You are on page 1of 9

Liksyon 10 para sa ika-4 ng Setyembre, 2021

KAPAHINGAHAN
NG SABADO
Ang Biyernes ay tinatawag minsan na “araw ng
paghahanda,” ngunit ang tanging araw sa Judiong
Kalendaryo na may sariling pangalan ay Sabado. Ang
kahulugan ng pangalan nito ay “pahinga.”
Ang kapahingahan ng Sabado ay higit pa sa pisikal na
kapahingahan. Makikita natin ito sa pag-aaral sa dalawang
bersyon ng ika-apat na utos, at ibang mga talata tungkol sa
Sabado at kung paano ito ingatan.
Paano tayo makapagpapahinga sa Sabado?

Kapahingahan upang alalahanin.


Kapahingahang ikapapasalamat.
Kapahingahan para sa lahat.
Kapahingahan upang maglingkod.
Kapahingahang itinalaga sa Dios.
KAPAHINGAHAN UPANG ALALAHANIN “Alalahanin mo ang araw
ng sabbath upang
Ano ang dapat nating alalahanin sa Sabado? ipangilin” (Exodo 20:8)

Ang kapangyarihan ng Dios. Ginawa niya itong


mundo at lahat na narito, kahit mga tao (Ex.
20:11; Gn. 1).
Dapat din nating alalahanin na nilikha tayo sa
espesyal na paraan. Iba tayo sa ibang nilalang sa
Lupa. Ginawa tayo sa wangis ng Dios (Gn. 1:27;
9:6).
Sa huli, dapat nating alalahanin na pananagutan nating ingatan ang nilikha ng Dios. Tayo ay
mga katiwala ng Kanyang paglikha (Gn. 1:28; 2:15).
Matapos ang anim na libong taon ng kasalanan, ang
Sabado ay paalala ng plano ng Dios para sa atin mula
pa ng bago sa Paglalang. Nagbibigay ito ng pag-asa sa
atin na balang araw tayo ay tatamasa ng lubusang
pakikipag-isa muli sa Dios (Is. 66:23).
KAPAHINGAHANG IKAPAPASALAMAT
“At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto, at ikaw
ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang
makapangyarihang kamay at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo ng
Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng sabbath” (Deut. 5:15)
Naging alipin ba tayo? Ang mga Judio ay oo, ngunit hindi tayo naging alipin …
o ganun din ba tayo? Basahin natin ang Roma 6:17-18.
Inalipin tayong lahat ng kasalanan, walang hindi.
Ang Sabado ay tanda upang pasalamatan ang Dios
sa pagpapalaya sa atin mula sa pagkaalipin sa
kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus.
Binibigyan tayo ng ikaapat na utos ng kapahingahan
sa kaligtasan na ibinigay ng Dios sa atin sa
pamamagitan ng makapangyarihan Niyang bisig.
“Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung
anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng
Dios.” (Galacia 4:7)
KAPAHINGAHAN PARA SA LAHAT
“Anim na araw, na iyong gagawin ang iyong gawain, at sa ikapitong araw, ay magpapahinga
ka: upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga; at ang anak na lalake ng
iyong aliping babae, at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga” (Exodo 23:12)

Ang utos na ito ay ibinigay sa Paglalang, kaya para ito


sa lahat. Kaya, inutos ng Dios sa Israel na ibahagi ang
pagpapala ng Sabadong kapahingahan sa bawat isa
sa palibot nila.
Tinanggap ng Kristyanong Iglesia ang mga prebilihiyo
ng Israel (1P. 2:9). Tinawagan din tayo upang ibahagi
itong mga pagpapala sa bawat isa sa palibot natin.

Kaya ayon sa kautusan, dapat nating


ituring ang iba na may pag-ibig at
paggalang. Hindi dapat natin abusuhin
ang sinoman, kahit din anumang hayop.
KAPAHINGAHAN UPANG MAGLINGKOD
“At ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni Satanas, narito, sa loob ng
labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath”
(Lucas 13:16)

Hindi tayo dapat matigilan sa paglilingkod


sa Sabado. Sa kabaliktaran, ang Sabado ay
araw upang maglingkod sa iba.
Nagpagaling si Jesus ng Sabado, bagaman
taliwas ito sa estriktong kagawian ng mga
Pariseo tungkol sa kapahingahan.
Itinuring Niya itong mahalagang bagay. Hinamon pa nga Niya ang
mga Pariseo sa pag-utos sa taong kakapagaling lang Niya na
buhatin ang kanyang higaan nang Sabado. Iyon ay ipinagbabawal
ng kanilang tradisyon, hindi ng kautusan (Jn. 5:1-17).
Ayaw ng Dios ng pagsambang hindi nagdadala sa pagmamahal at
pagkalinga sa iba (Is. 58:2-4; 13-14). Kabilang ang paglilingkod sa
kapahingahan ng Sabado.
“Ayon sa ika-apat na utos , ang Sabado ay
itinalaga sa kapahingahan at relihiyosong
pagsamba. Lahat na gawaing walang
kaugnayan sa relihiyon ay dapat itigil, ngunit
ang mga gawa ng awa at pagbibigay ay kaayon
sa layunin ng Panginoon. Hindi sila dapat
malimitahan ng panahon o lugar. Upang
paginhawahin ang may sakit, upang aliwin
ang nagdadalamhati, ay isang gawain ng pag-
ibig na nagpaparangal sa banal na araw ng
Dios.” E. G. W. (My Life Today, August 15)
KAPAHINGAHANG ITINALAGA SA DIOS
“Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin,
Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't
isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga
lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal
sa inyo” (Exodo 31:13)
Ang Sabado ay isang tanda na kumikilala sa atin bilang bayan ng
Dios. Nagpapaalala ito sa atin na pag-aari tayo ng Dios, na ang
ating mga gawa at pagpapahinga ay para sa Kanya.
Hindi ito tandang para lamang sa pisikal na lahi ni Abraham.
Nang tinanggap natin si Jesus, tayo ay nagiging “binhi ni
Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.” (Gal. 3:29).
Pinapaalala ng Sabado sa atin ang ating pinagmulan, ating
paglaya mula sa kasalanan, at ating tungkulin para sa mga
mahihina.
Ang Sabado ay mahusay na panahon kasama ng ating
Manlalalang at Manunubos. Inaanyayahan Niya tayong pumasok
sa Kanyang kapahingahan (Heb. 4:9-10).
“Ang Sabado ay isang tanda ng
ugnayan sa pagitan ng Dios at
Kanyang bayan, isang tanda na sila ay
Kanyang masunuring lingkod, na
sinusunod nila ang Kanyang utos.
Ang pangingilin ng Sabado ay
paraang itinalaga ng Dios upang
maingatan ang kaalaman tungkol sa
Kanya at upang kilalanin ang
Kanyang mga tapat na lingkod sa mga
sumusuway sa Kanyang kautusan.”
E. G. W. (Testimonies for the Church, book 8, cp. 32, p. 198)

You might also like