You are on page 1of 19

Aralin 2

Ang Konsepto ng Kakapusan


Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
• Ang ekonomiks ay nakatuon sa
pinakamahusay na paggamit ng
pinagkukunang-yaman sa kabila
ng walang katapusang
kagustuhan at pangangailangan
ng tao.
• Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga
desisyon bilang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
SURIIN ANG MGA PRODUkTONG NAKALISTA
SA HANAY A AT B SA CHART.

HANAY A HANAY B
Bigas Celphone
Isda Relo
Gulay Tablet
Damit Make-up
Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit
magkakasama ang mga produkto sa iisang
hanay? Ipaliwanag
Basahin ang joke sa ibaba at
pag-isipan
Dumating si Mister galing trabaho.
Mister: Mahal, ano ang ulam?
Misis: Nakalagay sa table, mamili ka.
Mister: E tuyo lang ang nakalagay dito ha! Ano
pagpipilian ko?
Misis: Mamili ka kung kakainin mo yan o hindi.
Ako d pa kumakain.
Joke Time, Remate, May 30, 2015

Ano ang pinapahayag ng binasa mo? Bakit kaya


ito nangyayari?
Ano ang kakapusan?
• Ito ang hindi kasapatan ng
pinagkukunang-yaman
upang mapunan ang
pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
• Pinaniniwalaan na ang
bawat ekonomiya ay
nakakaranas ng kakapusan
sa pinagkukunang-yaman.
Uri ng kakapusan ayon sa kalagayan
• Pisikal na Kalagayan • Pangkaisipan na
· Tumutukoy sa aktwal Kalagayan
na kawalan ng yaman • Tumutukoy sa pagpigil
na tutugon sa mga ng tao na tugunan ang
pangangailangan ng pangangailangan kahit
tao. may kakayanan siya na
tugunan nito.
Uri ng kakapusan ayon sa
kalutasan nito
• Absolute ang • Relative ang
kakapusan kapag kakapusan kapag ang
nahihirapan ang pinagkukunang-yaman
kalikasan at tao na ay hindi makasapat sa
malutas ang sanhi ng
kakapusan. pangangailangan ng
tao.
Dahilan ng kakapusan
• Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman.
• Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman.
• Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.
Pagkakaiba ng kakapusan
at kakulangan

KAKAPUSAN
• Ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman
upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

KAKULANGAN
• Pansamantalang hindi kasapatan ng
pinagkukunang-yaman na kayang
matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
Teoryang pang-Ekonomiks ni
Thomas Malthus
• Magpapatuloy sa
mabilis na paglaki ang
populasyon kung hindi
ito makokontrol.
Samantala, ang
produksyon ng
pagkain ay mabagal at
hindi makasasabay sa
mabilis na paglaki ng
populasyon.
Kakapusan bilang
suliraning panlipunan
• Nag-iiba ang pag-uugali ng tao
kapag hindi niya nakakamit ang
kanyang mga pangangailangan.
• Ang pag-uugali ng tao ay
nagiging hindi katanggap-
tanggap. Natututo siyang
magdamot, mandaya at
manlinlang sa kapwa.
• Nagiging bunga ng kakapusan
ang kaguluhan at pagtaas ng
presyo ng mga bilihin (inflation).
TAKDA:

PAGPAPAHALAGA

• Ano ang dahilan kung bakit may suliranin ng


kakapusan sa inyong lugar?
• Paano nagiging dahilan ng kaguluhan at pagtaas
ng presyo ang kakapusan?
Mga Kaisipan tungkol sa
Kakapusan
TRADE-OFFS
• Hindi kayang makuha ng tao ang lahat ng kanyang
pangangailangan.
• Upang makuha ang isang bagay, kailangang isakripisyo ang iba.
Mga Kaisipan tungkol sa
Kakapusan
OPPORTUNITY COST
• Ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan
upang makamit ang isang bagay.
• Nagkakaroon nito dahil sa limitasyon ng mga
pinagkukunang yaman.
Production Possibility Frontier (PPF)

• Nagtatakda sa hangganan ng lahat ng


kumbinasyon ng kalakal at paglilingkod na
maaring maprodyus kung matalinong
ginagamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman
ng isang lipunan.
• Ito ang pinakamataas na opportunity cost na
maaring bitawan upang makamit ang
pangangailangan.
Pagpili sa pagitan ng
produksyon ng Mais at Palay
A
D
Produksyon ng mais

800 
C
550 

1,100 1,300

Produksyon ng palay
PAGBUBUOD:

Nagiging panlipunang suliranin ang


kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao
ang kanyang layunin.

Upang maging responsible ang tao


sa kanyang pagdedesisyon,
kailangan niyang mabatid ang
opportunity cost ng kanyang
desisyon
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
• www.WikiPinas.com

You might also like