You are on page 1of 48

PANITIKANG ASYANO

FILIPINO - 9
Ginang Elloissa Burgos-Dimaalihan
PANIMULANG PANALANGIN
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO:
a. Nailalahad ang kaligirang kasaysayan sa bansang
Bhutan.

b. Nakikilala ang kulturang sumasalamin sa bansang


Bhutan.
MODYUL 3.1
ANEKDOTA O LIHAM NA NANGANGARAL
PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag batay sa bansang Bhutan. Isulat
sa patlang ang titik T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.
____ 1. Ang Bhutan ay isang bansang napapaligiran ng lupain.
____ 2. Ang pagpapanatili ng Bhutan tradisyon at kultura ay kilala bilang
Driglamnamza.
____ 3. Ang Bhutanese na kalalakihan na ayon sa kaugalian ay mayroong higit pa
sa mga karapatan ng mga babae.
____ 4. Ang sinaunang kasaysayan ng Bhutan ay patungkol sa mga alamat.
____ 5. Ang Bhutan ay ang tanging bansa na kung saan ay naging independyente
sa kanilang buong kasaysayan.
BALIK-TANAW
PANUTO: PILIIN SA LOOB NG KAHON ANG GENRE NA
ANGKOP SA MGA SUMUSUNOD NA AKDA.
Anekdota, Pabula, Dula, Parabula,
Sanaysay, Maikling Kuwento

______1. Ang Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan


______2. Niyebeng- Itim
______3. Ang Hatol ng Kuneho
______4. Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at
Noong Nakaraang 50 taon
______5. Munting Pagsinta
ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG BHUTAN
PAMBANSANG KASABIHAN: ISANG BANSA, ISANG
SAMBAYANAN.

▪Ang Bhutan ay isang bansang napapaligiran ng


lupain. Ito ay nakalatag sa silangang dulong
hanay ng Himalaya sa pagitan ng Tibet sa hilaga
at India sa timog, silangan, at timog kanlurang
bahagi nito. Ang kabuuang sukat nitong 47,000
kilometro kuwadrado.
▪ Ang Bhutanese music ang may tradisyonal na gentres tulad ng
Zhungdra, Boedra at modern gentres tulad ng Rigzar. Ang
pangunahing pagkain ay red rice. Ang archery ang
pambansang palaro sa Bhutan at taon taon ang may paligsahan
dito.
▪ Ang pagpapanatili ng Bhutan tradisyon at Kultura ay kilala
bilang Driglamnamza. Ito ay isang paraan at tuntunin ng
magandang asal, tamang pagsuot ng damit, paano kumain,
makipag-usap at gumalang sa mga opisyal ng gobyerno at ang
mga saserdote. Ang Bhutanese na kababaihan na ayon sa
kaugalian ay mayroong higit pa sa mga karapatan ng mga
lalaki.
▪Ang Thimphu ay ang kabisera ng bansang
Bhutan. Ang Thimphu ay matatagpuan sa sentro
ng kanlurang Bhutan, ito at ang mga nakapalibot
na libis ay bahagi ng dzongkhag Thimphu. Ang
lungsod ay itinatag bilang ang kabisera noong
1955, at sa kalaunan ay ipinahayag ang kabisera
ng Bhutan noong 1961 ng pangatlong Druk
Gyalpo Jigme Dorji Wangchuck.
▪Ang sinaunang kasaysayan ng Bhutan ay
patungkol sa mga alamat ngunit ito ay
nananatiling nakatago. Maaaring ang Bhutan ay
pinaninirahan na noong 2000 BC. Ang Bhutan
ay ang tanging bansa na kung saan ay naging
independyenteng sa kanilang buong
kasaysayan, hindi kailanman nasakop, naging
kolonya o pinamamahalaan ng isa pang bansa
sa pamamagitan ng isang panlabas na
kapangyarihan.
▪Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit:
Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang
Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o
pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni
Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama),
na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.
▪ Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay
pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan
ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("Ang Dakilang
Sasakyan"). Ang Theravada ay may malawakang mga
tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang
Mahayana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya
(Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore, Taiwan etc.) at
kinabibilangan ng mga tradisyon ng Dalisay na Lupain,
Zen, Budismong Nichiren, Budismong Tibetan, Shingon,
at Tiantai (Tendai).
▪Ang literacy rate ng bansang Bhutan ay
humigit-kumulang 53% (2005). Noong Hunyo
2003, ang unang pamantasan ay naitatag, ang
Royal University of Bhutan. Nakatuon ito sa
bokasyonal at teknikal na edukasyon upang
matugunan ang mga pangangailangan ng
komunidad. Ang pambansang damit para sa
Bhutanese na mga lalaki ay ang gho at sa mga
babae naman ay ang Kira.
▪Isa ang Bhutan bilang sa pinakabukod at
pinakahuli sa mga sumusulong na mga
bansa sa mundo. Labis na nililimitahan ng
pamahalaan ang turismo at
impluwensiyang banyaga upang
mapanatili ang tradisyunal na kultura.
Thimphu ang kapital at pinakamalaking
bayan.
▪Mahayana Budismo ang relihiyon ng
estado at kinabibilangan ng kalahati ng
populasyon ng bansang ito. Ang Mahayana
ay isa sa mga sekta ng relihiyong
Budismo. Kasalukuyang namamayagpag
ang sektang ito sa mga bansa sa malayong
silangan, tulad ng bansang Tsina, Hapon,
Korea, at iba pa.
INDIVIDUAL NA GAWAIN I
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag batay sa bansang
Bhutan. Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng nasa hanay A.
GAWAIN 2:
PANUTO: Punan ang grapikong pantulong tungkol sa bansang
Bhutan.
I-KONEK
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag batay sa kaligirang
pangkasaysayan ng bhutan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
____ 1. Kilala bilang pagpapanatili ng tradisyon at kultura ng Bhutan.
A. Saserdote B. Bhutanese C. Thimphu D. Driglamnamza
____ 2. Kabisera ng bansang Bhutan.
A. Himalaya B. Tibet C. Driglamnamza D. Thimphu
____ 3. Pambansang damit para sa Bhutanese na mga lalaki.
A. Hanbok B. Gho C. Kira D. Turban
____ 4. Pambansang damit para sa Bhutanese na mga babae.
A. Hanbok B. Gho C. Kira D. Turban
____ 5. Relihiyong kinabibilangan ng kalahati ng populasyon ng bansang Bhutan.
A. Mahayana Budismo B. Hinduismo C. Kristyanismo D. Confucianismo
SUSI SA PAGWAWASTO
▪ PAUNANG
▪ GAWAIN 1: PANAPOS NA PAGSUSULIT
PAGSUBOK BALIK -TANAW
1. E 1. D
1. T 1. PARABULA
2. C 2. D
2. T 2. MAIKLING KUWENTO
3. D 3. B
3. M 3. PABULA
4. F 4. C
4. T 4. SANAYSAY
5. A 5.A
5. T 5.DULA

GAWAIN 2:
SARILING PAG-UNAWA
PANITIKANG ASYANO
FILIPINO – 9
IKALAWANG BAHAGI

Ginang Elloissa Burgos-Dimaalihan


PANIMULANG PANALANGIN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Naisusulat ang isang anekdota o


liham na nangangaral;
isang halimbawang elehiya
(F9PU-IIIa-53)
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Uri ng tuluyan na tumatalakay sa nakatatawa at kakaibang pangyayari.
A. Anekdota B. Dula C. Pabula D. Talambuhay

_____2. Alin sa mga sumusunod na akda ang halimbawa ng anekdota?


A. Ibong Adarna B. Florante at Laura
C. Tsinelas ni Pepe D. Ang Matsing at ang Pagong

_____3. Ang mga hakbang sa pagsulat ng anekdota ay ang mga sumusunod, MALIBAN sa;
A. Pagpili ng nakatutuwang pangyayari sa buhay
B. Gumawa ng balangkas
C. Pumili ng angkop na pamagat
D. Gawing seryoso ang paglalahad
_____4. Ang akdang ito ay isinusulat sa paraang nakikipag-usap at pagbabahagi ng sariling
karanasan ng isang kilalang tao.
A. Dula B. Nobela C. Anekdota D. Tula

______5. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang anekdota o liham na
nangangaral, MALIBAN sa
A. Makatotohanang paksa na nakabatay sa sariling karanasan
B. May iisang paksa lamang
C. Pagsasaalang-alang sa maiiwang kakintalan sa mambabasa
D. Pagbibigay impormasyon
BALIK-TANAW PANUTO:
PANUTO: Suriin ang mga larawan. Punan ang nawawalang letra upang mabuo
ang salita.
ANO ANG ELEHIYA?

▪ Ito ay malungkot na tula o anumang katha na


ipinatutungkol sa namatay.

▪ Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng


pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil sa kamatayan.
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN:

▪ Ang Anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na


tumatalakay sa nakatatawa o kakaibang pangyayari o
insidente. Ang layon nito ay pagbibigay ng magandang
karanasan na may mahalagang aral.
▪ Isa rin itong maikling salaysay ng isang tanging pangyayari
na lubhang kawili-wili. Ang anekdota’y isinasalaysay upang
makalugod o magbigay kawilihan. Ang tauhan nito ay
karaniwang tanyag o kilala.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG ANEKDOTA

1. Makatotohanang Paksa na ibinatay sa tunay na karanasan.

2. May isang paksa lamang na tinatalakay.

3. May kakintalang maiiwan sa mambabasa.


MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ANEKDOTA

1. Isiping ang isinusulat na anekdota ay isang libangan.


Magsaliksik ng isang nakatutuwang pangyayaring kapupulutan ng aral mula sa
isang kilala o tanyag na tao. (Halimbawa: bayani, pulitiko, artista, manlalaro, at iba pa)

2. Pagpili ng mga nakatutuwang pangyayari sa buhay.


Ilahad ang mga pangyayaring nakalilibang sa mga mambabasa.

3. Paggawa ng balangkas.
Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa gabay ng pagsulat.
4. Umisip ng nakatatawag- pansin na panimula.
Maaring tanong o pagsipi sa isang pahayag o panggulat na
pangungusap.

5. Paghahayag ng suliranin mula sa ikalawang talata.


Bagama’t maikli dapat makita ang suliranin sa kuwento. Kailangang
banggitin ang tagpuan o lugar na pinangyarihan.
6. Paglalahad ng nilalaman bilang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Nakatuon sa bahaging ito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari mula sa simula,


tunggalian, kasukdulan at wakas.

7. Pagwawakas sa kuwento sa maikling paraan.

Ihayag ang aral na nais ipabatid sa mambabasa.

8. Pagpili ng angkop na pamagat.


Kapag natapos na ang kuwento isunod ang pamagat. Maikli at nakatatawagpansin at
sikaping may kaugnayan sa nilalaman ng anekdota.
GAWAIN 1
PANUTO: BASAHIN AT UNAWAIN ANG HALIMBAWA
NG ANEKDOTA.
PANUTO: SAGUTIN ANG MGA
SUMUSUNOD NA TANONG HINGGIL SA
BINASANG ANEKDOTA.
GABAY NA TANONG:
1. Sinong bayani ang kinakatawan ni Pepe sa anekdota?
2. Ano ang sinisimbulo ng sama-samang paglipad ng ibon?
3. Ano ang sinisimbulo ng tsinelas sa anekdota?
4. Ipaliwanag ang pahayag na, “Para po pakinabangan ng makakukuha.
Hindi po kasi niya magagamit ang isang tsinelas lamang.”
5. Bakit mas minabuti ni Pepeng itapon ang naiwan na tsinelas? Kung
ikaw si Pepe, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
INDIVIDUAL NA GAWAIN
Gawain 1 Panuto: Isulat ang iyong sariling pagpapaliwanag sa mga
sumusunod .
GAWAIN 2: SULAT KO, ISALAYSAY KO!

Sumulat ng isang anekdota o liham na


nagpapangaral sa kapwa mo kabataan na
nais ng huminto sa pag-aaral dahil sa
pandemyang kinasasadlakan natin
ngayon. 
PANUTO: ILAHAD MO ANG IYONG MGA
NATUTUHAN SA ARALIN.

▪ Dugtungan ang sumusunod na pahayag.


Napag-alaman kong ______________________
Masasabi kong __________________________
Natuklasan kong _________________________
I-KONEK
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin at Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ang mga pangyayari sa anekdota ay ________________ subalit nagiiwan ng aral sa mga
mambabasa.
A. mahabang salaysayin B. iisa ang diwa C. nag-iiwan ng kakintalan D. maikli at kawili-wili
_____2. Ito ay akdang mapagkukunan ng detalye sa pagbuo ng anekdota.
A. Tula B. Alamat C. Talambuhay D. kuwentong Bayan
_____3. Ang mga sumusunod ay katangiang dapat taglayin ng isang anekdota, MALIBAN sa.
A. May-aral B. Kawili-wili C. Maikli D. Pormal
_____4. Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng anekdota ay ang taong _______.
A. Edad B. Katungkulan C. Kilala D. Mahusay
_____5. Sa pagsulat ng anekdota kailangang nakatuon sa ______________.
A. Kaakit-akit na pamagat B. Kakaibang wakas C. Natatanging simula D. Nakatutuwang pangyayari
SUSI SA PAGWAWASTO
▪ PAUNANG PANAPOS NA GAWAIN 1 AT GAWAIN 2:
PAGSUBOK PAGSUSULIT SARILING PAG-UNAWA GURO
1. A 1. D ANG MAG WAWASTO
2. C 2. C
3. D 3. D
4. C 4. C
5. D 5. D
TAKDANG ARALIN :
Panuto: Bumuo ng anekdota batay sa sumusunod na paksa.
1. Ako at Ang Online Class
2. Buhay Pandemic
3. Paasang Pag-ibig
4. 4Ako sa Bagong Daigdig
5. Tiktok 6. Mobile Legend
WAKAS! BINABATI KITA SA
IYONG AKTIBONG PAKIKILAHOK
AT PAKIKINIG SA ATING ARALIN!

You might also like