You are on page 1of 15

Pambungad sa

Pilosopiya ng Tao

Mga Uri ng Argumento

Prepared by:
Rose Ann P. Arellano
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

Nahihinuha na patungo sa katotohanan ang mga


pamamaraan ng pamimilosopiya

Natataya ang katotohanan at opinyon sa iba’t


ibang sitwasyon gamit ang pamamaraan ng
pamimilosopiya

Liberating Network in Education


Tiyak na Layunin:

Natutukoy ang mga uri ng argumento sa


pamamagitan ng pagsuri ng mga sitwasyon

Nahihinuha na ang mga argumento ang


nagpapatotoo sa mga opinyon lamang

Nakagagawa ng isang sitwasyon na nagpapakita


ng mga uri ng argumento sa pamamagitan ng
paggawa ng isang sanaysay.

Liberating Network in Education


Let’s Add and Subtract

Panuto: Gamit ang larawan, bumuo ng mga salita


sa pamamagitan ng pagsama-sama o pagbawas
ng mga salita

Liberating Network in Education


Argumento

• Isip Alam Ko To
• Isip Sino Ka Ba?
• Isip Sinabi Ni
• Isip Biktima Ako
• Isip Gaya-gaya
• Isip Ako Ang Batas

Liberating Network in Education


Argumento

• May dalawang panig na nagkaroon ng


magkaibang pananaw sa isang paksa na
nagkaroon ng isang diskusyon kung sino ang
tama o mali.

Liberating Network in Education


Argumento

• Sa pilosopiya ang argumento ay ang


nagpapatotoo sa mga pahayag na opinyon
lamang.

Liberating Network in Education


Mga uri ng Argumento
Isip alam ko ‘to

• Hindi na makikinig sa kausap dahil ang sarili


lamang ang wasto at tama.

• Halimbawa: Ang iyong kausap ay sigurado na


iisa ang titik “T” sa salitang COMMITTEE dahil
siya raw ay nanalo noon sa spelling bee.

Liberating Network in Education


Isip sinabi ni

• Tinatanggap bilang totoo ang isang bagay dahil


sinabi ito ng isang pamosong tao.

• Halimbawa: Iminungkahi mo sa iyong kaibigan


na motorsiklo ang bilihin kaysa kotse dahil ito ay
sinabi ng pinsan mong abogado.

Liberating Network in Education


Isip sino ka ba?

• Hindi na tinatanggap bilang totoo ang sinasabi


ng isang tao dahil mababa ang pagtingin sa
kanya.

• Halimbawa: Sinabihan ka ng iyong kausap na


“wala ka namang alam tungkol sa Diyos dahil
bansot ka!”

Liberating Network in Education


Isip biktima ako

• Hinahaluan ng makabagbag damdaming drama


ang pagpapahayag upang makuha ang pagsang-
ayon ng iba

• Halimbawa: Lumapit ka sa iyong guro upang


ikaw ay ipasa sa nakaraang pagsusulit sapagkat
ang iyong ina ay may sakit.

Liberating Network in Education


Isip gaya-gaya

• Isa sa pinakamabisang paraan para kunin ang


pagsang-ayon ng kausap ay sa pamamagitan ng
pagbalangkas sa pahayag bilang tanggap ng
karamihan.

• Halimbawa: Sinabi ng iyong kaibigan na bumili


ka ng cellphone dahil lahat ng inyong kabarkada
ay meron ng cellphone.

Liberating Network in Education


Isip ako ang batas

• Kapag hindi makuha sa santong dasalanan,


kukuhanin sa santong paspasan sa
pamamagitan ng pananakot, pamimilit o dahas

• Halimbawa: Kapag sinabihan ka ng iyong mga


kaklase na ikaw dapat ang iboto bilang president
ng inyong klase dahil kung hindi ka nila iboboto
ay aawayin mo sila.

Liberating Network in Education


Tandaan:

Ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa


mga bagay upang magbigay linaw, mag-alay ng
kasagutan at magdagdag ng karunungan sa
nagtatanong. Ang pilosopiya ay paghahanap ng
katotohanan sa maraming kaalamang natuklasan
ng tao. Samakatuwid malaki ang ambag ng mga
argumento upang malaman ang katotohanan sa
isang sitwasyon.

Liberating Network in Education

You might also like