You are on page 1of 19

Katitikan ng Pulong

Ano nga ba ang katitikan


ng Pulong?
Ang Katitikan ng Pulong o tinatawag sa engles na
Minutes of the Meeting ay gawaing
pagdodokumentaryo ng lahat ng pangyayari o
mapag-uusapan sa isang pagpupulong. Itatala ang
anumang mapag uusapan sa simula hanggang sa
wakas ng isang pagpupulong.
Bakit mahalaga ang
katitikan ng Pulong?
 Isinasagawa ang pagdodokumentaryong ito upang
magsilbing ebidensya na kakailangangin sa mga susunod
pang pagpupulong.
 Isinusulat
dito ang tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng
adyenda. Hindi maaring magpulong kung walang
isinagawang adyenda ang isang organisasyon. Nakasulat din
kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag simula at nag
wakas ang pagpupulong gayun din ang lugar na
pinagganapan nito. 
Katangian ng Katitikan
ng Pulong
Katangian ng Katitikan ng Pulong
 Ito
ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng
mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
 Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon
at desisyon.
 Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng
tagapangulo o pinuno ng lupon.
Katangian ng Katitikan ng Pulong
 Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary), typist, o
reporter sa korte
 Dapat ding maikli at tuwiran ito. Dapat walang
paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa   dokumento,
at hindi madrama na parang ginawa ng nobela.
 Dapatito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng
katha o pagka-bias sa pagsulat
Mga Hakbang sa
Pagsasagawa ng Pulong
1. Pagbubukas ng pulong
- Karaniwang binubuksan ang pulong sa pagbati at
pagdarasal.

2. Paumanhin
- Pagbibigay paumanhin para sa mga bagay na nakaantala sa
pagpulong.

3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong


- Pagbabalik-tanaw sa nakaraang pagpupulong o sa mga
naiwang usapin sa naunang pagpupulong.
4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang
pulong
- Kagaya sa binanggit sa ikatlo bibigyang linaw
ang mga nakaraang usapan sa pamamagitan ng
tala sa naunang pagpupulong.

5. Pagtalakay ng mga liham


6. Pagtalakay sa mga ulat
- dito tatalakayin ang mga ulat sa mga proyekto ng
mga komite. Halimbawa sa isang brgy. Ang konsehal
na nakatoka sa Committee of Sports ay mag-uulat
para sa proyekto na kanyang isinasagawa.

7. Pagtalakay sa mga agenda


- ito ang mga listahan ng paksa na pag-uusapan sa
isang pulong .
8. Pagtalakay sa paksang di- nakasulat sa agenda
- hindi maiiwasan na mga mga paksang hindi
mabibigyan ng pansin sa pagpupulong.. Maaaring
talakayin ang mga paksang ito sa mga natitirang oras
matapos mapag-usapan ang mga paksa sa agenda.

9. Pagtatapos ng pulong
- Pag-uulat sa mga natapos, napag-usapan at naging
resulta ng pagpupulong.
Mga dapat tandaan sa
pagsulat ng Katitikang
Pulong
1. Kailan ang pagpupulong?
2. Sino-sino ang mga dumalo?
3. Sino-sino ang di-nakadalo?
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano-ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano ang mga napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos at
kalian ito dapat maisagawa?
8. Mayroon ang kasunod na kaugnay na pulong kung mayroon
kailan, saan at bakit kailangan?

You might also like