
sabihin ay marami. Ito ay binubuo ng
dalawa o higit pang linya ng musika.
Halimbawa nito ay round songs at partner
songs.

You might also like